Minutes after, the session was adjourned, and were it not for Akbayan President Ronald Llamas, who asked me to stay and accompany him in the south lounge, I was also already on my way to the lobby, my escort already waiting for me outside. In fact, I clearly recall seeing Congresswomen Lisa Maza and Luz Ilagan at the exit of the session hall.
Within seconds after joining Mr. Llamas in the south lounge, we heard the explosion. My first instinct was to run outside the building, thinking it was a coup attempt, with us, members of the House of Representatives taken as hostages.
As the evening wore on, the events surrounding that fateful night started to unfold – what exploded, where, when, and who were the victims. When news accounts reported Congressman Wahab Akbar’s critical condition, I was consumed with disbelief. I was still trying to digest the news, when reports of his death was announced. For the first few days after the incident, I was still trying to convince myself of the harsh realities of that fateful day, when suddenly, I just found myself at the receiving end of accusing fingers, being dragged into and suspected as one of those behind the terror attack that led to the injury of at least 11 people, including fellow members of the House, Congressman Teves and Congresswoman Luz Ilagan, and the death of 4 people, including a friend, Nikki Hayudini, and one who used to be a friend, Congressman Wahab Akbar.
Mga kasama, mahirap po ang mag depensa ng sarili sa gitna ng mga akusasyon. I know everything I say will only appear to be self-serving, my words weighed against the words of those pointing their fingers at me. Ngunit bilang isang halal na opisyal, responsibilidad ko po ang magpaliwanag sa taong bayan, at bilang isang mamamayan, ako rin po ay may karapatang ipagtanggol ang sarili at linisin ang aking pangalan.
My name was dragged into this terror attack on the basis that my elder brother, Jim Hataman ran against the late Congressman Akbar, and because on certain issues, I have been a vocal critic of the late Congressman. But all these, were purely political differences. Yes we had issues against each other, and there were times when the tension between our families filled the air of Basilan, but Basilan itself can bear witness that the dispute remained only as such, a clash of principles.
I do not deny the fact that some members of my family figured in clan conflicts in our province, that is public knowledge. However, it is also public knowledge that among the Hatamans, kami ng mga kapatid ko ang tagadala ng kapayapaan, at laging tumututol sa madahas na pamamaraan ng pag resolba ng mga hidwaan. Sadyang iniwas kami ng aming yumaong ama sa gulo at giyera, mahigpit na pinagbabawalang humawak ng baril, at sadyang pinadala sa Zamboanga City at dito sa Metro Manila upang mag-aral.
Pangalawa, tila pilit na hinahanapan ng butas ang aking pagkatao upang lalong madiin sa kontrobersiyang ito. Nang maganap ang Payatas raid, agad akong idinawit sa basehang si Redwan Indama raw ay kamag-anak ko. Totoo po. However, I know nothing more about him, I cannot even clearly establish how we are related to each other. Furthermore ladies and gentlemen, I do not understand how mere blood relations can be a basis for making one responsible for the acts of a relative.
Pagkatapos, lalong pinalakas ang pagbibintang sa akin, nang direkta akong inakusahan ng pamangkin ng nasawing Congressman, si Lantawan Mayor Tahira Ismael. Ang kanyang basehan, empleyado ko raw ang isa sa mga nahuli sa Payatas, isang nag ngangalang Ikram Indama. Madali pong patunayan ang kasinungalingang ito. The records are all in the House of Representatives, and I am confident na kahit sino pa ang kanilang tanungin sa loob at labas ng Kongreso, o pag-aralan ang bawat surveillance camera sa institusyong ito, ay mapapatunayang hindi ko naging empleyado at kailanman ay hindi nagtrabaho sa akin ang Ikram Indama na ito. Kilala ko lang siya sa mukha dahil naging driver siya ni dating Basilan Congressman Gerry Salapuddin at paminsan-minsan ay nakakasalubong ko dito sa Kongreso. Nalaman ko lamang ang pangalan niya noong ipinakita na ang kanyang Congress ID sa telebisyon.
Ngayon, ayon sa mga balita, ay pinangalanan ako nitong Ikram Indama bilang isa sa mga mastermind. Hindi ko po alam kung ano ang basehan, kung sapat ba ito upang siya ay paniwalaan. But I remain unfazed, and without fear, because my conscience is clear. As long as the investigation is thorough and impartial, I am hopeful that the truth will come out and eventually clear my name. I only pray, that my being critical of the policies of the administration, will not in any way influence the judgment against me.
Ladies and gentlemen, having lost what stood as a father to them, under such gruesome circumstances, it is understandable for the Akbars to suspect anyone who may possibly have the motive. But to pinpoint and single me out as the suspect, in public, is the biggest, of all the injustices they have done to me, for the last ten years of my life.
The last ten years… Nakilala ko po si Congressman Wahab Akbar noong una siyang tumakbo bilang gobernador ng Basilan in 1998. Bilang isang kilalang Islamic preacher, who, in his talks, envisioned a graft-free, progressive, just and peaceful society, he earned the adulation of the young activist in me. During those times, kasama po ako sa isang grupo ng mga kabataang maingay na bumabatikos sa local na pamahalaan at nananawagan para sa pagbabago sa Basilan. Nagmistulang sagot sa aming panalangin ang isang Ustadz Wahab Akbar.
Ako po ang naging campaign manager niya, at nang manalo siya, ay nagsilbing Executive Secretary niya sa loob ng dalawang termino niya bilang Gobernador. Hindi ko po intensiyon ang magbuhat ng sariling bangko, ngunit kung ano, at kung sino ang isang Mujiv Hataman sa buhay at karera ng isang Wahab Akbar, mula ng una siyang kumandidato, ng walang makinarya at sa harap ng isang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa involvement niya sa Abu Sayyaf, ay buhay pa po sa alaala ng mga taga Basilan. Marahil ay nabura na sa memorya ng kanyang pamilya at taga-suporta, ngunit kailanman ay hindi na po iyon mabubura sa kasaysayan ng Basilan.
Nag-umpisa lamang ang lamat ng aming samahan noong 2002, ng ipinatupad ang massive crackdown laban sa mga pinag sususpetsahang Abu Sayyaf. Bilang isang human rights advocate, isa ako sa mga tumutol laban sa mga human rights violations at tumulong sa mga naging biktima nito. Sa hindi sinasadyang mga pagkakataon, mula noon ay lagi ng nagtutunggali ang aming mga pananaw ukol sa iba’t-ibang isyu sa Basilan. At ng ako ay nailuklok sa Kongresong ito, ako ang naging sumbungan ng mga Basileñong may hinaing laban sa pamamahala at pamamalakad niya. To name a few of these controversies, nariyan ang Balikatan Exercises, ang mga harassments at dayaan noong ARMM election, ang isyu ng illegal logging at corruption sa Basilan, at ang kaso ni Lantawan Mayor Tahira Ismael ukol sa mga alegasyong GSIS remittances na umano’y hindi nai-remit ng kanyang local na pamahalaan.
In all these instances, never was there a moment of violence between us, or our families. Yes, there were threats, harassments, and much of bullying, but I just shrugged them off as mere counter-propaganda, or paninira na rin ng ibang mga grupong nais palalimin ang aming hidwaan para maisulong ang kanilang personal na interest.
Ito po ang aming kwento. Na kahit sa panaginip ay hindi ko inakalang hahantong sa ganitong trahedya. Ang trahedya ng kanyang pagkamatay, at ang trahedya ng pagbibintang sa akin. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, I am obliged to look back and reflect on the things I have done and the words I have uttered. May pagkakamali ba ako? If I am given the chance to bring back time, gagawin ko pa rin ba ang mga pambabatikos at pagsalungat sa kanyang mga pamamaraan at ideolohiya? Paninindigan ko pa rin ba ang aking mga paniniwala at prinsipyo kahit alam kong dahil lamang dito ay ibubunton sa akin hindi lamang ang pagkamatay ni Congressman Akbar kundi maging ng mga inosenteng nadamay?
Paulit ulit ko man tanungin ang aking sarili, iisa ang aking sagot – Oo. Dahil nahaharap man ako sa kontrobersiyang ito ngayon, alam kong darating ang panahon, na lalabas din ang katotohanan at malilinis ang aking pangalan. Ngunit kung meron man akong nais gawin sakaling maibalik ko ang panahon, dalawang bagay lamang ang hindi ko palalagpasin:
Una, ang sabihan si Congressman Wahab Akbar, na sa kabila ng mga pambabatikos ko sa kanya, kailanman ay hindi ko pinag sisihan ang pagsuporta sa kanya noong una siyang tumakbo bilang Gobernador. Sa mga pagkakataong nagkaka tunggali kami, madalas akong sabihan ng aking mga kaibigan at pamilya, kasalanan ko rin daw kung bakit siya nailuklok sa kapangyarihan. Ngunit pilit ko mang sisihin ang aking sarili, hindi ko magawa, dahil naniniwala ako na ang ipinakita niyang unang Wahab Akbar ay totoo at walang halong panlilinlang. Kung nagbago man siya, perhaps he had his reasons.
Pangalawa, ang bigyan sana ng mas maraming panahon at atensiyon ang aking pamilya, lalo na ang aking mga anak. Nang mailuklok ako sa Kapulungang ito sa murang edad na 30, ang aking panganay ay dalawang taon pa lamang at ang sumunod ay limang buwang sanggol pa lamang. Ngayon, ang panganay ko ay 7 taon na, ang pangalawa ay 4 na taon, at ang bunso ay isa’t kalahating taon. Sa gulo ng buhay sa pulitika, at sa dami ng responsibilidad na kinailangang harapin, aminado akong nagkulang ako sa kanila, hindi dahil sa hindi sila mahalaga sa akin, kundi dahil marahil sa kampante akong nariyan lang sila. Ngunit sa gitna ng mga pangyayaring ito, namulat ako sa katotohanang sa isang saglit, maaari silang mawala sa akin, o ako ang mawala sa kanila. Noong Sabado ng umaga, inaaya ako ng aking panganay na maglaro. Nakiusap ako na huwag muna dahil sa marami akong iniisip at pinoproblema. Napaluha ako sa inosente niyang sagot, “Amah, mag quit ka na lang kasi…” Kung sana ay ganon lang kadali. Bandang alas tres ng hapon, habang nasa meeting ako, nakatawag ang kapatid ko, may sasakyan daw na ilang beses umikot, tapos ay pumarada sa harap ng bahay namin. Tinted ito at walang plate number. Dali dali akong umuwi, kinuha ang mga bata, at habang naghahanap ng ligtas na pagdadalhan ko sa kanila, hindi ko mapigilang magbilang ng mga pinalagpas kong pagkakataong makasama sila. At sa bintang na pagkakasangkot ko sa trahedyang ito, ay nalagay pa sa panganib ang buhay nila. Malagpasan man namin ang banta sa buhay naming ngayon, ang labis kong kinatatakutan ay ang habang buhay nilang papasanin ang bansag na anak ng isang mamamatay tao.
Hindi po ako nagmamalinis. Maaaring ni hindi ako papasa bilang isang mabuting tao. Hindi ko po kayo hinihikayat na paniwalaan ako at hindi ko rin po ignigiit na inosente ako. Malugod kong iprinisinta ang aking sarili para sa isang imbestigasyon, ang tanging panalangin ko ngayon, ay huwag po muna akong husgahan, ng publiko, ng mga naiwan ni Congressman Wahab Akbar, at ng iba pang naging biktima.
Kaninang umaga, habang papalabas ang aming sasakyan galing sa bahay, upang sunduin ang aking mga anak sa pinagtaguan ko sa kanila, may tatlong lalaking naka sibilyan na humarang ditto at pilit na binuksan at tiningnan ang loob ng sasakyan. Hindi po nagpakilala kung sino o kung bakit.
Gaya po ninyong lahat, nananalangin din po ako para sa hustisya at katotohanan. Marahil sa pagkakataong ito, mas taimtim ang panalangin ko, dahil nakataya hindi lamang ang pangalan ko, kundi maging buhay ko at ng pamilya ko. Maraming salamat po.(MindaViews is the opinion section of MindaNews. Privilege Speech is open to Mindanawon legislators. Email mindanewseditor@gmail.comThis e-mail address is being protected from spam bots, you need JavaScript enabled to view it and editor@mindanews.comThis e-mail address is being protected from spam bots, you need JavaScript enabled to view it . Rep. Mujiv Hataman of Basilan is representative of the Anak Mindanao[Amin] party-list).