WebClick Tracer

THE VOTE: Ang panukalang batas na ito ay terorismo sa karapatang pantao at terorismo sa ating demokrasya

[Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani T. Zarate, explains his “No” vote to HB 6875  (the proposed Anti-Terrorism Act of 2020), at the House of Representatives on 3 June 2020]

Ang kinatawan na ito ay nagpapahayag ng isang mariing pagboto ng NO sa New Anti-Terror Bill! Or NAT Bill.

Sumadsad na sa pinakamababang antas ang pagturing ng administrasyong ito sa karapatang pantao; mas mababa pa kaysa sa ginawa ng panahong diktador na si  Marcos sa panahon ng Martial Law. Kung noong panahon ng diktador na si  Marcos ay may pagkukunwari at pagtanggi pa sa paglabag sa karapatang pantao ang rehimen ni Marcos,  ngayon ay ipinagmamalaki at walang kahihiyang isinasabatas pa ang paglabag sa karapatang pantao ng mismong opsiyal ng gubyernong ito.

04zarate
Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani T. Zarate explains his “No” vote to HB 6875 during the House of Representatives’ session on 03 June 2020.||| |||buy wellbutrin online with |||

Screengrabbed from livestreamed session

Ang Kongreso bilang isang institusyon,  sa pagtupad nito sa mandato na pagbalangkas ng batas, ay may tungkuling itaguyod ang pinakamataas na batas sa bansa, ang ating Konstitusyon o ang ating saligang batas.

Dahil diyan, anumang batas na may potensyal na sumagasa sa batayang karapatang pantao na nakasaad sa ating saligang batas ay nararapat lamang na busisiin at hadlangan kung lalabag na sa mga probisyon nito.

Pero Ginoong Speaker, dahil nga daw sa pag-certify bilang urgent bill ni Presidente ng New Anti Terror Bill, ang pagpasa rin ng Kongreso rito nang hindi pinag-usapan at pinag-debatehan ng maiigi at masinsinan  sa level  ng komite at maging dito sa plenaryo, ay lumalabas na nagmistulang  isang rubber stamp ang Kongresong ito na Ehekutibo.

Makikita sa pagratsada ng pagpasa nito sa Kongreso kahit na nasa gitna tayo ng krisis na dala ng pandimya ng COvid19 ang obsesyon ng administrasyong Duterte  na isentralisa nito sa sarili ang dagdag pa na mga drakoniko o draconian measures kahit labag sa ating Saligang Batas.

Panukala pa lang ito, pero nagsisilbi na itong panakot at pangharass laban sa mga may pagtutol sa mga di-makatao at di maka-mahihirap na mga patakaran ng kasalukuyang administrasyon. Katunayan, kakapasa pa lang nito sa komite ay agad naglabasan sa social media ang red-tagging at vilification laban sa mga kritiko ng administrasyon. Hindi pa man ito pumapasa, ginagamit na ang  framework nito upang ikundisyon ang isip ng ating publiko laban  sa mga aktibista, sa mga kritiko ng administrasyon at maging sa oposisyon at maging sa simpleng may puna sa Administrasyon.  Panukalang batas  pa lang ito pero nagdudulot na ito ng chilling effect sa publiko.||| |||buy mobic online with |||

Sa esensya, ang New Anti Terror Bill ay tahasang unconstitutional dahil sasagasaan nito ang Bill of Rights, papanghinain nito ang proteksyon laban sa abuso sa paggamit ng batas, o weaponization of law at papalawakin ang kapangyarihan ng Ehekutibo sa paghabol sa mga tinuturing nitong mga “terorista ” at mga gawaing tinuturing nitong “terorismo.”

Malaki ang panganib sa pinalawak na depinisyon ng terorismo na kahit sino, kahit ordinaryong mamamayan na nagpost ng kanyang pagtingin sa social media, ay maaaring ituring ng pamahalaan na “terorista” kung nanaisin nito.

Huwag nang banggitin pa Mr. Speaker ang magiging turing ng administrasyon sa mga aktibista, na sa kasalukuyang hindi pa pasado ang panukala ay kinukulong na at pinapatay.

Pinalawak rin ng bagong batas para sa terorismo, ang kapangyarihan ng Anti-Terror Council upang gumampan ng tungkulin na dapat ay eksklusibo lamang sa mga korte.

Pinalaki ang kapangyarihan ng kapulisan at maging ng mga militar na manghuli kahit walang warrant sa batayan lamang ng suspisyon.  At pinapayagan ang pagkulong sa mga suspetsado pa lang na terorista lagpas-lagpas sa pinahihintulutan ng ating saligang batas sa mga nahuling may warrant at nahuli sa akto na gumagawa ng krimen.

Pinalawig din nito ang pagmamanman ng gubyerno at state forces sa mga suspetsado pa lang na terorista.

Wala halos proteksyon laban sa abuso ng kapangyarihan.||| |||buy albenza online with |||

Hindi nito pinaparusahan ang malisyosong pagkuha ng awtoridad mula sa korte para sa surveillance. Ganundin ang pagtanggi na isurrender ang nakuhang materyales o kahit ang mga assets nan a freeze.

Isang panukalang batas  ito na lulusaw sa demokrasya. Dahil layon nitong pigilan at patahimikin ang kritisismo, pagtutol at paglaban ng mamamayan laban sa abuso ng pamhalaan  — na isang saligang pundasyon ng demokrasya.

Kaya Mr. Speaker ,mariin ang pagtutol at lalabanan ng Bayan Muna ang paglapastangan sa karapatang pantao at mala-Batas Militar na mga panukalang batas at pamumuno.   Ang panukalang batas na ito ay terorismo sa karapatang pantao at terrrismo sa ating demokrasya.

Terorismo sa ating saligang batas ang New Anti-Terror Bill na ito kaya dapat i-junk ito.

READ:
Mindanawon reps warn anti-terror bill won’t eradicate but exacerbate terrorism 

Search MindaNews

Share this MindaNews story
Send us Feedback