Esmael “Toto” Magudadatu’s rise to the governorship of Maguindanao in 2010 came with a very heavy price: 58 persons, including his wife, two sisters and 32 media workers were killed on November 23, 2009, on their way to file his certificate of candidacy for Governor.
Mangudatu was Vice Mayor of his hometown in Buluan, Maguindanao when he decided to challenge his former allies, the Ampatuans, a decision that did not sit well with the patriarch, Datu Andal Ampatuan, Sr., and most especially the son, Datu Andal Ampatuan, Jr. aka “Unsay,” who was going to run for Governor and wanted to run like his father did in 2007: unopposed.
Given the situation, Mangudadatu’s mother dissuaded him and other male members of the family from going to the Commission on Elections’ provincial office in Shariff Aguak, Maguindanao to file his COC. She proposed that the women go instead, as women would not be harmed. The rest is history.
The governor is now completing his third and last term as Govenror of Maguindanao.
MindaNews spoke with Mangudadatu in his office at the new Provincial Capitol in Buluan, Maguindanao on January 24.
Excerpts;
Q. What are the current threats to peace in Maguindanao?
A. Unang-una drugs … pangalawa yung rido at pangatlo BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters). Minsan iniisip din namin baka makapasok ang Maute at ibang ISIS-inspired kumbaga yung extreme
Q. Extremists
A. Extreme ang kanilang interpretation doon sa kung ano yung batas. Sinasabi ko yan dahil merong limitado ang pagkakaalam. Hindi ko sinasabi na malawak ang ano ko pero nilalawakan ko yan. Wala naman sigurong sinabi ang panginoon na okay, hanggang dito ka lang mag interpret sa akin, hindi niya sinabi na magpatay ng tao yung iba kasi nagreresulta ng napakalalim ng interpretation at nagreresulta ng pagpatay ng isang tao…
Q. Are they here already? This Maute group? Because the suspects in the Davao bombing are supposed to be Maute-linked but are based in Maguindanao..Ang akin naman, hindi ko sinasabi na meron pero yung mga suspects kasi merong nahuli dito. Ang Butig kasi, kung saan ang Maute, napakalapit sa boundary ng Maguindanao at yung ibang mga kamag-anak nasa 1st district ng Maguindanao.
Yun ang sinasabi ko sa mga mayors, pati rin doon sa kapulisan natin na medyo mapagmatyag tayo, maingat tayo.
Q. Pero wala pang so far monitored na talagang nandito
A. Wala pang monitored. Kumbaga, ginawang umpukan o kampong maliit, wala pa. So far wala pa.
Q. Given the situation po, there are two peace agreements, the 1996 agreement with the MNLF (Moro National Liberation Front) and then the 2014 agreement with the MILF (Moro Islamic Liberation Front) and there have been problems implementing these two agreements, how do you deter the young Maguindanaons from becoming extremists?
A. Aking suggestion, unang-una, kailangan makialam ang LGU na i-regulate ang pagtuturo doon sa mga Ustadz .. na kailangan hindi halimbawa yung pagpuputol ng kamay… kumbaga hindi naman sobrang bigat eh huwag magresulta ng ganon at halimbawa yung mga kababaihan na hindi nag-belo huwag naman sanang …
Kaya nga yung limitadong edukasyonm mag reresulta talaga ng hindi m ayos.Kailangan palawakin ang edukasyon.
Q. Paano nyo ipapalawak itong edukasyon nila … may program kayo doon sa mga Ustadz? Ano ang program ninyo?
A. Actually may program ako. Scholarship program ng Maguindanao. Meron tayong if not 6,000, nearly 6,000 full scholars ito ng College. Yung karamihan dito mga anak ng rebelde. Kahit nga anak ng BIFF kukunin namin at pag-aaralin.
Ayoko na magkaroon ng recycle ang situation na hahawakan lang nila baril. Konting alitan, magre-resulta sa muzzle of the gun… Instead ang gagamitin nila ballpen, papel kasi yun ang pinaka-powerful, pwede nila siguro, pwede nilang paabutin ang hinaing nila kahit doon pa sa UN, kahit sa America. With the barrel of guns hindi nila kayang paabutin, siguro maximum five kilometers kung baril eh kung sabihin mo mang high caliber, sabihin mo bazooka, mga 15 kilometers but with the ballpen and a piece of paper kahit sa kasulok-sulokan ng mundo, kaya nilang paubutin kahit anong sabihin, kung edukado na sila.
Q. This is your third term as governor. In terms of the level of literacy nag taas ba yun over the years?
A. Tumaas. Isa pa diyan nagtayo kami ng MCDC (Maguindanao Childhood Development Center) na kinikuha namin ang mga anak, kahit anak ng mga rebelde, free yan lahat: clothing, pagkain, libro. Binigyan namin ng building na maayos, kumbaga competitive at quality na pwede naming kahit taga Notre Dame makaharap, kahit taga-Ateneo makaharap. Kampante kami na sila ay pwedeng iharap. Anak ito ng mga rebelde, anak ng mga kumander.From different municipalities.. Meron kaming eskwelahan na pinatayo at doon sila nag-aaral, yung mga bata.
Q. So para silang naka dorm?
A. Oo, at allowed ang parents na magbisita during Wednesdays kasi may pakain kami, kumbaga feeding kami at during Saturdays and Sundays para naman turuan yung bata na mag garden ng organic
Q. How old are the kids and how many?
A. From 5 up, More than 105. We are targeting 300. Nili-limit ang rooms na kailangan hindi sumobra ng 20 bawat room kasi gusto namin matuto ang bata ng maayos.
Q. What is the vison of this Maguindanao Child Development Center?
A. Gusto namin na magkaroon ng magandang edukasyon… paglaki nila hindi na sila mag rebelde, hindi na sila madadala ng baril at isa sila na magpapatupad ng kapayapaan sa Maguindanao. Malay mo, baka sila maging isang leader.
Q. Presidente pa gyud
A. Oo
Q. How long do they stay there? Kunyari itong five-year old na bata, kunyari anak ng rebelde, dadalhin mo sa Center na ito dyan siya titira and then bibisitahin siya ng parents. Hanggang kailan sila diyan sa Center?
A. Hangga’t matapos nila yung elementary grade at kailangan ipalibre din namin sila sa high school. Ginagawa naming ladderized sila. Ang gagawin namin diyan, may pondo naman ang gobyerno natin, institutionalized na ito eh, kahit na wala na ako diyan as Governor, hindi pwede na hindi gawin ng papalit sa akin dahil isa ako na magdadala ng flaglet, I mean maliit lang na flaglet (laughs).. isa ako sa magdadala ng streamer na mag a-against sa programang hindi niya pinapatupad. Kailangan mapatupad yan.
Q. Let’s go to the Bangsamoro peace processes. The formal peace processes as I said may problema doon sa implementation, wala pang BBL.. Sa Duterte peace roadmap, isang track lang sana pero ngayon si Nur, may implementing panel rin. At the same time, may isang track pa, ang federalism. As governor of Maguindanao, ano ba ang nakikita ninyo na dapat mauna?
A. Dapat mauna ang implementation ng BBL. Siguro magkaisa na rin as Moro itong mga leaders natin dito sa MILF and MNLF, at least once and for all, maka take off. Alam ko naman lahat ay naghirap para makita finally ang peace na sinasabi nila. I-set aside muna kumbaga yung interests na pang sarili … I mean halimbawa, kung may naisip man ito sa side ni Nur na may ano na, di kailangan ikaw lang … kasi ang nakita ko naman dito sa MILF, talagang gusto nila para sa kapayapaan at para sa Bangsamoro so ang aking rekomendasyon, they should talk properly and have a good result for the Bangsamoro
Q. Do you think that the leaders of both fronts can actually sit down considering na medyo problematic yung relationship nila over the last two decades?
A. Oo nga pero nakita ko kasi doon sa interview ni Nur eh iba yung kanyang sinasabi doon sa ano eh
Q. Yung ‘traydor’?
A. Oo. Huwag namang ganon. Once upon a time, sila sila at sana hanggang ngayon sila pa rin para sa amin.
Q. So yan yung appeal mo doon sa mga nakakatanda sa inyo na mga leaders sa Bangsamoro?
A. Oo kasi hindi ganon ang inexpect namin sa kanila. These people are very brilliant, bakit nagkaresulta ng ganon ang sinabi niya wala namang sinabi ang MILF sa kanya
Q. You were bothered by that statement of Misuari?
A. Doon ako naba-bother … kasi ako tinutukan ko yung mga salita niya na huwag naman na mag-accuse na mag-accuse. Instead .. he will go down to the bottomline then talk to his people like Al Haj Murad and other leaders of the rebel groups para masaya naman kami dito.
Q. Can you and Governor Mujiv and all the younger ones, yung mga under 50 pa lang kayo, actually appeal to the elders to consider, as you said, setting aside their respective interests for the benefit of all?
A. Kaya nga hindi ako aloof sabihin sa kanila ito because we are expecting so much, especially the young ones. Ang ating dream doon, tulad ng sinasabi ko binabalik-balikan ko ito, makapag aral man lang sila, magkaroon ng maayos na pangkabuhayan at mapayapa lahat, kasi lahat sinisigaw nila kapayapaan, lahat sinasabi pagod na kami …
Q. Paulit-ulit na ang history ninyo sa bakwit … parang perpetual cycle. You’re on your third term, nag-lessen na ba ang evcuations due to gyera?
A. Nag lessen, nag lessen at hindi ako napapagod na makiusap sa kanila, lahat na kung sinuman yung nasa loob, pinakiusapan ko, ‘please maawa tayo sa mga kabataan, maawa kayo kasi ang resulta, talo tayong lahat. We are all Filipinos. Walang winner dito. … Ang worry ko lang dito, itong extremists, sana hindi makapasok sa amin at sana hindi makumbinsi ang mga kabataan natin.
Q. Anong ginagawa ninyo para hindi makapasok?
A. Yung mga Ustadz, lagi naming kinakausap. Sila mismo kasama sa paghaharang at kasama sa pagpaunawa. Ang Islam ay napakasimple. Ang Islam, ang kapatiran, ang lahat, whether you are a non-Muslim, kung anoong relihiyon ka na belong, kapatiran ka
Q. You said kanina kung kayo lang, sana unahin ang implementation ng BBL kasi meron ding another track, ang federalism. Should the implementation of BBL and yung sa MNLF be attended to first before tayo pumasok sa federalism or go together?
A. Oo naman. Pwede naman.. na in place itong BBL, ito yung federalism na tumatakbo. Konting dagdag lang, maging federal na. Nakita mo, di ba? Mas may alam kayo doon sa konteksto ng BBL kasi nakatutok kayo diyan mula noong FAB, naging CAB, naging BBL ngayon then nagkaroon ng transition (commision), then then expanded transistion. Kung in place yan at ito tumatakbo itong federalism siguro makita nilang okay ang BBL, sabihin nila take off tayo lahat.
Q. Pero dapat mauna ang implementation ng BBL?
A. Dapat unahin na para may kapayapaan dito sa atin.
Q. Sa tingin mo, as Governor of Maguindanao, na mangyayari yung kapayapaan na inaasam-asam under the Duterte administration or is this going to be again passed on to the next administration?
A. Ang nakita ko .. kasi meron pa tayong nalalabi para kay Duterte na more than five years at .. laging sinasabi ng President, lagi niyang sinasabi na para sa kapayapaan, may dugo siyang Moro, nakatutok. Lagi yung sa kanya, peace. Kumbaga, kapakanan ng bawat isa especially sa Southern Mindanao. Ako kampante ako makuha yan.
Q. Pag hindi pa, or you don’t see that possibility at all?
A. Kung sino ang susunod, sana bigyan niya kami ng tama na solution at tuloy tuloy na rin mapayapa ang lugar. Ang pangarap lang naman ng bawat isa, kasi biktima ako ng gulo eh..
Q. Ano ang vision ninyo, definition ng kapayapaan?
A. Definition ng kapayapaan, unang-una edukasyon. Kasi pagka edukado ang tao, malayo sa gulo, malayo sa baril. Pangalawa pagkain pangatlo magkaunawaan ang non-Muslim at saka Muslims pati yung nomadic people Dapat kapag ka tumawa, nakangiti lahat, di ba walang away? Ayoko ring maulit yung nangyari. Kailangan if not totally eliminated at least ma lessen ang pagdadala ng baril at continuous ang war against drug and criminality plus corruption.
[Peace Talk is a series of conversations on the Bangsamoro Peace Process with leaders from civil society, government and revolutionary fronts. Interviews with residents in conflict-affected areas in the Bangsamoro are in multimedia format]