
Naghahanap ng hustisya,
Gamit lamang ay pluma,
Ang sa kabilang panig ay bala,
Kaya marami ang ayaw magsalita.
Tikom ang bibig ng bawat isa,
Takot na balikan ng mga may sala,
Animo sila ay walang nakita,
Paano makamit ang hustisya?
Hindi na nila maisigaw
na sila’y walang kasalanan,
At sila lamang ay napagkamalan,
Nakahimlay na sila sa kanilang libingan,
Lalabas pa kaya ang katotohanan?
Hintayin pa ba natin na
ang maging biktima,
Ay magmula mismo sa ating pamilya,
Saka natin imulat ang ating mga mata,
At doon pa tayo sisigaw ng HUSTISYA?
Kami’y nagsusumamo at nakikiusap,
Tulungan natin ang mga kabataan ng Tumbras, Midsayap,
Hanapin natin ang hustisyang napakailap,
Doon sa sinapit nilang anong saklap.
[Taher G. Solaiman is Executive Assistant II in the Office of Mohagher M. Iqbal, Member of Parliament in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Solaiman also chairs the North Cotabato Composite Team of Civil Society Organizations (NCCT-CSO). He can be reached at tgsolaiman@gmail.
com)]