Harinawa’y hindi.
Subalit saka-sakali na mangyari
ang di karapat-dapat siyang magwagi,
lahat tayo ay mapapangiwi
sa kirot at hapdi ng ating pagkakamali.
Kaya upang tayo’y di maging sawi,
sana ay maging mapanuri
sa ating pagpili.
Isip-isip lang kahit kaunti
hanggang maaari.
Eric S.B. Libre
2 Abril 2022