(Transcript of President Rodrigo Duterte’s ‘Talk to the People on COVID-19’ on 10 August 2020, released by the Presidential Communications Operations Office)
Presidential Communications Operations Office
Presidential News Desk
TALK TO THE PEOPLE OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
ON CORONAVIRUS DISEASE 2019 (COVID-19)
[10 August 2020]
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Mga kababayan kong Pilipino, a pleasant and safe evening to all of you. Sana nasa mabuting lagay kayo.
Recently we have seen both positive and saddening, saddening — sad — word is saddening — developments in our continuing battle against COVID-19. Although, we are consistently adding to and improving on testing capability as well as enhance our capacity for contact tracing, we have also seen a continuous rise in COVID cases especially in the NCR.
Now, this is what you get. We cannot prevent ‘yung, ‘yung sige criticizing government. Sabi ko sa inyo hindi ko lahat kayo mapigilan. The police cannot be everywhere and anywhere all the time. The military is not part of the governance yet in the matter of using force or at least intimidating you with soldiers. Far from it, we do not have that plan.
But kapag hindi talaga madala and it’s a runaway contagion, mapipilitan ako maggamit ng military kasi talagang kulang ang pulis. Ngayon kung nandiyan ang military to enforce you to obey itong community lockdown, sumunod kayo dahil para sa inyo ‘yan.
Tingnan ninyo ngayon sige kayo labas, dumami ‘yung contamination ang pasa. Ito ang dilemma ko, dito ako between the devil and the deep blue sea. Gusto ng mga doktor na i-lockdown kung may mga infected diyan. The percentage of the people affected in the community is not given any figure kung ilan sila.
Ito namang sa kabila, kailangan natin nang palabasin ‘yung mga tao lalo na sa mga trabaho na kailangan talaga ng bayan — food and everything — and also to move the economy.
Alam mo ang mga doktor sabihin ko sa inyo, ‘pag hindi ko na talaga rin silang mapigilan dahil po wala na akong pera na ibigay sa kanila kaya kailangan sila lumabas para magtrabaho. Iyan ang ano ko. I-lockdown ko, ubos na ‘yung pera na binigay ng Congress. Nabigyan kayo ng ayuda, ‘yung pera panggastos. Wala na ako niyan. Sabi, on your own ka? Totoo. Kailangan lumabas ka para maghanapbuhay para makakain.
So I’m telling the doctors, as much as I would want really to give in to your demands especially in the matter of lockdown — I want it because I do not want the contamination to continue, it’s a conti — it’s a thing that’s running like — it’s a continuing thing. Tapos ito ngayon ‘yung kailangan ko rin bitawan.
So do not be surprised if there’s a rise. One, ‘yung ayaw talagang maniwala. That for any reason they want to go — to get out and I don’t know what they want to accomplish. But if it’s food for your family, medyo tatanggapin ko ‘yan kasi hindi ko na kayo mapakain lahat eh. Noon may pambigay ako.
Kung mayroon lang akong pambigay, ibibigay ko sa inyo araw-araw para mabubuhay kayo, makakain. The problem is the funds are already depleted. Deplete na ang ano natin and kailangan natin nang magtrabaho ‘yung iba.
The challenging — the challenges are daunting but we will not be defeated because we have strong faith in God — totoo ‘yan — and in the resilience of the Filipino people. Totoo rin ‘yan, sanay tayo diyan.
Our National Action Plan against COVID-19 is also strong at ginagawa namin lahat, lahat nang magagawa ginagawa namin para sugpuin itong COVID. But for ‘yung mga rason na ‘yan ‘yung ekonomiya, pagkain ng tao, i-balance mo doon sa lockdown. Iyon na lang ang magawa natin, hinahabol natin.
And then maligayang-maligaya ako kasi ang Russia kaibigan natin ito. Hindi tayo kalaban. Wala tayong away sa Russia. Kaibigan natin. Ang ano nila is magbigay sila ng bakuna. Wala naman silang sinasabi “bayaran mo.”
Ito tingin ko kay President Putin tulong niya sa atin, libre. Kaya ngayon tinatanggap natin at kung ano ang supply mag-usap pa kami kung ilan ang supply at kailangan natin ma — may clinical ano ‘yan, clinical studies na…
Well, mag-injection muna tayo ng iilan tapos tignan natin ang resulta. Ang ano niyan is you will be given the vaccine and ang reaction ng katawan mo kung tatanggapin ba o hindi. Iyan ang ano diyan. So there will be volunteers.
Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin. That’s my…
Sabihin ko rin kay President Putin na tiwalang — malaki ang tiwala ko sa pag-aa — your studies in combatting COVID and I believe that the vaccine that you have produced is really good for humanity.
Kaya ako para ipakita ko sa kanila na nagtiwala ako at hindi sila nagkamali nag-offer, ako pagdating, ‘yung doktor nila o doktor natin, ako ang unang magpabakuna. Tingnan natin kung puwede ba. Kung puwede sa akin, puwede sa lahat.
Ngayon kung hindi puwede sa akin, eh ‘yan nga ang problema eh kasi siyempre bigay — ito libre ito. Kung may nagbigay na… I do not know what country. America, you will have to pay for it actually. The ones who are working on COVID sa vaccine sa America is Pfizer, Johnson & Johnson, ito ‘yung malalaking kompanya. Whether or not magbigay ng libre ang America, wala pa akong… Hindi ko naman sinasabi na hindi pero ang sigurado ko ang Russia.
Maghanap tayo ng Russian partner dito, papiliin sila natin ng tao so that they can work expeditiously. Maganda ang takbo ng kanilang tabang (tulong). We are extremely grateful.
So maraming challenges na — pero malapit na po, maghintay kayo. Actually, ang vaccines they are to be distributed, worldwide na ‘yan by September, October, bibitawan na ‘yan nila dahan-dahan with the clinical studies; and if it’s completed, ilalarga nila ‘yan.
Pero dumaan na ang — dumaan na sa kanila ‘yang ano — the measures that would ensure that it is really safe. Tapos na ‘yan. Kaya lang whether or not it is safe for a particular race, kagaya ng Pilipino or Chinese, hindi natin malalaman unless we go into clinical trials. Iyan ang ibig sabihin diyan.
So ang akin na lang, hintay na lang kayo. Kaunti na lang talaga. By December, sabi ko, in the fullness of God’s time, we will have a, hopefully, a COVID-free December and we can enjoy this Christmas season.
Maghintay lang kayo, nandiyan na. Ang sinabi ko sa inyo noon, vaccine, vaccine, vaccine. Ngayon ang vaccine nandito na. Ito nga, itong may sulat dito, magpapasalamat ako kay President Putin ng Russia.
Pero sabi niya noon, noong nagbisita ako sa kanya, sabi niya, “If you have a medical question mark on anything about medicines or cures, feel free to call me and anyone you would like to be confined and treated here in Russia, we will.” Iyan ang sabi niya, “And we will help you develop the — the medicines that your country needs.”
Sabi talaga niya wala lang follow-up kasi i-check — it would require a constant communication and exchange of ideas, eh napuputol because walang follow-up. I do not think that Russia would renege on its promise. And so I am asking the Secretary of Health to look for the best guy to be dealing the — with Russia in this area, the transfer of technology of the vaccine.
So nandito sa harap ko ngayon ang pagpapasalamat. Hindi ko na lang basahin lahat basta I said na galing sa puso ko nagpapasalamat po ako sa inyo sa mabuting loob ninyo sa Pilipino. And someday we will — makabayad man lang kami sa utang na loob sa inyo. But I promise you that the Philippines and Russia will remain friends forever.
And ako, I do not take sides in the geopolitical struggle. Basta ako, Russia. Salamat po, pipirmahan ko itong… So ito po ‘yung ipapadala sa ano… Then the next thing is I will ask the guy who is gonna deal with them.
Itong contact tracing by the way, bumalik sa akin ‘yung ano — this has to be financed by government. Contact tracing means that ‘yung people who are doing the actual tracing will have to travel to the place where the person in question resides.
Kailangan ito ng sakyan. It’s always a — whatever it is in life really pagka… Ganito na lang, nandito man si Secretary Año, magpahatid na lang kung anong — anong sakyan diyan sa pulis ‘yung area na ‘yan, doon siya sumakay. Doon sila sumakay. Ihatid sila ng pulis doon sa boundary. Beyond that, ibang pulis na naman ang magsasalo sa kanila para hanapin ‘yung tao. Because the police have the — the resources there pati ‘yung barangay captains na malaman nila kung saan ito nakatira.
That would be the fastest way of doing the tracing kasi… Pero kung may pera at may sakyan, the better, hindi ko na mamolestiya ang pulis. Pero kung wala, then the police has to sacrifice and contribute to the solution of the problem now. Iyon ang ano ko.
Mga pulis ko, tutal wala kayong masasabi sa akin. Full support ako sa inyo at ‘yung mga kaso ninyo na duty-connected, huwag kayong mag-alala sabi ko, dedepensahan ko kayo. And for those — maghintay lang kayo, basta tutulungan ko kayong lahat.
At hinihingi ko sa inyo, tumulong lang kayo rin sa ating bayan. Walk the extra mile to help our country.
At sa ating mga kababayan, hintay ka lang. Nandiyan na ‘yan. Pagdating niyan, ako ang mauna. And then, I’m sure that it will be good for me and for us. Maraming salamat po. [applause]
Yes, sir? Na-suffocate ako.
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Opo, Mr. President. Ire-report ko lang po itong importanteng instruction po ninyo last week sa akin. Ito po ‘yung tungkol sa mga application ng telcos, ng mga telephone companies.
Apat po na kompanya ang nag-apply po ang Touch Mobile and Globe Telecommunication, Smart Communication, ang Dito Telecommunity Corporation at ‘yung mga iba pang maliliit na mga kompanya katulad ng Huawei at iba pang mga kompanya.
Sa utos po ninyo ay inimbentaryo namin ‘yung lahat po ng LGUs kung saan po mayroong pending application for 2020. Limampu’t limang probinsiya at 25 cities, so bale 80 LGUs. Total po ay 1,930 applications. Na-approve na po ay 1,502. Ang natira na lang po ay 428 na pending application at ito po ay babantayan namin para siguradong hindi po magtatagal dahil sa lumang sistema, 241 days, 19 permits at saka 86 document requirements. Ngayon po sa ating bagong sistema po na ipinapapatupad ninyo, 16 na araw na lang, 16 days, at walong permit na lang po ang kailangan, requiring 35 documents.
So sa loob po ng susunod na linggo ay babantayan ko itong mga pending na ito at sisiguraduhin po natin na dapat maaprubahan at kung hindi man, dapat malaman natin ang dahilan bakit hindi naaprubahan. So bibilis po ‘yung ating proseso sa application ng telcos.
Ang pangalawa pong instruction po ninyo, ‘yung pagpapalabas ng — ng preventive suspension sa mga barangay captain na nagkaroon ng mga malversation, corruption, estafa at iba pang mga graft- related anomalies dito po sa pagdi-distribute ng SAP.
Ang atin pong CIDG ay nakapagtala ng 155 criminal complaints. At ako po ay nakipag-ugnayan kay Ombudsman [Samuel] Martires at ang kanyang opisina at nai-submit na po namin itong mga kaso na ‘to, at within the week po ay inaasahan namin na initially ay limampung barangay captain ang magkakaroon ng preventive suspension habang iniimbestiga po ng Ombudsman ang administrative aspect ng kanilang mga kaso.
So ito po ay mayroong 13 sa NCR; 13 sa Region I; dalawa — 10 sa Region II; tatlo sa Region III; at 11 po sa Region IV-A, total of 50 barangay captains. Ito po ‘yung initial at ang mga iba pa ay isusunod na lang po sa patuloy na pag-iimbestiga ng ating Ombudsman.
So iyon po ‘yung dalawang importanteng instruction na binigay niyo po sa akin last week at nagawan po natin ng aksyon.
PRESIDENT DUTERTE: Kindly include that — insert that in the — in the talk sa programa. Importante kasi ‘yan malaman ng mga barangay. I’d like to thank Secretary Año for his work in going after corrupt officials.
Sabi ko na nga, ulitin ko, the reason why ang mga telco nahihirapan kasi ‘yung pa — ‘yung mga tower nila hindi — it’s not being acted upon, and there are so many requirements that are being asked by the local government officials.
Ngayon, ‘yung mga nahuli, talagang magdusa kayo. Sinabi ko sa iyo, I can — I have never been serious as I can ever be in my life, huwag kayong magkamali talaga ito hahabulin ko kayo hanggang preso. Malalaki ho ang parusa ng graft and corruption.
Huminto kayo at huwag ninyong pahirapan ang — ang Pilipino, not the government. Kayo ‘yung nag-ano ng… Walang service, mahirap dito kasi hindi sila makapagtrabaho. Walang tower, marami kayong hinihingi and any — any permit for that matter. Mga — sa local, conversion.
You know, a delay of 200 days is totally unacceptable to me. I have been a prosecutor sa Tanodbayan noon wala pa ‘yang Ombudsman at ‘yan ang gusto ko talaga. My training at least involved a lot of prosecution of criminal cases in court sa corruption.
So ‘yan ang ano ko ngayon, maligaya ako sa trabaho ni Secretary Año. Talagang ipahabol ko kayo at saka walang pakiusapan. No mercy ako either supporter kita, tumulong ka sa eleksyon. Sinabi ko sa inyo ang pinakatulong na magawa mo sa akin is huwag mong pahirapan ang gobyerno to act, and these are the projects of government.
Although hindi ang priv — pribado na kompanya na gumagawa the actual building of tower, it is still a project of government. They are commissioned and paid by government exactly to do what they are supposed to do, to building the towers, to having a subdivision, getting a conversion sa council. Karamihan niyan city and municipal council. Do not give me that s*** na abutin kayo, kung hindi idemanda ko kayong lahat.
You know, to schedule sa… By the time it reaches your table, the vice mayor should table it the following — the following hearing, city council hearing. And after that… What is your objection? Wala naman kayong objection diyan. Cancer na — ? Maniwala ka diyan. Ako nga sabi ko malapit ako, tanungin mo ‘yang mga dito — taga-rito, malapit ako sa tower. Nakikita ko ‘yung pula na parang blinker.
Kaya ako talaga ‘wag kayong magkakamali itong — itong PhilHealth. Sabi ko yayariin ko kayong lahat, maniwala kayo. Iyong mga inosente naman, wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working. Pero iyong…
Ngayon ito, nakalusot kayo sa ibang maybe presidente o ano pero dito sa akin, sadsad talaga kayo, maniwala… And with the help of mga Cabinet members ko, hindi na lang — hindi ko na lang ipagyabang but these are people also… Simple lang. Why? Why are they really helping me to get rid of you? Kung maaari lang patayin ka? Alam mo bakit? Because simply they love their country.
Kung wala ‘yang trabaho namin dito sa Pilipino, wala, it has no meaning. For the fact that they are here because they want to help their country. Ano — ano ba? Ilan lang man ang suweldo nito? Eh si Secretary Lopez could go to the private sector, he can get 10 times the salary he is getting. Ganoon rin si General Galvez, si General Año.
Makahanap ‘yan sila o mag-negosyo sila, tutubo pa ‘yung pera nila but the fact is that they are also sacrificing. Ilan lang man ang suweldo nila? Baka akala niyo milyon, milyon kami dito. Pinakababa ako, Presidente. You know — oo, totoo. How much? It’s 194.
Nagko-commute pa ako Davao-Manila. Dalawang asawa. Oo, totoo man ‘yan so… Eh alam man ninyo. Noong nagkampanya ako, I was very honest with you, I said I have two wives. So when you have two wives, you have two families. Eh paano? Hiniwalayan… Talagang… Iyong isa naman… So…
— END —