WebClick Tracer

OUR MARAWI: Mas gugustuhin kong marinig ang ingay ng putukan ng Marawi kaysa marinig ko ang pag-iyak ng mga bata

27bakwit22
Noraida Dibansa, an evacuee from Marawi City, on Monday (24 July 2017) says she would rather hear the gunfire in Marawi City than listen to her children ask when they can return home. Marawi evacuees held a State of the Bakwit Address at the madrasa in Ceanuri Subdivision in Iligan City on Monday, the same day that President Duterte delivered his second State of the Nation Address. MindaNews photo by H. MARCOS C. MORDENO

(Noraida Dibansa, an evacuee from Barangay Bacolod Chico in Marawi City, delivered this at the State of the Bakwit Address at Mahad Al-Nor Al Islamie Madrasa in Ceanuri Subdivision, Iligan City on 24 July 2017, hours before President Rodrigo Duterte delivered his second State of the Nation Address at the Batasang Pambansa in Quezon City)

Assalamulaikum. Ako po ay si Noraida Dibansa, galing po ako sa Bacolod Chico ng Marawi City.

Ang daanan po namin ay from City Hall of Marawi going to Bangon patungo sa aming barangay Bacolod Chico.

Unang una, hiniling ko po sana sa mahal na Pangulo at ganon po kay Defense Secretary na sana ho pagbigyan mo kami, buksan ang daan patungo doon sa aming barangay kasi actually yung barangay namin, although malapit sa bakbakan,   nandyan pa rin yung mga bahay namin na pwedeng balikan or kung hindi na pwedeng balikan, kahit man lang isang silip mapayagan po kaming makapasok dahil sa sana magkaroon din kami (ng pagkakataon na masilip kung) may natira pa sa amin dahil sa daming nagnanakaw, ninakaw yung mga kayamanan.

Kahit damit lang or ano lang ang makukuha namin sapat na yun sa amin siguro. Iyon hinihiling ko po sana padaanin po kami kahit isang araw lang o kung hindi kami papayagang makauwi sa aming bahay ang karanasan namin dito sa pangyayari hindi talaga  namin makayanan for the stay in two months here in Iligan is so hot.

Even a simple mom like me, isang ina ako, hindi ko matugunan ang katanungan ng mga anak ko. How much more for the others tinatanong ng mga anak ko, araw araw. “Mommy, bakit hindi tayo uuwi?  Bakit kinakailangan nating mag stay dito sa Iigan hindi namin ito kaya.”

05beautifulmarawi
Downtown Marawi City one sunny afternoon circa 2004, MindaNews photo by BOBBY TIMONERA

Culturally shocked talaga ang mga anak ko. Sabi niya,  “Mommy, kinakailagan bang mag stay dito? Ang sikip-sikip dito sa home-based, ang init, matigas ang hinihigaan. Araw-araw ang hirap talaga dito.”

So sabi ko, “Hindi tayo makauwi. May gyera.”

Ang sabi ng isang anak ko, “Mommy, parang sa movie lang yan, Mommy, umuwi na tayo please.”

Kaya sana, Pangulong Duterte, pauwiin mo kami kaysa dito kami naghihirap, dito sa Iligan.

Tapos ang extension for the martial law, please pawalan mo ng bisa.

We salute the military for their (heroism), na ginagawa (nila to) save the the life of the people and civilians. Pero ang hirap din, sana okay lang nandyan kayo, ang bias ng martial law, kinatatakutan namin talaga Sir.

Hinihiling po namin na ibaba mo talaga yung martial law Pangulo. Please, yun ang isa doon. Pinakamahirap talaga. Yun lang po. Pangalawang hiling namin na bigyan ng direktiba ang mga barangay LGU kung anumang calamity fund na nandyan sa kanila, please ibigay nila sa mga tauhan nila para naman makatulong sila or hanapin lang kung saan dito sa Iligan ang mga civilians na under sa kanila. Ganon po rin hiniling namin.

Tapos yung ano, yung bilang nandito, talaga yung experience talaga ng pagkawala ng isang relative dahil namamatay, dahil sa kakulangan sa medicine, tapos may naospital, tapos ang hirap-hirap hindi makalabas sa hospital dahil ang laki laki ng bayad niya 70,000 (pesos) tapos saan po sila (kukuha ng pera?) Ang nanay niya talaga ay ano, wala siyang tatay, yung nanay lang niya ang nandyan. So far, sana may nakatulong sa kanila.

At saka nanawagan ako po sa home-based, sa area ng mga home-based. Tulungan po ninyo ang nasa home-based kasi naghihirap din sila kung hindi sila nakipagsiksikan sa evacuation center na magkaroon ng relief, talagang nahihirapan sila, talagang hindi sila makakakuha.

Please naman, pumunta kayo, lahat mga service provider, pumunta kayo sa evacuation center sa home-based para matingnan ninyo ang mga evacuees na nasa home-based. Yun po ang masasabi ko sa lahat. Uulitin ko po, sana, please Pangulong Duterte, allow us to go (home) to Marawi rather than to stay here kasi yung hirap sa amin.

Para sa akin, bilang isang nanay, na mas gugustuhin kong marinig ang ingay ng putukan ng Marawi kaysa maririnig ko ang pag-iyak ng mga bata at saka araw- araw na tanong nila hindi namin matugunan.

Please, Pangulong Duterte. Salamat po.

Search MindaNews

Share this MindaNews story
Send us Feedback