DUTERTE TRANSCRIPTS: “Sa Totoo Lang” interview. 19 Sept 2017
(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s ‘Sa Totoo Lang” interview over state-owned PTV-4, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
“SA TOTOO LANG”
INTERVIEW OF MR. ERWIN TULFO
WITH
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
[Aired on PTV 4 | 19 September 2017]
Erwin Tulfo: Magandang gabi, bayan. Araw po ngayon ng Martes, ika-labinsiyam ng Setyembre, 2017. Ito po ang live telecast ng “Sa Totoo Lang” kasama si Pangulong Duterte.
Magandang gabi po, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: Magandang gabi po sa iyo, Erwin. At salamat sa imbitasyon mo.
Mr. Tulfo: Sir, ito po ‘yung katanungan ng mga kababayan natin. Unahin na ho natin itong sinasabing “National Day of Protest” po ngayong — gaganapin ngayong Huwebes. Ka — tanong po kasi ng karamihan ng kababayan natin, sir, bakit ninyo naisipan na ideklarang “National Day of Protest” ang September 21? Hindi po ba kayo nangangamba na baka gamitin ito nang pinagsanib na pwersa ng mga dilawan, ng mga maka-kaliwa, ng civic, ng church groups, para mapatalsik po ang administrasyon ninyo, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Unang una, maliligayahan ako. I’d be happy na lahat ng may reklamo sa gobyerno, extrajudicial killing, corruption — kay ‘yan din ang reklamo ko ngayon — at iba pa, mga abuso ng gobyerno. Then I am inviting everybody, including those — ‘yung mga sabi nila mga Lumad na pinag — inaabuso, to come down and join the protest.
Kaya ang tawag ko dito, “National Day of Protest” to give them the space pati panahon talaga to enjoy their rights of — to peaceably assemble for a redress of grievance, na magsalita kayo kung saan man gusto ninyo, public property lang, huwag ‘yung private, and do not go into vandalism o sirain ‘yung property ng gobyerno and make it just peaceful, and I would be very happy for you guys to join you.
Kasi ako magpoprotesta rin. Kasi maraming mga dilaw, nandiyan sa mga commission, napaka-corrupt. So, even ‘yung sa mga regulatory board, eh magpoprotesta rin ako because I cannot remove them simply because they have a fixed term, there’s a security of tenure. Ibig sabihin, hindi mo basta-basta mapaalis. It’s either sa Civil Service or you have to go to court to oust them.
‘Yan ang problema ko rin. So pati ako, nagpoprotesta.
Mr. Tulfo: Have you tried asking them, sir, to — to resign? Alam ko ho ‘yung binabanggit ninyo, sila Chito Gascon at iba pa ‘no ‘yung may mga fixed term. Have you tried sending them a letter or asking them na, “Can you please resign?”
PRESIDENT DUTERTE: Wala. I — matter of delicadeza because ito si ganon si Gascon ay talagang spokesman ng Liberal. Kung magka-issue lang isang patay, balik-balikin niya ‘yan. Ah ‘yung patay, nailibing na, mag-anibersaryo na lang, ‘yan ang pabalik-balik niya.
And I am really pissed off because maraming patay na dapat tingnan ng itong Human Rights. Unang- una, ‘yung mga biktima ng hostaging sa Marawi. Not even a whimper o pakiusap lang naman doon sa mga kung sino-sinong matawagan nila sa Middle East to use their influence over the terrorists, na sabihin, “hintuin na ninyo, i-release na ninyo ‘yan,” because ‘di ba sabi ng nakasibat doon, na nire-rape nila ‘yung mga babae or forcing the women into marriage with a terrorist.
Hindi naman galing sa akin ‘yan, galing sa mga — mga…
Mr. Tulfo: Source…
PRESIDENT DUTERTE: The — ‘yung hostages na nakapagsibat doon, lumayas.
So itong mga ‘to, wala akong narinig, wala rin akong narinig na ‘yung mga bata’y — mga bata na pinatay, not even to call maybe the attention of the police or other organizations who can help na, “Tingnan ninyo ito, mga bata, nandoon lumalabas sa CCTV, live, real-time, practically dragging this two-year-old boy into a mot — hotel room, and then raping the boy and they chop-chop.”
Pagtapos na pagkatapos, nahuli ng pulis, magyabang pa, “Eh, nakadroga ako eh.” And the others na ganun din ang pinapatay. In between that day na sinasabi nila na ilibing na itong si Kian — of course, I sympathize with the family — may pulis akong namatay, tinamaan sa ulo, ni hindi lang man umabot sa media.
And then, on that day, another police was killed somewhere in Surigao or down South na nakatindig lang sa highway tapos pinatay rin.
Itong mga ‘to, they were going to the office, hindi naman ito naka-combat mode at pinapatay rin. Bakit — itong mga ‘to, bakit hindi niyo i — nirereklamo ‘yan? You have the NDF, it’s existing. You can always also protest, call their attention, but you never did.
‘Yung lahat ng patay ng mundo, wala na sa kanila ‘yun. ‘Yung mga sundalo ko na namatay at ang wounded ko was — you never tried to condemn terrorism. My God. What kind of a government agency are you?
You stick on one, or two, or three, make it a melodramatic affair for the — your protest, then ignoring all other deaths of Filipinos, which should have called your attention also.
Wala. Basta kayo, isa, dalawang issues, maghintay lang kayo na may bata diyan mamatay na naman and you stick with that, just like ‘yung dilaw.
Ito namang left, you were rejected in an election. Hindi kasi kayo makatanggap ng talo. You’ll have to wait. Now if you go to the streets and occupy EDSA, fine. But ang i-deploy ko lang kasi traffic policemen. Please obey the traffic instructions because your right to assemble in a place with a period is subject also to the rights of other Filipinos to travel easily and go back or go home or go to their office unfettered, unmolested, undisturbed.
‘Yung right mo, right ko rin ‘yan. You’re — you’re free to do your thing, fine do it. But let me also exercise my right — the freedom to use the streets. It is not a monopoly of rights here. We are equal citizens. I — I would say: Protest in peace.
I do not know how many millions would be joining you. I hope you can produce the — the crowd in EDSA. Walang problema ‘yan. Wala akong illusions diyan sa Presidency. I can always resign anytime I want. I said, I’ve always talked about retirement. Wala akong problema diyan. But may I submit my — my resignation to Congress, to the Senate, and subject to the concurrence of the military because they will be the one to see to it that ‘yung succession rules are followed without trouble.
Ganun lang kasi napanalo ko kasi six million eh. And that would not make the six million and the rest of the base votes that I got — 15 — plus the six that I — that was my margin, that I got over Roxas.
So walang problema ‘yan. If I think personally, “I…” sabi ko, “Anytime, mag-resign ako. Walang problema ‘yan.” But whether I am there in the Presidency or not, you better — you better follow the rules. Maski sinong uupo diyan. Kasi may — may mag — mag-demonstrate na naman. ‘Yung nawalaan ng naboto nila, nawala.
And they believed in the six years when they voted for me. Magrereklamo rin ‘yan. At marami ‘yan. So, ganun ang ano diyan.
Mr. Tulfo: ‘Yan na nga po, sir, ang usap-usapan sa social media ng mga supporters po ninyo. Bakit daw ho ninyo pinapayagan, pinagbibigyan itong mga kalaban, eh sila nga po na sumusuporta sa iyo ay wala naman daw imik. Pero parang napapansin ho nila, masyadong pinagbibigyan na itong mga kalaban ho ninyo?
PRESIDENT DUTERTE: Well, because I believe in the Constitution, the right of the citizens to freely assemble and air their grievance.
Eh sa mga ano ko, well of course, ‘yung mga may hiningi dito sa — dini-discourage ko naman, huwag na.
I do not need it because, you know, I am elected for a straight six years. Hindi ko na kailangan i — magpabango ng sarili ko actually. I do not care if you agree with me on the drug war, I do not worry about the things that you are criticizing me for, ‘yung bunganga ko, because six years — minus one year na, halos nadaan na — I have five years. So, wala akong pagwapo, o you — whether you accept me or not, I do not have to go into a compromise.
‘Di ba? “Oh, sige, sige, ganito na lang.” Ako, basta, “Ganito, ‘yan. ‘Yan ang gusto ko,” kagaya ng Mile Long, maraming nag-object. ‘Yung Mile Long sabi ko, ipagbili ko. Noon pa ‘yan when I was planning to get hold of the property back to government.
Ngayon nandiyan na, sinabi ko kanina kay Speaker pati kay Senate President — nagkita kami — I want the Mile Long sold because kailangan ko ng pera. And I said, I would build the whole of that — use that — that money to build houses.
Kung ‘yung gusto ng Pilipino — kung mga Kadamay, ayaw ninyo, eh ‘di huwag. I will just give it to the Filipino who would need the house.
Hindi naman ‘yung mga left, kung ayaw ninyong tanggapin, I’m not forcing you. For after all, kayo ba’y nagbabayad ng buwis? All that you do is just go around and collecting extortion money. ‘Pag ayaw magbigay, sunugin ‘yung pan — ‘yung factory o ‘yung sa anak ni — ni Loren Legarda, ‘yung ano niya, ‘yung solar energy factory.
Who else would go around destroying properties nowadays? Kayo lang, ‘yung left. And you want to rule the country. Kayo ang gustong pumalit. So kayong mga Pilipinong nakikinig ngayon, matagal naman kayo sa buhay — kayong nasa bukid, may experience naman kayo sa NPA, kayong mga taga-urban areas, nakikita naman talaga ninyo paano pinatay ‘yung mga sundalo pati pulis doon, puro ulo ‘yan, assassination. Kayo.
The will — the voice of the people is the voice of God. If it is your will na gusto ninyo ‘yan, kayo. Ako, I’m just incidental, passing lang ako. I may not or I may continue for five years or I may not. I may — I may, I may die, or ma-stroke or whatever. You can never tell the imponderables of life, kung anong mangyari sa mundong ito.
Ako, nandiyan lang. Select the proper ideology for the government. Huwag ‘yung tanungin ka na, “Are you a democrat?” O sabihin na, “Are you — do you believe in democratic principles?” Sagutin mo, “Ah hindi, miyembro lang ako ng Nacional — Nacionalista.” Nako naman. Diyos ko po.
Tapos you pretend to bright na wise guy, cracking jokes here, nagpapatawa, and yet your brain — the grey matter between your ears is not properly working.
Mr. Tulfo: Sir, before we move to the issue about Senator Trillanes, hanggang kailan po ninyo binibigyan itong mga magpoprotesta sa Huwebes? Are you giving them a day or two, a timetable, sir? Kasi ang pangamba naman ng ilan, Mr. President, baka ito’y magkar — magiging parang “Occupy EDSA,” dadami nang dadami.
PRESIDENT DUTERTE: Yes. Correct. Then if you go there for one month — kung sabihin niyo tatlong araw, bigyan ko kayo ng lima. Kung sabihin ninyo, “I will occupy sa EDSA dito na kami magdudumi, dito na kami magkain, dito kami matulog,” I’ll give you two months.
‘Pag ayaw ninyo, sirahan ko na EDSA, inyo na ‘yan. Sabihin ko i-reroute your traffic. Inyo na ‘yang EDSA. Then the Filipinos will just have to suffer. Kayong nagtatrabaho diyan na salesgirl, factory, ganon. Well, they’ll just have to contend with itong mga ‘to.
Kasi I challenge you. If you think that three days, one month will do, go ahead, be my guest. I will just re-route the traffic and ask the people, “I’m sorry, but you know, there are guys there that would want to occupy.”
If you want to do it as a shrine of protest, sabihin ninyo. For the convenience of everybody, isara ko na ‘yang EDSA. Hindi mo naman masara ‘yung train. Sige. Tapos use the other routes. Then I will field all property. Lahat, pati ‘yung kotse ng mga directors diyan, ibigay ko. Pati ‘yung truck ng military, pulis.
Gamitin na ninyo.
I will just tell the police and military to walk. For emergency, then kung nandiyan ka sa Valenzuela, ‘pag di ka makadaan, then I will send the choppers of the military to pick you up and bring you to the hospital. Simple lang, walang problema.
I can live with it for about one — one year. Sige. Tapos tignan natin kung gusto ng Pilipino, eh ‘di tignan ko. But you know, I was elected constitutionally. Hindi naman ako nandaya eh.
So I will submit my resignation to Congress. But subject to the concurrence of the military. Because the military will see to it that the succession as provided by the Constitution will be followed.
These two must go together. Congress must approve it. I don’t know if you want a separate voting or joint. Wala akong pakialam diyan. Subject to the concurrence of the military. Eh military commands.
You can take a survey, if you think that I am not fit to be President.
Mr. Tulfo: Sir, why are you contemplating on this resigning, when in fact, you have — you have many supporters na backing you up, nag-aantay po, sinusuportahan kayo, but then, they’re hearing you this talk about “resigning”, “I’m going to resign,” and all that. Bakit?
PRESIDENT DUTERTE: Because I want everybody to understand including those supporters, hindi ako hangal dito sa Presidency. Na hindi ako mamatay. As a matter of fact, I’d never thought that I would win.
My candidacy was a protest. I do not want to discuss it because I do not want to offend Grace Poe. Again, pero nasabi ko na ‘yan.
It’s just a matter of a decision ng Supreme Court na hindi ko nagustuhan. But I would not discuss the merits, I said, I do not want to offend the good lady senator. Nadala na ako diyan sa kanya, ‘yung sa sinabi ni Noynoy ‘yung “walang nangyari sa drug war”. Susmaryosep.
Pero itong… Sige ‘yang drug war mamaya na ‘yan, magtatanong ka naman diyan.
Mr. Tulfo: Before we move on to another topic, magbe-break lamang ho kami. Magbabalik pa po ang “Sa Totoo Lang.”
— COMMERCIAL BREAK —
Mr. Tulfo: Nagbabalik po ang live telecast ng “Sa Totoo Lang”, kasama pa rin po si Pangulong Rodrigo Duterte. Sir, mabalik ho tayo doon kay Senator Trillanes na umalis po a few days ago, may mga kasama pa pong media para patunayan daw sa inyo na pawang kasinungalingan at walang katotohanan ‘yung acc — inyong accusations na meron siyang tinatagong mga bank accounts. Kanina po, ipinakita niya at sinabihan daw siya ng bangko na walang account na ganito, sir. Ano po ang reaction ninyo?
PRESIDENT DUTERTE: [laughs] Talagang… Na-swak siya doon na. Ay, Trillanes. Ganito ‘yan. Ang binasa ni Mocha — makinig kayo ha — actual account number from Mocha and Erwin. Ikaw ‘yun eh.
Ang binasa mo, 117800028162 — ah 602. Magkuha kayo ng lapis, sige. Makinig kayo ha. Ang kay Erwin pati kay — it’s 1178000281602. Binasa ko, binawasan ko ng number. Wala ito. Imbento lang. Ikaw, Trillanes.
You know, when you are… When you lie, you put another lie to cover this lie, then to cover this lie, you put another lie. To cover this lie, patong-patong na ‘yan. ‘Pag kinunan mo ng isa lang, babagsak ‘yan. Ang binasa ko, 108000296, hindi 8. 01-2. So ‘yon ang binigay niya ng number. Ang ginamit niya, ‘yung inyo. Correct ‘yun.
Ang waiver niya, hindi sa Pilipinas. Para ito sa international — hindi ito tanggapin ng Singapore. And no bank would be crazy — magtanong kayo — at kayong mga taba — taga-bangko ngayon na mag-issue ng ganito. [shows document] Na wala kang account. Actually, September pa, Trillanes, bumabalik ka na sa… Sabi ng foreign government, nagbili — nagbigay nito — September pa, pabalik-balik ka na sa Singapore banks. ‘Yung ibang bank account mo sa Hong Kong, gi-close mo.
Ibigay ko ‘yung number, ‘yung tama. Hintay ka lang. Dadating ‘yan kasi ibibigay… Maghintay ka lang. Alam mo bureaucracy din ‘yan eh. Tapos, ito ang ginamit mo doon sa withdrawal na sabi mo na… “This is to certify…” Meron kang… Nasaan na ‘yon?
Mr. Tulfo: Certification.
PRESIDENT DUTERTE: Certification. Meron ka ba? Na may 100 ano siya, something? 100… May deposito ka na 100-something. Ay dito. Tingnan mo kalokohan mo ha. Deposit account verification, Singapore banks. Banks ito ha, hindi ito bank. Banks. So ibig sabihin marami.
Account number — Trillanes — joint with none. Singapore banks. Plural. Tapos ginamit niya, sabi niya, “joint account with none.” Wala raw. Tapos ang ginamit niya, ‘yung inimbento ko na number. 118020… 22… 118… 1178222281600. Ito ‘yung binasa nila Erwin. Kinunan ko ng number — kita mo, hindi kasing haba. Tapos ito ‘yung reported sa articles, pero ang ginamit niya dito, ‘yung peke na… Isip-isip ko lang na tanggalan ko ng mga number.
Mr. Tulfo: Why did you do that, Mr. President? Bakit po ninyo binawasan ‘yung number?
PRESIDENT DUTERTE: Para mahuli ko. Kasi tignan mo ito [inaudible]. Inimbento ko lang ‘to, kita mo may 193,000,850 as of — maski na…
Mr. Tulfo: So are you saying…
PRESIDENT DUTERTE: Anong negosyo mo, Trillanes, bakit ka nagkaroon nito? One. Two, itong ginamit ko, inimbento ko lang ‘to. Ito ‘yung ginamit mo, ng ano ng…
Mr. Tulfo: So are you saying, sir, ‘yung inimbento niyo, ‘yun ang dinala niya sa bangko, ‘yun ang sinasabi ng bangko na walang account?
PRESIDENT DUTERTE: ‘Yung ano… ‘Yung ginamit niya sa waiver.
Mr. Tulfo: Ah, sa waiver.
PRESIDENT DUTERTE: Niloloko mo ‘yung tao. Focus mo diyan sa green. Tingnan mo. [shows papers] Wala ito. Produkto ng isip ko ‘to.
Tinanggalan ko lang, tignan ko talaga. Ginamit mo, nag-issue ka ng waiver. Paano nagkasya ‘yan dito, nagbigay na — hindi ang waiver mo iba ang account number, iba ‘yung totoo?[]
Ito ‘yung totoo. ‘Yung binasa ninyo. Ang waiver mo, tingnan mo. Tinanggalan ko talaga, sinadya ko ‘yan.
Mr. Tulfo: So are you saying, sir, na parang dini-dribble-dribble niyo si Senator Trillanes?
PRESIDENT DUTERTE: Hindi. Ginanon ko siya. Ibig sabihin, peke lahat ‘yan. Pati ito. Because no bank… Alam ko kasi… Maski magtanong kayo ng bangko ngayon. Kayong lahat may bangko man. “Pwede ba akong maghingi ng ganito ang certification ko ‘yung…? Hindi magbigay ‘yan.
Walang bangkong nagbibigay na, “This is to certify…” Na ito si Erwn Tulfo, naghingi ng — may naghingi ng kopya ng account, tapos ito ‘yung account niya. Walang gumagawa niyang bangko na ‘yan. Mga Pilipino, niloloko kayo ng isang tao na pinag-aral ninyo sa Academy, Philippine Military Academy. ‘Yun ‘yung nagwala diyan sa Makati, tapos he pictured himself to be a righteous one.
Inaatake niya ‘yang si Arroyo for corruption.[]
Only to join a corrupt regime at nagkaroon ng deposito ngayon. So saan ka nagkuha ng 196 kung mahirap ka? Wala siyang bank account. Ibig sabihin pati sa Pilipinas, wala kang bank account?
Sa Senador mo, wala kang isang bangko lang na dinedepositahan mo? Saan pala ‘yung kinita mo sa DAP?
‘Yung DAP case is coming up. Lahat. Lahat. Lahat kayo. Ako, hindi ko… Sabi ko, I am not into the habit of… Hindi ‘yan akin ha?
I mean, for the others na matamaan. Bato-bato sa langit, huwag kayong magalit, hindi sa akin ‘yan. I said, I am not into the habit of filing cases.
Mr. Tulfo: Marami ho bang mga senador na sasabit diyan, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Meron pa, oo.
Mr. Tulfo: Aside from Trillanes?
PRESIDENT DUTERTE: I do not want confirmation pero hindi ako ‘yan. ‘Yung nagkaroon talaga ng DAP, halos… De Lima. One is coming up. Siya ‘yung nagdemanda. By stroke of fate, hindi mo talaga ‘yan…
Tama ‘yan si Erap. You bel — I believe in Erap. ‘Yung native talent niya for using that. Weather-weather lang ang buhay. Ngayon, nabaligtad na o ikaw na.
Una ikaw ‘yung pinag — sent to prison a lot of persons on the campaign against drugs, extrajudicial killing. ‘Yun pala, number one ka. Susmaryosep. My God. Ikaw pala ang naglalaro ng billions, sa Muntinlupa pa.
Mr. Tulfo: Sir, another question po. ‘Yung patungkol dito sa sinabi po ni Senator Trillanes kanina after nung sinabi niya na sabi raw ng bangko walang ganun, nonexistent ‘yung account, and then he challenged you again to issue, sir, a waiver again?
PRESIDENT DUTERTE: Alam mo, gamitin mo na lang ‘yung waiver ko. Bakit mo ako uto-utoin? Noon, empowered kayo. Sinasabi ko, “kalkalin na ninyo ang bangko”.
Sinasabi ko na sa inyo noon pang kandidato ako, kung totoo ‘yang sinasabi ni Trillanes, i-wi-withdraw ko ‘yung kandidatura ko.
At sinabi ko sa inyo, kung meron ako niyan o ngayon, hanggang Presidente na ako niyan, mag-resign ako.
Kung mayroon akong 211 million, sabihin ko ulit, kayong mga taga Central Bank, tingnan ninyo ‘yung account ko para maniwala kayo.
Kayong mga AMLC, kung may money laundering ako, bakit hindi niyo ako filan (file) ng kaso? Or at least make it public para malaman ng tao kung gaano ako ka kurakot o gaano ako kahirap.
Simple lang naman ‘yan. Sabi ko, “I will step down.” Pero kung utusan ako ni Trilla — kung ibang tao siguro. Pero kung utusan — sabi ni Trillanes, “Gawin mo ‘to, gawin mo ‘to, gawin mo ‘to.”
O kita mo siya ngayon o. He’s desperate. Pumunta ng — ng Singapore, mag-gastos lang, para propaganda lang, propa —
Pero tingnan mo, ‘yung imbento ko na numero, p***. Akin ‘yan, galing sa utak ko ‘yan. Iba ‘yung numerong sinab — binasa ng — Mocha pati sa iyo. Nakikita mo? P****
Mr. Tulfo: Sir, would you mind if I ask you this question? Ito po ‘yung para matigil na rin ho itong mga haka-haka, itong 200 million. Ano po ba ang net worth ng Duterte family, you, your children?
PRESIDENT DUTERTE: Easily. About mga ah… I… I cannot. Wala na eh. Hindi ko na malaman kung anong binili nila, kung ilan ang pera nila. Mine…
Mr. Tulfo: Pero it’s not in the hundreds of millions?
PRESIDENT DUTERTE: Mag-resign na ako. Ikaw, secret — sabihin mo nalang. AMLC, ipakita ko sa kanya. Tapos ako, kung mawalaan ka ng respeto sa akin, you demand for my resignation.
Sabihin mo, “Ikaw, Duterte, bakakon ka.” Eh ano nga ‘yung bakakon? Ano ‘yan sa Tagalog? Sinungaling.
Mr. Tulfo: All right, sir, moving on, Mr. President —
PRESIDENT DUTERTE: As a last —
Mr. Tulfo: Sige po.
PRESIDENT DUTERTE: Kung siya ang magsabi, utos-utosan niya ako, para rin akong g**** mag-produce ng waiver. [laughter] Kinopya niya ang inimbento ko. Anak ng p*** niya. Ay nako Diyos ko po.
‘Yung waiver niya pati itong account niya, tama ‘yun. Ito, inyo ito eh. Inimbento lang rin ‘yan. Inimbento ‘yan. Propaga… Pero tama ito, ‘yung pineke niya.
Tama in the sense ang amount — ah, ‘yung number, pero wala ito, this is none. Walang… Walang ito. Single deposit account verification.
Singapore banks. Joint account with isa. Name of bank isa lang rin. O tapos ito, tama ‘yung dito niya, pero ang kinopya niya na waiver. Tingnan niyo ‘yung waiver pati ito, hindi magkapareho?
Waiver niya is 1178000281602. Ito naman dito, 1178022281620. Ito ang correct, itong waiver niya ang hindi. Tapos, dito sa Pilipinas.
Eh ‘di mag-waiver ka doon sa Singapore. Pumunta ka ng abogado doon at baka papayag sila.
Mr. Tulfo: All right, bayan, sa amin pong pagbabalik, pag-uusapan po namin ng Pangulo itong patungkol naman sa PNP na sinasabing “on the rise” po ang abuses sa Philippine National Police. On the rise po nga ba ang abuses sa PNP? Sa amin pong pagbabalik.
— COMMERCIAL BREAK —
Mr. Tulfo: Ito pa rin, bayan, ang “Sa Totoo Lang.” Live po naming inihahatid sa inyo. Mr. President, kanina po, may binabanggit ho kayo sa akin na ‘yung ipinakita po ni Senador Trillanes kanina na kasama ang media doon sa Singapore ay ‘yung sinabi po ninyo na bank accounts niya kaya nag-negative?
PRESIDENT DUTERTE: Correct ho. Correct ka, tama ‘yun. Kasi ang ginamit niya, sinakyan niya ‘yung mali na talagang kinunan ko ng mga numbers.
Ito ‘yung lumabas nga doon o. Sabi niya, “Wala.” Wala man talagang account.
Ang pinakita niya ito ngayon, sabi ko, saan mo kinuha itong — ‘yung qinuote (quote) ninyo na bank account, may 193,850. Saan… Saan mo kinuha itong pera na ito at lumabas ba ito sa SALN mo?
Ang… Ang — tingnan mo ‘yung posting o pati itong sinabi ko sa bunganga ko. Kinuha niya ‘yung bunganga ko, ginamit niya, eh ‘di talagang nag-negative.
Ngayon, may pinakita siya. Ito ‘yung meron. O, sabi ko, “Saan mo ito — ” Sabihin mo lang totoo. Tanggapin ko kung totoo ‘yan. Hindi naman talaga ipinapakita ‘yan. 193,850. Saan ka nagkuha ng ganun? At ilan ang dineposito mo?
May ilalabas pa ako, sabi ko. This time, ‘yung mga joint account mo, kasi hindi malalabas ‘yan kasi kung wala ang pangalan ng depositor sa waiver mo, hijo, hindi papayag ang bangko. Lahat ng deposito mo may co-depositor.
Ulitin ko lahat. Kung may co-depositor ka, hindi lang ikaw ang pipirma. Lahat ng sinabi ko sa inyo may co-depositor, Chinese nga karamihan. Ayaw ko ng pinangalanan muna because wala pa namang imbestigasyon.
Sinasabi ko lang, “Paano mo kinuha ‘yang 100 — ano ‘to? — 193,000,850. At bakit mo nilagay doon sa Singapore? Meron naman sanang bangko dito sa Pilipinas, makatulong ka pa.
Kayo, maghanap kayo. Ako, sa AMLC na lang. At saka ito, itong… Ulitin ko, itong dapat na ito, mag-reflect ito sa AMLC.
Dapat naka-lista rin ito na may deposito ka sa Singapore, pati dapat lumabas ito sa SALN mo. Kailan mo dineposito, kumukuha — but as of yesterday, I think you have — has been moving funds to his partners’ accounts starting September 8.
Gi-close account mo ito that is why Singapore will not give him a certificate because he is not a client anymore. That is why AMLC must start producing certificates of existence of their counterparts ASAP.
Sabi ng gobyerno ng binigay — I will not name the country… Pero alam niya ‘yan. Alam ninyo ‘yan kung sino.
Mr. Tulfo: Are you saying, sir, na — you may or may not answer this question — are you saying that your sources are government sources also from other countries?
PRESIDENT DUTERTE: Yes, yes. Kasi galit sa kanya. May nagalit sa kanila. He traveled — first time back and forth 8 times to China and Philippines.
Mr. Tulfo: Sir, moving —
PRESIDENT DUTERTE: Pero nakatingin lahat ‘yan, ‘yang lahat countries na nagbabantay ng money laundering.
‘Yung isang country, talagang nakita ko na ayaw ng money laundering because of drugs and terrorism.
Mr. Tulfo: So there’s another government helping you, sir, ‘yung mga informations na ito —
PRESIDENT DUTERTE: Binigay lang.
Mr. Tulfo: — from another government?
PRESIDENT DUTERTE: Binigay lang. Bakit? Ayaw kasi nila ‘yang laundering because they are very careful, chine-check nila ‘yang takbo ng mga remittances ng ganun, foreign ano.
Ang binabantayan nila kasi is drugs, flow of money, at saka ‘yung terrorism kagaya ni Nobleza.
Si Nobleza, ‘yung pulis, maraming transactions sa Western Union — different. Pinapadala ng mga terorista sa kanya 30 million, $30,000.
Pero ito namang kanyang, itong si ano, they will not look into it, kung magdeposito ka, if it is less than dito. Sa Pilipinas, 500, ana. Ewan ko kung anong iba, kanya-kanya ‘yang threshold kung magkano eh.
Dito, kung magdeposito ka ng 494,000 walang magtanong sa’yo. Magdeposito ka ng 500 to 511 pesos, tatanungin ka ng bangko, “Saan mo kinuha ‘yan?”
Mr. Tulfo: All right.
PRESIDENT DUTERTE: Kung dito sa ano — dito sa Pilipinas, ‘yung 200 — 200 ‘yan, tinatanong na ako ng bangko niyan. “Mayor, saan mo kinuha ito?”
Kaya ngayon, kayong mga AMLC, ilabas ninyo kung gusto ninyo. Sinabi ko nga noon na kontra partido ang kalaban ko. Hindi naman ninyo nilabas. Sabi ko, “Ilabas ninyo.” Mag-withdraw ako pagka kandidato sa presidency.
Ngayon, dito, kung meron talaga ‘yan, magre-resign ako, Filipino people. Pero ‘wag akong utusan. Galing ang utos kay Trillanes na ganun-ganun, ganito. Eh kalokohan. Binigay ko na nga sa inyo, hindi mo ginamit kasi wala.
‘Di ba binigay ko na sa inyo nung elections? Hanapin mo ‘yang 211 na ‘yan, bangko na ‘yan. Sige ipakita mo.
I gave him eh — ‘yan of records ‘yan. Tapos ngayon, gusto niya, general waiver. Inuuto-uto mo ako, g*** ka pala.
Mr. Tulfo: Sir, moving on. Let’s talk about ‘yung sa PNP po muna. Tingin po naman ng mga opposition po, kalaban ninyo, na umaabuso na raw ang ilang pulis kasi mukhang pina-pamper na raw ninyo or ini-ispoil (spoil) ninyo tulad ng pagbibigay ninyo ng gusto nila — allowances, gamit, and then ‘yung pangako po ninyo na ia-absuwelto sila sa kaso if they commit a crime while on duty?
PRESIDENT DUTERTE: No, I said that, “I will protect you if the crime you are charged of is in connection with the performance of your duty or duty connected.”
But sinabi ko, “I will slaughter you if you commit common crime.” Meron dito ‘yung ninja na hanggang ngayon hindi pa nag-surrender. ‘Yun ‘yung nagdala sa droga dito, ‘yung mga generals na pulis. Kasi it’s hard to pin them now. You have to catch them holding the — itong mga — mga scalawags na pinadala ko doon sa Basilan.
Hindi naman tayo nauubusan. Alam nila na I will not condone, permit, allow abuso. And makita mo lang sa Davao, walang pulis na umaabuso kasi binubugbog ko talaga harap-harapan.
At kung sabi ko gusto mo patayin kita, patayin kita. Alam nila ‘yan. So I am sure si Bato galing ‘yan doon. May mga g*** talaga na abusado. Grabe ang kaso ng abuso ng pulis sa Maynila.
Wala kang makitang masyadong abuso sa probinsya. Hindi ‘yan totoo. Ngayon, ‘yung sabi mo na pinatay ‘yung si Kian daw wala namang — eh makukulong ka talaga.
Pero ganito kasi ‘yan eh. Eh sabi nila, ‘yan si Marcos. Ang version ng pulis ang pinapaniwalaan ko.
‘Pag-chineck (check) ko talaga, “Ano ito, was it a legitimate operation?” “Yes.” “Ano ba ito, konektado ito sa trabaho niya?” “Yes.”
Pinoprotektahan ko ‘yan. Ang protekta ko lang ang pinakamalayo niyan is magbigay ako ng abogado to protect his legal rights.
Ngayon sabi ng pulis ‘yung pagdating nila may ba — eh sino man pala paniwalaan ko? ‘Yung mga preso doon? Eh sabi nila may testigo sila na may kapwa niya preso doon.
With that report, I am now what? Choose to believe — ‘yun ba ang sa pulis? O, why should I go into a guessing game? Eh ‘di sabihin ko, “Totoo ba ‘to o ‘di totoo?”
Wala man lang ni-report sa akin ‘yung sabi nila, “Sir, may binaril ako kasi lasing.” T*** i** mo. Walang ganun. “Sir, may nangyari.” “Okay, anong nangyari ‘Yung totoo? Sige. Suportahan kita.”
What was the support? The support is bigyan ko ng abogado. Masama ba ‘yang… The Constitution says that you have the right to be assisted by a lawyer whenever you are accused of any crime.
That is true for the criminals and that is true for the policemen. And that is true for the military. At kung may pulis na kriminal, hindi ‘yan siya kasali sa protection.
Mr. Tulfo: Sir, the leftists, the civic, the Church, the Liberals, well ito siguro’y magsasama-sama sa Huwebes para magprotesta are claiming na too much na patayan na raw, sir, these days due to the ika nga ‘yung war on drugs ninyo. And they feel na walang ginagawa ang inyong gobyerno and you are condoning all these deaths. What is your take on this perception by the opposition?
PRESIDENT DUTERTE: Let me repeat it for the nth time. Ako, sinabi ko that, “If you destroy my country, I will kill you. If you destroy the youth of this land, I will kill you.”
‘Yang rule na ‘yan will stay until the end — the last day of my term. I hope I do not have to repeat it. I will order the police to go after the organized crime.
Kasi itong droga po, organized crime ‘to. May magluluto, may distributor, may mga peddlers. Kaya sabihin nila, ‘yung mga namamatay noon, sa unang… Bilangin ninyo ang patay araw-araw noong hindi pa ako naging Presidente. At i-match ninyo doon sa first two months.
Kasi first two months, I did not allow si Bato, to operate. Kapa pa ako kasi pagtingin ko sa mga reports sa mga generals, “”Di, ‘di, ‘di, sandali, sandali.”
Sino ba dito ngayon ang konektado sa droga? We had to go into a reorganization inside, internal.
Ito, sabi ko, may tignan ko, basa ito. “Ito… ito si Colonel.” Ano ‘yang ranggo nila?” Tapos, “Eh ‘di tanggalin mo ‘yan. ‘Yung assistant… deputy… ‘yung commander.” Sabi ko, tanggalin. It took us several days to process.
But you will see the pattern before, mga one week o ‘yung papunta na ng election, o ‘yung nanalo ako. Sagad. Wala pa… Hindi pa ako Presidente. Who do you think did the killing?
Sinabi ko sa inyo. Kung wala silang tinatago, may patong sila sa ulo na two million, nasaan ‘yung mga ninja? Saan ‘yung mga heneral ngayon? Bakit…? Bilangin lang ninyo. Go into statistics.
Next time, I will produce it, I will ask the — my staff dito to… Bilangin natin ‘yung pinatay araw-araw nung hindi pa ako… ‘Nung nanalo na ako, naging Presidente, doon nag-umpisa, patayan na. At ‘yung…
Mr. Tulfo: So are you saying, sir, again… I know you’ve said this before. So you’re saying ‘yung iba sa mga patayan na ito is not actually drug operation ‘to…?
PRESIDENT DUTERTE: …Handiwork of government. Meron ‘yung lumaban, admitado namin ‘yan.
Ako, admitahin ko. Sino… Sino ‘yung nagkaroon ng engkwentro? Sige, akin ‘yan. Sabi ko, “I will hold myself solely responsible.” Balang araw kung gusto nila akong i-demanda, eh ‘di i-demanda mo.
But sinabi ko, ito, organized crime ‘tong drugs. I am not prepared to tell you now how widespread is the drug problem — hanggang saan umabot itong organized crime — because until now…
Kaya sinabi nila na hindi ko ibigay ‘yung report ng pulis, I will never do that. P***. Sisirain mo lang ang… The whole of me. ‘Di ko lang masabi sa’yo. Sabi ko lang mamaya sa’yo kung bakit hindi ko ma-ano… Hindi lang ito Pilipinas ang drugs. T*** i** talagang…
So kung sabihin mo ‘yung report na ‘yung build-up case tapos ‘yung action taken, kung ‘yan ang hingiin ninyo, ‘di ko ibigay. You know why? I did not do it.
It was Gloria Arroyo who did it. She raised the level of the drug issue as a national security problem. That is part of the state secrets.
Ngayon, ‘yung nakita ninyong patayan diyan na pulis na inaabuso kung walang sumobra, i-prosecute natin. But do not look into the — inside the entrails of the operation.
Susunugin mo lahat ang ano… National security. Hindi ako ha. Si Arroyo ang gumawa niyang order na ‘yan.
Ngayon, nandito na ako, alam ko na lahat to what extent at saan ko kinukuha namin ‘yung… Pati ‘yung panahon nila ni — meron ‘yung tao ‘yung — susunungin mo.
Wala na akong makuha. If I do that, wala na kaming makuha, zero balance kami. Kakapa na naman kami ng…
Basta itong drugs, organized crime. I’m sorry to say it, but ‘yung producer, distributor, pati ‘yung peddler, they are part of the organized crime. And the law says, pagka organized crime kayo, it is a really a conspiracy.
But if it is a conspiracy, lahat kayo may kasalanan. Kung anong kasalanan nitong nagluluto, ‘yun rin ang kasalanan mo. Kung ano kabigat ang parusa nitong nagluluto, ‘yun rin ang… Kung death penalty pa sana ‘yun, death penalty ka rin dito.
So sino ‘yung tinatamaan, mayaman o mahirap, I’m really very sorry. Kasi ako, Presidente ako, and I have to be legal about it.
Ayaw ko sabihin na, “Ito, ikaw, mahirap ang income mo, 25,000, wala ka.” “Ito, ikaw, napabili mo seven sachets a day lang.”
I’m sorry. The police will go after you, you put up a good fight. Kita mo sa Caloocan, that G** d**** place there. Ma… ma… Pumunta ako doon sa burol ng pulis. Why? Nag-operate sila doon mismo kung saan si Kian pinatay o binaril.
Kay anong nangyari doon sa pulis ko? Tama sa ulo. Tinitignan ko sa media ‘yung nagbasa ako ng briefer ko as President, lumalabas… Wala naman sa media. Wala man lang sa Human Rights, wala lahat.
‘Yung nagwala sa Caloocan, nakuha ng footage, dala-dala niya ‘yung pang-saksak.
Mr. Tulfo: Kutsilyo?
PRESIDENT DUTERTE: Kutsilyo. And bilib ako sa pulis na ‘yun. Hindi ‘yung sabihin mo na kaduwagan.
Alam niya mamamatay na siya pero ginaganun pa rin niya. Marami siyang tama pero hindi ‘yung fatal. ‘Yung natumba na siya, alam niya na gaganunin ka na, binaril niya. ‘Yun. Bilib ako sa pulis na ‘yun.
Sundin ninyo ‘yan. Subukan ninyo mag… Lalo na kayong mga g***** pulis. Hindi ‘yung kaduwagan. Kasi ‘yung tinitignan niya kung ma… ma… if the… If he could still avoid a fatal confrontation.
Kita mo, ginaganun niya, dito sugat dito. Puro lang dito ‘yan kasi ganun siya nang ganun. Kung natumba siya, wala na siyang choice kasi nandiyan na. Binira niya. Tama ‘yun. Saludo ako sa pulis na ‘yun.
Pagka maayos ka na, mag-report ka dito, bigyan kita medalya pati —
Yeah, wounded-in-action. I suggest that you make a report kayong… Sino ‘yung head ng ano noon? And I… For really undergoing the brutal — alam mo talagang ayaw niyang pumatay. Ganun siya nang ganun.
Hinawakan niya, eh ‘di sugat. O sige. Hanggang hindi niya na… Alam niya na talagang mamamatay na siya, binira niya. Tama ‘yun.
Eh kung mahirap ‘yung pinatay mo, wala akong pakialam. Mayaman ‘yung binira mo — binira mo, wala akong pakialam. That’s the law.
And I, as President, when I go after organized crime, ang sabi ng batas, lahat. Huwag kang fe-favor kasi ikaw gwapo, ikaw pangit, ikaw mahirap, ikaw mayaman.
Prosecutor ako eh. When I prosecute, I prosecute all. Sauce for the gander, sauce for the goose. Alam mo ‘yan, bawal ‘yan, pumasok ka diyan. Puro bangag ‘yan. Basta bangag ‘yan, maniwala… Sinasabi ko sa’yo may armas ‘yan eh.
Doon sa pulis, inunahan siya. Nakahawak lang ng ganun. Eh baril sa ulo.
‘Yung isa namang pulis, talagang sinadya niya to play a very passive role, nung naipit na siya, alam niyang mamamatay na siya, doon pa.
Kaya ako, “Bata, pumunta ka dito. Magkape tayo.”
Mr. Tulfo: Ito ‘yung nag-trending sa video na pulis na pinagsasasaksak?
PRESIDENT DUTERTE: Ayaw kasi maniwala nitong mga Human Rights, itong mga g*** na ‘to na pag lango ‘yan, talagang aatake ‘yan. Pag lango ‘yan tapos magpapabili ng shabu. Aatake ‘yan. Sigurado ‘yan.
Kasi may armas talaga eh. Magdampot kayo ng… Lima kayo, pagtulungan ninyo ‘yang nagpabili. Huwag ninyo patayon — patayin. Hawakan lang ninyo ang kamay. Kuha — may armas ‘yan.
Makaswerte kayo baril, iyo na ‘yan. Ayaw ninyong maniwala na bayolente talaga ‘yung drugs eh. ‘Yung nakita na ninyo civilian, lango. Ayun, pinagsasaksak ‘yung pulis. Ito namang pulis na on official mission, binaril sa ulo. O, Human Rights, paano ito ngayon?
Kaya ako, sabi ko, ang Congress — the House of Representatives, kinuha ‘yung 600 million nila na budget for the office. So wala ng Human Rights kung walang panggastos.
This is my proposal. Sinabi ko sa may ambassador kanina, ito ‘yung proposal ko, I am inviting the United Nations Commission on Human Rights of the United Nations, magtayo kayo dito ng opisina.[]
Dito. Pati ‘yung European ano — Union. May Human Rights ano ‘yan sila, committee, pumunta kayo dito, magtayo kayo ng opisina.
Kung wala kayong empleyado, ako ang magbayad, kayo ang maghanap ng tao. ‘Yung mga rights investigator. Ako ang magbayad. Kayo ang maghanap ng tao. Kayo ang magtingin sa qualification.
Gusto ko every police operation, gamitin ko ‘yung 600 million na sa budget ng Human Rights Commission, ibili ko ng camera.
At pagbawalan ko lahat, kung meron na ‘yan, nabili ko na, no police operations without the cameras, and if you want, the media can embed somebody.
And the Human Rights representative must be present. ‘Yan ang suggestion ko.
Kayo mismo sige daldal sa akin, kayo ang pumunta dito, kayo ang magbigay ng katotohanan.
Mr. Tulfo: So you’re saying, sir, mas gusto ninyo ‘yung UNCHR kaysa sa CHR natin ‘yung pinangungunahan ni Chito Gascon?
PRESIDENT DUTERTE: Eh parang halos i-abolish na ‘yan eh. Walang… Binigyan lang ng 1,000. Kulang… Kulang ‘yan sa meryenda ni Gascon. Dalawang meryenda niyang hamburger, wala na.
Mr. Tulfo: Is this allowed by our Constitution na foreign Human Rights ang paopisinahan mo rito rather than ‘yung CHR?
PRESIDENT DUTERTE: Yes. Because they are organs of the United Nations. And we are a member state of the United Nations.
So why can’t they just… Kung wala kaming Human Rights dito because the House of Representatives just gave them one. Kasi galit sa kanila.
You know why? ‘Yang issue nga eh. Hindi ako nag-ano ng tao ha, never. ‘Yang issue na pabalik-balik, pabalik-balik, gobyerno rin sila eh.
Tapos wala na kayong iba. ‘Yung ibang ka — Namatay dito, patayan, ini-ignore na ninyo.
Parang walang nangyari sa ibang tao. Ito lang ‘yung mga sinasakyan ninyo.
Sabi ko na anong masakit sa akin? Ang masakit sa akin ‘yung mga hostages na babae. Nire-rape araw-araw, tatlong buwan na, tatlong buwan na.
Wala man lang kayong empathy to protest. Tatlong buwan.
Mr. Tulfo: When are you going to invite the UNCHR, sir? Are you going to personally write them a letter or through…
PRESIDENT DUTERTE: Yes. My Executive Secretary. I sent a memorandum to my aide to instruct — the Executive Secretary.
Mr. Tulfo: To invite them?
PRESIDENT DUTERTE: Pati si Cayetano. So before I release that to the United Nations, I need to confer because out of respect, siya ‘yung Foreign Affairs Secretary.
Iyan, klaro na. Ano pang gusto ninyo?
Mr. Tulfo: So wala tayong CHR. Pero meron tayong UNCHR?
PRESIDENT DUTERTE: Oo. ‘Yung gustong mag-imbestiga sa akin, halika, halika, kayo. Kasi kapag may makita kayo, bigyan lang ninyo akong tatlong mali na galing sa akin, diretso na tayo, trial na.
Diretso na. Upo na ako doon. Sige, tanungin mo ako. Tatlo lang mali na kasali ako na — Sabihin mo patayan na ano…
Mr. Tulfo: Na kayo ang nag-instigate?
PRESIDENT DUTERTE: Oo. ‘Wag — Pero ‘wag kayong mag-sinungaling. T*** i**. Mag-imbento kayo. Kaya nga sabi ko sumama kayo at may camera, eh gamitin ko na lang ‘yung pera eh.
‘Pag mag-imbento pa kayo ng affidavit ano diyan, nandiyan na kayo, ibang istorya na ‘yan.
Mr. Tulfo: All right, sir…
PRESIDENT DUTERTE: Baka FBI na ang pumunta dito kung anong nangyari sa’yo.
Mr. Tulfo: Sir, I have one last question. Let’s talk about the barangay election. Some people are saying na mukhang illegal ho yata. It will violate the Constitution if we will appoint barangay officials. They should be elected not appointed?
PRESIDENT DUTERTE: Ganito ‘yan. Na-postpone ‘yung election kasi sabi ko, ‘wag ngayon kasi 40 percent ng mga barangay captains nasa droga.
Mananalo talaga ito. May pera eh. Eh barangay. Alam mo naman barangay. Either takutin ‘yung tao o bilihin. On both counts may mga armas ‘yan sila.
Ngayon ang sabi ko, kung ayaw ninyong maniwala, okay sa akin. Walang problema, eleksyon tayo. Pero kung ma-reelect ‘yang nasa droga, hindi ko na problema ‘yan.
Ngayon, ‘pag sinabi ninyo na mag — i-appoint na lang, sinabi ko kanina sa House of Representatives through the Speaker and — “‘Wag mong ibigay sa akin mag-appoint-appoint. Ayaw ko, ibigay ninyo sa iba.”
Kasi sabi ng mga opposition, “Is it not giving the power, too much power of the President? Kanyang mga tao na i-appoint niya?” Sabihin ko, “Kung ganun…”
Kagaya nung sabi nila, ayaw nilang magbigay ng pera para madalian ang EDSA. Kasi adre maski sino namang tao tanungin mo kailangan mo talaga ng pera para mag —
Ayaw nagbigay kasi corruption daw, ganun. ‘Di sabi ko, “Huwag na. Huwag na” Sabi ko, “Hayaan mo ‘yung EDSA ganun.”
Gusto kong ayusin, wala namang perang ibigay kasi nga baka raw ma-corrupt. Sabi ko, “Huwag.” Ayaw ko ng ganun. Kaya punta na lang ako ng China, naghingi ako ng tulong.
Sabi ng China, “Sige, dahan-dahan lang. Padala kami. Ito, dalawang bridges.”
Sabi nila, one is mag-build muna tayo ng bridge para maka-detour ‘yung iba. Maka… Dalawang bridge gawin nila. Libre. Walang bayad. Salamat, China ha. Ambassador. Salamat.
Tapos sabi nila, tutulungan kayo diyan sa… Sabi nila, railway na lang talaga. So mass transport talaga.
In other words, you have to limit privately owned motor vehicles to use public streets. Kasi kung lahat ng mga middleclass, mga isa ang anak nila, isa, tag-dalawa, isa-isang kotse, pati marami pang gusto mag-negosyo diyan sa Uber, kung ano-ano.
Balang araw, paglabas mo sa garahe mo, diyan ka na lang. ‘Wag ka nang umusong kasi diyan ka na lang. ‘Yan na lang ang gamit ng kotse mo, palabas ng garahe, papasok.
So sabi ng China, gawa muna tayo ng bridge, kasi mahaba ‘yang EDSA. Ito, con… Pasig River lang ang worry natin pati heavy equipments. ‘Pag nandiyan na ‘yan, maluwang na, kasi umpisa ‘yan.
Eh bright ang China eh. Sabi ko, “Salamat. Salamat po. At nakakatulong kayo.”
Mr. Tulfo: Sir, finally, is there anything… Your anything… Any message or your point dito po sa mga kababayan natin na nanunuod? Baka meron po kayong mensahe.
PRESIDENT DUTERTE: Okay. I think the fight in Maranao is almost over. But I will… It will be a — almost a quiet thing.
I do not want any celebration of victory. Lahat tayo diyan natalo sa Marawi na ‘yan. Every Moro na patay or every sundalo na namatay, breaks our heart. Puro Pilipino ‘yan eh.
So kung matapos na ‘yan. I don’t want anybody shouting, “Mabuhay! Mabuhay!” Let us just pray to God, maybe thank the Lord na tapos na ‘to. Sana maalala ni Allah ang mga tao diyan sa Marawi.
Let us raise the money to start the rebuilding of Marawi. And I would say… I said I do not want any statement of victory. Kasi hindi tayo mananalo diyan. Lahat tayo, tatalo.
So it’s a fight that we never wanted to happen. But because the Constitution mandates that I have to do something about it, that’s why I declared martial law. And I grieve, kasi ako ‘yung nagsabi sa mga sundalo, “Pumunta kayo doon para mamatay.” So ‘yan ang burden ko.
Out of respect doon sa namatay, pati ‘yung sa kapwa Pilipino natin. Nobody will talk about victory or defeat.
Talo tayong lahat doon sa nangyari sa Marawi.
Mr. Tulfo: Sir, one last question. May nagsasabi pa rin po… The AFP is saying that they believe Isnilon Hapilon and another Maute leader still there. Will we be able to capture these people, sa inyong palagay?
PRESIDENT DUTERTE: I really do not… I’m not familiar with the — I’ve never asked also. But I’m going to Marawi any day soon. I might just give you also a brief history of the latest one.
I would not want to speculate because the fighting is still there. And the… Alam mo naman ang sundalo. It’s either you surrender or you die. So…
Mr. Tulfo: Is it going to end anytime soon? May mga nagsasabi po until end of September.
PRESIDENT DUTERTE: Mukhang ganon pero mopping-up na ‘yan actually. And they’re just trying to really parang hinahanap lang nila talaga kung saan ‘yung mga leaders.
Mr. Tulfo: How true are reports, sir. I’m sorry, I lied to you, Mr. President, na ‘yung ibang mga hostages already joined the group? Is this true? May mga report po na ganun.
PRESIDENT DUTERTE: Kasi… Eh kung hostages ka. Paano… Kagaya nung pari, tiga-kuha siya ng mga…
Mr. Tulfo: Bala.
PRESIDENT DUTERTE: What choice do you have? And the women. They cook, they wash and serve the bodies of the terrorists to satisfy their physical hunger.
Kaya diyan ako na-ano ng — na wala lang man akong — even from the women’s rights. That makes me sad. Kaya ako ‘pag ka ganun, kita mo lumalaban talaga ako. Ibig sabihin, bastos for bastos.
Kung kilala nila ako, ganun talaga pagkatao ko. Sabihin niyo bastos ako. So what? Talagang bastos ako.
Tsaka kung magbira ako, minsan binababoy ko talaga ang tao. And I, I, I… Ganun ako. Makikita mo kung sentimiyento na — it’s just for a few and you keep on repeating the incident, gaya nitong si ano hits teen —
But tingnan mo muna kung ilang teenagers ang namatay. Anak ka ng jueteng ka naman Gascon, uy.
Why are you so fixated with the… Kaya sabi ko, “Are you a pedophile?” Bakit ka fixated diyan sa mga bata? Dapat tumahimik ka na. Let the investigation.
Ganito kasi ‘yan. If you are the head of an agency, CHR o sa National Prosecution Service ka o piskal, ‘pag nandiyan may mga imbestigador ‘yan, may mga pulis or if you want ‘yung mga NBI.
Do not comment or pass judgment kaagad diyan because eventually ‘yung anong pinagaralan, anong pinagiimbestigahan nila, dadating sa opisina mo ‘yan for approval.
Eh kung makisali ka doon sa baba, pareho ni De Lima, makisawsaw ka. Basta lang makita ka sa TV, para lang gusto mong ma-senador.
O tingnan mo ang nangyari sa kaambisyon mo. You ended up in jail. Because you wanted money desperately to finance the campaign and maybe your vanity. Did you… You dug your own grave there.
Mr. Tulfo: So ‘pag nakisawsaw po ‘yung head ng agency like these people…
PRESIDENT DUTERTE: Nakita mo si Gascon. Nag-issue kaagad ng ano —
Mr. Tulfo: Wala nang fair play.
PRESIDENT DUTERTE: Eh ‘di sabihin niya, “Well, let us wait.” That is the usual. If you’re a mayor, “Let us wait for the investigation”.
Kaya ako, hindi ako nagko-condemn kaagad. Anong [inaudible]… Hintayin muna natin ‘yung imbestigasyon.
Kasi kung gobyerno ‘yan, administrative, magdating ‘yan sa opisina ko. Kung kriminal, magdating sa korte. ‘Pag administrative, tapos natalo ‘yan ng — paalisin siya o suspended.
Eventually his last resort administratively is to appeal to the Office of the President. So you start yakking there. Then, there is no fairness or fair play.
And that’s how it is. That is why if you refuse to understand me, keep on attacking me for doing nothing, when I should be just keeping my mouth shut because I said there are two aspects of the proceedings in government, either you are charged administratively which would end the final office would decide over your fate is the Office of the President. If it is criminal, then it is the court, eventually the Supreme Court.
Salamat po.
Mr. Tulfo: Sir, maraming salamat po.
PRESIDENT DUTERTE: I hope I have answered… Hindi masyado klaro ‘yung first explanation ko.
— END —