
Paano ko masasambit
At inyong maririnig
Ako’y nalulungkot
Ako’y natatakot
Mahirap mang aminin
Unti-unting tumatakas na lakas
Mga ala-alang kipkip sa diwa
Nagbibigay ng ngiti, masasayang gunita
Unti-unting tinatangay ng hangin
Yugto sa aking buhay na takipsilim
Paano sasambitin
At iyong maririnig
Ako’y nalulungkot
Ako’y natatakot, ganon pa man…
Humuhugot ng tatag
Mga pangarap na di kayang buwagin
Ng panahon, ng mga pasakit, mga pagsubok
Mga pangarap at paniniwalang
Ako’y ako, ako’y buo
Ako’y di kayang tibagin
Ng lungkot, ng takot, ng galit
Lahat ng uri ng pagsubok!
Sa gitna ng panganib
Pananalasa ng virus at bakteria
Di kailan man susuko, hindi pagagapi
Sa gitna ng balakid, ako’y magwawagi
Kahit me pighati, aking pinipili, ako’y magwawagi
Sa dulo ng balakid, aking pinipili
Sa gitna ng pighati, sa yugto ng takipsilim sa aking buhay
Ako nagpapasya ng paglaya
Sa lungkot, sa takot, sa pangamba ako’y lalaya
Kahit me takot
Kahit me lungkot
Inyo kayang marinig
Akin nga bang masasambit…
(MindaViews is the opinion section of MindaNews. This poem was read by Ms Malou Tiangco during the ‘Barog: Kalinaw, Katungod, Kagawasan” online forum on 12 Jun3 2020. Ms Tiangco is a human rights and peace advocate and a clinical social worker based in Davao City. She has been in development work in the past four decades, in government, NGO, church and the academe).