WebClick Tracer

ANGAY-ANGAY LANG: Pamalandong tungkol sa Krisis sa Marawi

8 Agosto 2017 (dagdag 26 Hunyo 2019) 

(Historian and peacebuilder Rudy Buhay Rodil presented this piece at the “Recognizing the Role of History in the Marawi Siege: A Panel Discussion and a Workshop, Theme: Kasaysayan: Susi Tungo sa Nasyonalismo’t Pambansang Kamalayan held at the Department of History, College of Arts and Social Sciences’ Board Room, MSU-Iligan Institute of Technology on 30 Aug 2017 and revised for the joint Mindanews-Institute of Peace and Development – MSU Marawi City – Theme: Reflections on the Siege of Marawi on 26 Hunyo 2019)

Giyera sa Marawi. Ano ang pumasok sa isip ko na naka-trigger na nagaganap: ano ang magandang nangyari sa Marawi na may kinalaman sa aking pagkatao ngayon, diyan mismo sa bahagi na ngayon ay nawasak na?  Para sa akin. Exercise ito sa positibo na pag-iisip. Naghahanap ako ng positibo, hindi ako magpapalunod sa negatibo. Heto po, tatlong karanasan na magandang i-highlight.

Una -1974.  Nagkausap kami ni Senador Domocao Alonto sa kanyang bahay.

Exciting people, mababait, pinatuloy ako, kinausap ako, pinakain ako, pinatulog, may pabaon pa. Laging nakangiti. Hindi ko matandaan ang As Salamu Alaikum pero hindi ko malilimutan ang ngiti. Kumpleto na yon. Damang-dama. 1974 – unang punta ko sa Marawi, hinanap ko ang bahay ni Jun Alonto, yong naging kakilala ko sa Davao, nagkape kami, nagkuwentuhan, naging magkaibigan doon. Sabi, punta ka sa bahay. Doon ko narinig ang mga pangarap ng mga Mrenao, kainitan ng giyera noon, AFP vs MNLF.  Kinabukasan, dinala ako sa bahay ni Domocao Alonto, hindi niya sinabi sino yon. Wow! Si Alonto na naging congressman at naging senador, siya pala. At ikaw ay anak niya! Quietly lang ako, papaano ko ilalabas ang aking excitement, parehong iginagalang. Kaharap ko pala ang kinikilalang lider, traditional lider ng Ramain, promoter ng Islam sa Mindanao, political leader ng buong Lanao, at sa Mindanao at sa buong bansa. At kasama ko ay si… Oy ako si Jun. Sa susunod, sino sila sa pagkakaalam ko mula mismo sa kanila?

ompong2 e1561880393171
Si Prof. Rudy Rodil habang kinukwento ang kanyang karanasan bilang manunulat ng kasaysayan tungkol sa Mindanao (Hunyo 26, 2019). Larawang MindaNews ni GG BUENO

Nakatingin ako sa kanya, maaliwalas, smiling. Sa harap niya, nandoon pala ang kopya ng sinulat ko. Sabi niya gusto ko ang sinabi mo, nagagap mo ang aming kalagayan. Dagdag niya, nakikinig ako intently, kulang pa daw ang kanilang nalalaman tungkol sa Islam, naghahanap siya ng maayos na edukasyon, naghahanap siya ng maayos ng status ng mga minorities. Ayon, nagkita daw sila ni Gamal Abdel Nasser, ang presidente ng Egypt. Bandung Conference sa Indonesia noong 1955, nagkaipon-ipon ang 29 nations ng African-Asian regions, na puro bago pa lang nakaalpas sa kolonyalismo, miyembro siya ng Philippine delegation.

Si Nasser ang nakita niyang tulay, inayos nito ang Al-Azhar University sa Egypt, binuksan para sa mga iskolar ng ibang bansa. Ayon maraming mga young estudiyante mula sa Mindanao ang nagtungo doon. Nagkaroon ng isang Makkah-based Muslim World League, in fact isa siya sa founding members nito, nagkaroon ng dagdag na scholarship opportunities para sa mga Muslim sa Pinas, kaya sumulpot ang listahan ng mga institusyon, tulad ng Madinah, Makkah, Tripoli, Damascus, Riyadh, Kuwait, at iba pa sa Middle East… namulaklak ang mga graduate sa Islam. Dito mismo sa Pinas, sumulpot ang Commission on National Integration (CNI) at ito ang nagbigay ng scholarshhip sa mga Muslim at iba pang tribu. Nagkaroon ng Mindanao State University (MSU) at dito mismo sa Marawi itinatayo. At ang Mindanao Development Authority (MDA) doon inilagay sa Davao. Nakalimutan ko na ang iba, pero ang nakalista dito ramdam na ramdam ko. Bakit? Bahagi ng research ko sa kasaysayan ng Mindanao ang istorya ng CNI; ang MSU, dito ako naging lubos na Mindanao historyan, sa Department of History ng MSU-Iligan Institution of Technology. Ang MDA? Ang tinutukoy ni Senator na report ko, ito ang katayuan ng National Cultural Minorities of Mindanao and Sulu. Kaya buhay na buhay ang exchange namin. Kabit-kabit ang lahat. Ah, natatandaan ko na, siya pa rin ang nagpalit ng pangalan; ang dating Dansalan ay naging Marawi. Lumabas doon na nakalutang sa tuwa, dreamy kumbaga feeling ko. Ngayon, ang tanong? Noong nag-usap merong giyera sa palibot, wala sa Marawi. Ngayon dito mismo ang giyera!

Hindi na kami nagkita ni Sen. Domocao Alonto mula noon. Nabalitaan ko na, bago lang, na pumanaw siya noong 2002. Pero alam ko na marami siyang ginawa. Ang totoo, nang nagpaalam na ako binigyan ako ng kanyang mga sinulat. Hinanap ko rin ang report ng kanilang House Special Committee to look into the Moro problem of the Moro. Ako? Naging titser ako ng History sa MSU-Iligan Institute of Technology. Si Jun naging Presidente ng MSU Marawi, Dr. Ahmad Alonto ang buong pangalan. Nagkaroon ng Campuses ang MSU: una ang Iligan, sumunod ang MSU General Santos, MSU Maguindanao, MSU Naawan, MSU Jolo, MSU Bongao. Kung hindi ako nagkakamali, noon naging System ang MSU. Meron pang maliliit na campus na naging bahagi buong System.

Ang pinakamagandang nangyari na nais kung bigyan pansin, bilang historyan, na ang Moro history ay naging required course for graduation (1978). Noong bandang mid-1990s, idinagdag ang Lumad or other indigenous tribes, History 3 ang technical name. Sa buong Mindanao-Sulu, ang MSU lamang ang meron ng ganitong kurso. Totoong hindi na kami nagkita ni Sen. Alonto, pero yong kanyang pinasimulan, nabuhay at namulaklak. Kumbaga, itinanim sa Marawi at kumalat sa ilang bahagi ng Mindanao-Sulu. Isa lamang ang Moro-Lumad History. Ngayon, merong sumulpot na bagong batas na ang Moro-Lumad History ay gawing integral bahagi ng Philippine History.

Malalim ang impression ng pag-uusap namin ni Sen. Alonto. Pati ang exchange ng mga kabataan sa bahay ni Jun. Na-trigger ang aking pagiging historian. Nag-isip ako. Anong koneksyon ng aking buhay sa mga napulot ko sa Marawi? Laking Upi ako, ngayon North Upi, dati Dinaig pa yon. naging tao ako sa Darugao, panahon ng giyera sa Hapon. Marami daw ang nagkaipon-ipon sa Kasisang, naging evacuation yon, umiiwas sa mga Hapon. Naging ninong ko daw si Francisco Ricasa, at ninang ko ang misis niya, sila yong na-assign sa Kiamba, South Cotabato. Pareho silang titser. Hindi na kami nagkita pero ang colored photo nila naiwan sa bahay namin. Nakapalibot namin ang mga Teduray, ipinaglihi daw ako sa Teduray. Simula sa Grade II, naging kalaro ko si Alim, Teduray ang salita namin, kumakanta ako ng bayok, palitan ng salita in verse. Pero dahilan ng imposition ng Ingles sa iskwelahan, natabunan ang magandang simula ko sa Teduray. Pero ang impression sa akin, deep empathy, ang naging baon ko nang mag-team leader ako ng research sa National Cultural Minorities of Mindanao and Sulu.

Nang mapunta ako sa Notre Dame of Jolo Enero 1967, first time to teach, pinagturo ako ng Philippine History. Pagdating sa Moro chapter, nabanggit ko ang “Moro Pirates”. Nagtaas ng kamay ang lahat, walang nakangiti, nais magsalita. Tinawag ko isa-isa, sabi sa Ingles: Our ancestors are not pirates. They fought the Spaniards. They were those who called us Moro Pirates. I apologized, sori talaga, yon lang ang libro na alam ko, may dala akong kopya ni Zaide. Heto. Tanggap ko na tayong lahat, may trabaho na gumawa ng bagong libro, ipasok doon ang aking mga karanasan. Ayon smiling na sila. Good friend na kami. Maraming Tausug na naging kaibigan ko doon. Noon ako nagsimulang mag-aral tungkol sa mga Muslim. Puedeng sabihin na doon nagsimula ang aking pagiging historyan. Tinamaan ako, kumbaga. Malalim din ang impression ko. Doon ako nagkaroon ng kaibigan na handang ialay ang buhay para sa aming friendship; noon hindi ko masagot. Ngayon ang sagot ko, alay ko na ang buhay ko sa paggawa ng bagong kasaysayan ng Mindanao-Sulu.

Ayon, nagsimula sa image ni Tondok, yong idol ko na Maguindanawon, klasmeyt sa elementarya, mabait, matulungin sa ina, napadagdag dito ang pangalan ni Michael Mastura, deep thinker, naging assistant researcher niya ako, summer of 1973, matapos sa kanyang participation sa Concon, Constitution-1973, tapos nagkaroon ako ng kaibigang Tausug, si Ajawi, tapos pagdating ko sa Marawi, nakadaupan ko ang sparkling image ng mga Mrenao, at napadagdag pa si Abdul.

Dito ko nabuo ang tatlong malalaking komunidad ng mga Muslim. Silang tatlo ang naging Abdul sa akin. Positibong karanasan – dama ko ang kanilang pagkatao.

Pangalawa -1977-78. Isang buwan akong tumira sa Marawi.

Araw-araw halos ako nagbabasa ng mga libro at dokumento na may kinalaman sa kasaysayan ng Moro, ito ang Dr. Peter Gowing Memorial Research Center. Sa tingin ko pinakamagandang koleksyon ito sa buong Pilipinas tungkol sa mga Moro. Dito ko nabuo ang unang libro ko, hindi ko doon sinulat; pero uulitin ko, doon ko binuo ang kumbinasyon ng isip at puso.

Taon 1977-78. Yon ang panahon na nagsusulat ako ng Two Hills of the Same Land (Rad D. Silva o si ako ang awtor). Isang buong buwan akong tumira sa Marawi. Naranasan ko ang tahimik na buhay at malamig na hangin. Maganda ang tulog ko doon. Araw-araw maghapon akong nagbabasa sa Dr. Peter Gowing Memorial Research Center. bahagi ito ng Dansalan College. Walang ibang nagri-research noon, sinuyod ko ang mga mahalagang mga libro at mga dokumento na may kinalaman sa Moro History. May baon akong mga libro na siyang binabasa ko sa gabi. Honestly, matindi ang aking passion for absorption. Doon ko nagagap ang kumplikasyon ng problema, lubhang masalimuot, hindi madaling ayusin. Mula doon, nagpatuloy ako sa UP Diliman library, sa Ateneo de Manila University, sa National Library.

merpuinmarawi e1561880847259
Si Prof. Rudy Rodil (nakatalikod) habang kinukunan ng larawan ang monumento ng orihinal na Kilometer Zero ng Mindanao sa Lungsod ng Marawi (Hunyo 26, 2019). Larawang MindaNews ni H. MARCOS C. MORDENO

Finally, nang makabuo ako, at napagdugtong-dugtong ko ang mga detalye, at nang redi na ako magsulat, meron akong nahiram na Underwood typewriter, at nakakita ako ng kuwarto na tahimik na walang istorbo, nasa tabi ko ang sigarilyo at kape, nakayari ako ng draft, sa loob ng pito araw at gabi. Mabigat ang balikat ko sa pagod pagkatapos, pero magaan, langit ang pakiramdam ko sa ulo.  Ito ang draft na aking inilibot sa mga kaibigan sa Iligan, sa Marawi, sa Cotabato, sa Davao, sa Maynila. Nakaka-inspire ang mga feedback. Lumabas ang unang bersyon (1978), sumunod ang pangalawa slightly revised bersyon (1979). Bakit Rad D. Silva? Ang Rad ay nagmula sa Latin na radix o ugat. Ang Silva ay tumutukoy sa gubat. Pagbasa ng pangalan ay “rad-dis-silva” o roots of the forest o ugat ng gubat.

Paglilinaw. Bakit ito ang title?  Una, bakit Two Hills of the Same Land? Bakit dalawa lang, tumutukoy sa Moro at Kristiyano settlers? Kasi noon, kulang pa ang mga detalye sa mga Lumad, at Hunyo 1986 na nang nagsimula ang paggamit ng collective name na Lumad, batay sa desisyon ng mga representante ng 15 tribu ng Lumad mismo.

Pangalawa, sa ilalim ng title nakasulat ang “Truth Behind the Mindanao Problem”, ang problema na nakasasakit sa lahat pero hindi maliwanag kung ano yon… gaano kasakit, mahigit na 120,000 katao ang nakitil, na 1990s ko na nalaman.

Pangatlo, ang libro mismo ay nagsimula sa Dear Abdul na sulat, sa dulo nito, nasa gitna ang istorya kung anong ang nangyari sa kasaysayan, kung pagkaroon ng gulo… kolonyalismo ang nagpasimula at sinisikap na ayusin. Sino si Abdul? Tatlong Muslim na ginawa kong isang imahe, ang pinagkunan ko, isang Mrenao, isang Maguindanao, at isang Tausug, puro naging malapit na kaibigan, puro turing kapatid.

Pang-apat, ang cover ng libro, sa totoo, dalawa ang nagdesign, isa sa unang bersyon, iba sa pangalawang bersyon, parehong hindi ko kilala noon, pero tumulong sa pagbubuo ng libro mismo. Isa lang ang umamin siya si Ed dela Torre, siya ang gumawa ng cover na pangalawang bersyon ng libro. Niliwanag ko sa Intro ng latest bersyon na naging desisyon ko na hindi ko ipagsasabi; masyadong marami ang sasabit kasi noon hindi ko ginagamit ang sarili kong pangalan ko. Pero okay lang sa akin, kung aaminin nila ngayon; hindi manggagaling sa akin.

Panglima, marami ang tumutukoy na tumulong na nakapaloob dito na “Mindanao-Sulu Critical Studies & Research Group”.

Pang-anim, ang huling linya ay: “P.S. This is not the end of the story.” Sabi ng isang na-meet ko sa labas ng simbahan, sa Cotabato, pagkatapos ng misa, retired Ilocana titser, nag-kuwentuhan kami tungkol sa Moro problema, naitanong ko sa kanya, anong sa tingin niya ang solusyon? Sagot niya: “Basahin mo ang Two Hills of the Same Land.” Hindi ko sinabi na ako ang sumulat; hindi rin kami pala nagkaalam ng pangalan.

Pangpito, ang huling limang linya ng sulat:

The mutual hostility between your people and mine

was sown and nurtured in times past.

The situation now is different.

New enemies have emerged, new friendships

must be born.

Pangatlo. 1985 (April 15 to May 10).  

Partisipante ako sa  Eleventh Annual Seminar Session on Mindanao and Sulu Cultures doon sa  Dr. Peter Gowing Memorial Research Center, bahagi ito ng Dansalan College. Meron kaming term paper dahil credited daw sa graduate school sa Xavier University.  Isa ang aking ni-research at isinulat: Reflections on the Moro Right to Self-Determination. Kasali sa kurikulum ang Islam at diskusyon sa Muslim-Christian Dialogue, na tinawag na Duyog Ramadhan ng ibang mga grupo. Nagamit ko kaagad nang magsalita ako sa Duyog Ramadhan Seminar sa  Malabang, Lanao del Sur, May 15-17, 1985.  Ang paksa ko: The Historical Background of Muslim-Christian relations.  Wikang Filipino ang ginamit ko. Sunod ang May 18-19, sa Marawi din, naging topic ko ang papel ang mismong “Reflections on the Moro Right to Self-Determination,” activity ito ng First Assembly of Ranao Development Forum, Marawi City, wikang Filipino pa rin ang gamit ko.  Ang mga sinulat ko noon, naging integral reference ko sa History 55 Moro History, na naging History 3 sa MSU-IIT.

Ito ang outline ng nilalaman ng papel:

  1. Theory and forms of self-determination
  2. The Moro people’s fight for self-determination: Historical perspective
  3. The MNLF response: their view of the present Moro situation
  4. Basic problems faced by the MNLF
  5. Poverty in Moroland
  6. Pressures of tradition; the pagan ang Islamic past
  7. Relations with the other Lumad and Christian populations
  8. The need for a model: Islamic state or Revolutionary line

Dugtong ito sa Two Hills of the Same Land, at mas malalim ang pagkaintindi ko ng kultura ng Moro, especially ang Mrenao.

Lahat ito ang mga ito ay naging bahagi ng sumunod ng apat na libro. Positibo ang imahe ng Marawi sa akin. Kahit nawasak na, madaling ayusin ang mga building na panlabas sa ating kumpara sa ating kamalayan; mas matindi ang kumplikasyon ng problema – sa relasyon. Gaya ng nabanggit ko sa Two Hills, uulitin ko lang:

The mutual hostility between your people and mine

was sown and nurtured in times past.

The situation now is different.

New enemies have emerged, now friendships

must be born.

Dito susulpot ang bagong kasaysayan at nasyonalismo, bunga ng bagong kamalayan.

Nasa kamay natin ang gawa.

#

P.S.  Makasaysayan ang pagsulpot ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao – Enero 2019), mahalagang bahagi nito ang Marawi City.  Magandang umpisa ito ng bagong kasaysayan. Hindi lamang sa Mindanao-Sulu, pati na ang buong Republika ng Pilipinas. Mabuhay tayo!

[Si Prof. Rudy Buhay Rodil ay aktibong historyan ng Mindanao, tagapasulong ng kalinaw (Bisaya sa kapayapaan). Kilala siyang espesyalista sa paghusay ng mga gusot sa Mindanao-Sulu. Naging Komisyoner noon ng Regional Consultative Commision sa siyang nagbuo ng draft organic law ng Autonomous Region in Muslim Mindanao noong 1988. Dalawang beses siyang naging miyembro ng GRP Peace Negotiating Panel. 1993-1996, pakikipag-usap sa Moro National Liberation (MNLF), at noong 2004-2008 sa pakikipag-negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Naging visiting propesor sa Hiroshima University, Oktubre-Disyembre 2011. Nagretiro noong Oktubre 2007]

Your perspective matters! Leave a comment below and let us know what you think. We welcome diverse viewpoints and encourage respectful discussions. Don't hesitate to share your ideas or engage with others.

Search MindaNews

Share this MindaNews story
[custom_social_share]
Send us Feedback