DUTERTE TRANSCRIPTS: Talk to the Nation on COVID-19. 23 April 2020
(Official transcript of President Rodrigo Duterte’ ‘Talk to the People” on COVID-19 on 23 April 2020, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Operations Office)
Presidential Communications Operations Office
Presidential News Desk
TALK TO THE PEOPLE OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
ON CORONAVIRUS DISEASE 2019 (COVID-19)
[April 23, 2020]
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE: Magandang gabi, Mr. President, Mayor Rodrigo Roa Duterte, mga Kalihim at buong sambayanang Pilipino.
Naatasan po ako ng ating Pangulo na basahin sa inyo ang rekomendasyon ng inyong IATF. Ang unang rekomendasyon po ay kinakailangan mag-approve ng minimum health standard na ipatutupad po simula ng April 27, 2020. Ito po’y magiging applicable sa lahat ng ECQ.
Itong mga guidelines po ay dapat matapos by April 25, 2020. Ang gagawa po ng guidelines — ang mamumuno po dito ay ang Department of Health at siya ang bubuo ng guidelines para po sa mga hospital, para po sa testing at para sa hygiene. Ang DOTR naman po ang magre-recommend ng guidelines para sa public transportation. Ang DTI naman po ay bubuo ng guidelines para sa mga employers. Ang DOLE po ang magbubuo ng guidelines para sa mga manggagawa at ang DPWH ang bubuo ng guidelines para sa infra construction.
Ang desisyon po pagdating sa ECQ pagdating ng Mayo 1, 2020: panatilihin po ang ECQ sa NCR, Region III, Region IV-A and all other areas kung saan mataas pa po ang banta ng COVID-19 hanggang Mayo 15. Magkakaroon po ng re-evaluation pagdating po ng May 16.
Ang mga probinsya po na mananatili sa ECQ: National Capital Region, Benguet — pero pupwede pong mabago ‘to by April 30 — Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Albay, Catanduanes, Antique, Iloilo — bagamat meron pong to recheck itong Antique at Iloilo — Cebu at Cebu City, also subject to rechecking. At sa Mindanao po: ang probinsya ng Davao del Norte at Davao City.
Ang lahat po ng probinsya na hindi kasama dito sa mananatili ang ECQ ay mapapasailalim po sa new normal na tinatawag na general community quarantine. Ganunpaman, dito po sa mga lugar na mapapasailalim ang general community quarantine may mga areas po na moderate na naka-orange. Ang ibig pong sabihin nito mag-e-evaluate pa po kung ano ang mangyayari dito sa mga lugar na ‘to kung magkakaroon nga ng general community quarantine o mananatili ang ECQ. Ito po ang para sa mga probinsya ng Abra, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Marinduque, Camarines Sur, Aklan, Capiz, Samar, Western Samar, Zamboanga Del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao.
Iyong mga areas naman po na low at moderate ay mapapasailalim nga po sa GCQ, ang new normal. Iyong mga moderate na areas po ay ang mga probinsyang Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Davao del Sur, Davao Oriental, Sultan Kudarat, Lanao del Sur. At ‘yung mga low po na areas na mapapasailalim din sa general community quarantine ay mga probinsya ng Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Ilocos Sur, Batanes, Quirino, Aurora, Palawan, Romblon, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Guimaras, Bohol, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occidental, Sarangani, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan at Sulu.
Ano po ang recommendation sa mga areas under general community quarantine? Ito po ‘yung mga lugar na hindi na mapapasailalim sa ECQ. Pupwede pong magtrabaho ang mga manggagawa sa sector I, II and III. Ito po’y gagawin on a work in phase. Iyong mga bata po edad 0 hanggang 20 at ‘yung mga matatanda 60 and up and high health risk, mananatili po sila sa kanilang mga tahanan.
Papayagan po ang mall opening covering non-leisure shops, papayagan po ‘yung mga priority and essential construction projects na mag-resume. Papayagan po ang non-workers to go out to buy goods and services except those pertaining to sector category IV, ‘yung leisure at mga kabataan. Papayagan din po ang public transport na mag-operate at reduced capacity at ang LGU po to enforce curfew at night doon po sa mga hindi manggagawa.
For GCQ areas, general community quarantine, iko-consider po ang reprioritizing ng SAP cash subsidy towards ECQ areas. Ibig sabihin ‘yung SAP po na para sa areas na hindi na po under ECQ siyempre po ‘yung cash subsidy kinakailangan pag-aralan na ibuhos doon sa mga areas under ECQ pa rin.
Iyong mga GCQ areas consider to allow na po ‘yung high school — higher education institute (HEI) school year to finish and give credentials to students. Sa ECQ and GCQ areas, bubuksan po ang mga paliparan at ang mga puerto para sa mga goods lamang.
Iyong option po to shift to GCQ sa mga moderate- to low-risk area by industry, nagbigay po sila ng rekomendasyon na 100 percent opening para sa agrikultura, fishery, forestry, sa food manufacturing at lahat po ng supply chain including (ink?) packaging raw materials, sa food retails, supermarket, restaurant, restaurant for takeout and delivery only, mga hospital, logistics, water, energy, internet, telecoms, media.
Iyong option naman po sa GCQ sa moderate- to low-risk area by industry ang rekomendasyon po ay buksan from 50 to 100 percent opening: iyong other manufacturing po gaya ng electronics and exports, ‘yung e-commerce and delivery for essential and non-essential items, ‘yung repair and maintenance services po, housing, and office services.
Iyong option po to shift to GCQ in moderate- to low-risk area by industry consider po na buksan hanggang 50 percent onsite work and 50 percent work-from-home: mga financial services, BPO, other non-leisure wholesale and retail trade, other non-leisure services.
Iyong option po sa low-risk to moderate areas na buksan by industry consider for 100 percent closure maski po low to moderate risk consider for 100 percent closure pa rin dahil po ang mga transmitters ay kabataan mula edad 0 to 20: lahat ng eskwelahan, i-consider po ang late opening sa Setyembre except po sa online learning; ‘yung leisure, amusement, gaming and fitness; ‘yung kid industry na tinatawag; turismo; all gatherings including religious, conferences at iba pa; limited opening po ng malls; at limited opening ng construction. Iyan po ang rekomendasyon ng inyong IATF. Maraming salamat po.
PRESIDENT DUTERTE: Maraming salamat Presidential Spokesman or the new spokesman of the government sa Executive department.
[Alam mo (wears face mask) — eh wala tayong magawa ito kita mo Navy itong naga-ano… Wala tayong kaya sa Navy may mga barko eh. Bangka lang ‘yung akin sa Davao. I have to do it because everybody is doing it, it’s wearing a mask.]
Ni ako mismo hindi ako — I cannot guarantee or anybody else for that matter in this table na hindi tatamaan. We are all at risk. But do not increase the odds or the chances of getting it.
I never said “I will declare martial law” kasi ‘yung martial law ho para lang ‘yan sa mga rebelde, para sa mga komunista. Now let me be very clear on this, if itong lawlessness which was imposed on us by the NPAs for the longest time, 53 years — maski saang probinsya may NPA.
Kanina o kahapon, dalawang army nag-escort para i-deliver ang supply sa mga tao pati pera pinatay ninyo. If that is not lawlessness, what is that? Tell me.
Kaya ngayon, ‘pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon and it’s happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA ang numero uno. Kinukuha ninyo ‘yung mga tulong sa tao pati ‘yung supply pagkain nila.
Kaya I am now warning everybody and putting notice sa Armed Forces pati police, I might declare martial law and there will be no turning back. Kung ano ang martial law na klaseng gagawin ko akin lang ‘yan. Pero kung gusto ninyo kasi pinagpapatay ninyo ‘yung mga sundalo ko pati pulis na wala namang ginawa kung hindi samahan lang ‘yung nagde-deliver ng pera pati pagkain… Ang utos ko sa kanila patayin — patayin kayo? O di patayin ninyo sila. Lahat na. Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you.
Pati kayong mga legal magtago na kayo. Huwag ninyong sabihin p****** i** na wala kayong… You know, you’re a b***s***, you’re the legal fronts. Sa inyo kumukuha kayo ng pera. Ang mga negosyo dito na malalaki sa Pilipinas, nagdedeposito ng pera ‘yan sa bangko, sa account ninyo. Kinukuha ninyo ‘yan. Iyan ang totoo diyan kaya nabubuhay ‘yang NPA. Pati pa ‘yung extortion niyo doon sa labas.
Marami kayong pera. Alam mo ang gobyerno ayaw niyan. Government is very jealous. There is only one entity who can collect taxes. It’s government. And that money must be put to good use. Well hindi naman kami — kung hindi ka makabayad, wala naman kaming pinapatay. Eh kung wala talagang ikabayad, anong gawin natin? Wala naman kayong nabalitaan nakulong.
So we do not do that. But do not force my hand into it. Kay kung hindi, ‘pag martial law, lahat kayong mga legal fronts magtago na kayo. Magtago na kayo. Huwag ninyo akong bolahin. Galing ako diyan.
Alam mo ‘yang Karapatan noon, ang unang — ang predecessor na tinatawag nila was the Committee of Justice, Freedom, and Democracy.
In Davao City, I was a fiscal but I was handling the Karapatan noon sa Davao. For the reason na — hindi ko nagustuhan ‘yung klaseng pamaraan sa gobyerno.
It was a dictatorship and it was not really… Hindi naman tayo — sinira ang demokrasya. Kaya kung sabihin ninyo na sisirain ko ang demokrasya, hindi.||| |||buy prevacid online with |||
Lili — lulutasin ko ang demokrasya sa inyo. You made it impossible for me to move. At gusto ninyo ipasok muna ‘yung mga demand.
Ayaw naman ng military. Ibinigay ko sa military ‘yung papel ninyo. Sabi ng military, ayaw nila. Sabi ko, “Ano? You explain to me bakit.” So I gave them about two hours explaining to me bakit. “Bakit hindi pwede ‘yan?” “Eh ganito ‘yan sir eh.”
Sabi ko, “Sige, naniwala ako sa inyo.” And I’m calling the Armed Forces to invent something more — to innovate so that my — the soldiers will not be at the mercy of ‘tong…
‘Pag dalawa lang ‘yang sundalo, kawawa naman. Magdating ‘yan diyan, they will just swoop down isang — 10, wala talagang laban. Kaya sabi ko at this time, the Armed Forces should go into innovations.
Huwag kang — sabi ko huwag kang mag-surrender ha. Kayong mga NPA — do not ever, ever raise your hands. Kasi ang order ko kung lumaban ka, lumaban ka na. Wala, huwag kang mag-surrender.
Well, napunta tayo diyan kasi galit ako kasi pinapatay ninyo ‘yung tulong sa tao. Now ‘yung tulong sa tao will continue. We will not reduce the volume at this time but we are running low of funds.
Secretary Dominguez might want to tell us what he is doing and planning to do so that we can have the — level off the money supply so that we can maintain our assistance to everybody.
Sonny, Tagalugin mo na lang, Son.
DOF SECRETARY CARLOS DOMINGUEZ III: Maraming salamat, Mr. President. Ang katotohanan po ang budget natin para sa 2020 ay P4.1 trillion.
At so far, ang nagastos po natin is already out sa — for this COVID is — na hindi natin plinano ay P352.7 billion na. At masasabi ko po na so far ang na-finance natin — na itong amount na-finance natin partly sa tax collection pero bumababa na ho ‘yung tax collection natin.
Ang balanse fininance (finance) ho natin sa sarili nating savings at humiram pa tayo ng pera sa ano — sa mga multilateral agencies kagaya ng ADB at World Bank.
So so far ho, supisyente po ‘yung cash natin pero naiipit na po tayo sa budget allowance natin.
So ‘yan po ang ano ang problema natin ngayon. May cash ho tayo pero may — wala ho tayong authority gumastos ng ganun kalaki.
So we’re making sure na lahat ng gastos natin ay number one, for the benefit of the — ‘yung pinakamahirap sa bayan natin at rinereserba ho natin ‘yung balanse para sa mga Build, Build, Build projects natin para nang ‘pag natapos na itong COVID, may pera tayo pang-invest sa Build, Build, Build ho.
At saka, we will create jobs and we will create business opportunities with that. Thank you ho.
PRESIDENT DUTERTE: Actually what Sonny is telling us is that there’s money for now. Because alam mo ‘yung budget nga natin ‘yung ginawa last year to be implemented now, walang COVID diyan. Sa Department of — DSWD, Highways, Department of Trade and Industry ‘yan, Health, ayan naka-plantsa na ‘yan.
So ngayon pagdating ng COVID, tanggalan ko ‘yan ng mga proyekto dito sa Highways. ‘Yung highway diyan, wala na muna ‘yan. Sabihin ko, sabihin ko kay Tugade, “Huwag na muna ‘yan. Minus ‘yan, minus.” Lahat para makapag-ipon at kinuha na ‘yung budget na ‘yung regular budget sana kung walang COVID, it was going smoothly to be implemented a year.
But because of the COVID, ‘yung first and second, third quarter, alam mo wala ‘yang pera. Sabi ko hangin lang ‘yan, ‘yang sinasabi ni… Isa pang itong walang alam na ugok ito si Trillanes. Nagsasalita ng trillion-trillion. Trillion na hangin. Trillion of cubic meters of air in your head and it is too tight that is why para kang buang nagsasalita ka ng trillion.
Kaya ikaw ‘yung… P***** i** pa-rebelde-rebelde ka pa diyan. Hindi ka pala marunong eh. Kita mo kung nanalo kayo, ano ang mangyari sa Pilipinas? Puro porma, puro hambog, puro hamon.
At batukan — batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko, sampalin ka. Ang driver ko lang ang utusan ka kay andiyan ka lang. Ang tingin ko sa iyo ka-level mo driver. Ulol.
‘Yan. So ‘yan ang atin ngayon. Kinukuha na natin ‘yung mga projects this year. Wala na sabihin “kalimutan mo na muna ‘yan”. That was prepared. Preparado na ‘yon. Eh dumating COVID. Ah wala, ito, ito, ito.
But we are making sure — and Sonny has said earlier in the previous meeting — that if the funds are not sufficient, they will have to borrow.
Then if the borrowed money is not enough, then we have to sell the assets. ‘Yang Cultural Center maraming — sinong mayaman dito na karguhin ‘yang mansion? Iyo na ‘yan. Magsalida ka araw-araw diyan mag-isa.
Lahat, lahat ng lupa ipagbili ko para itulong ko sa tao kasi — kasi ho… Why am I talking this way?||| |||buy zoloft online with |||
You know why? There is no telling how long, gaano katagal itong COVID sa buhay natin.
Kaya lang the — at least one of the redeeming factors now… Hindi pa man nga sila nag-succeed but they are working at it. Nandiyan sila, punong-puno ‘yang kamay nila sa trabaho and they are working, and there are signs that they will succeed.
Sabi ko sa’yo sa oras lalabas ang vaccine, i-lift ko. I-lift ko kaagad. I-lift ko, wala na — wala ng seremonya. Huwag na kayong maghintay basta ‘pag sabi may vaccine.
And by the way, ‘yung 10 million ko na sa ating mga scientists dito sa Pilipinas, ‘yung mga doctor, mga ano natin — the bright Filipinos who are there working day and night trying to find out how to combat COVID, I’m raising the bounty to 50 million. Fifty million ho ang ibigay ko sa grupo because it is a collegial thing, hindi naman sa isang tao, ah 50 million. Baka ‘pag sa ligaya ko, another 50 million.
So that’s — ‘pag ka may — nandiyan na, kung maligaya ako… Kung maligaya ako masyado di 100. Puro kayo milyonaryo.
Eh huwag kayong mahiya tanggapin ‘yan, tutal sabihin, “Mayor, ginawa namin ito para sa bayan.” Sabihin ko ito, “Ito isauli ko ito kay Dominguez. Gusto ninyo? Hindi na ito maibalik.” “Ah sige, sige, Mayor.”
Kayong mga bata, you have to put the money into good use. Basta ako ngayon 50 million ako kung ang Pilipino makakuha ng…
You know, ‘yung alam ng Amerikano, ‘yung mga puti, ‘yung sa Europe, alam rin ng Pilipino ‘yan. So pabilisan lang ‘yan.
That is why I said I’m — if… I’d like to ask the — do they need to — funding to continue working, sir? Itong mga scientist natin working at the vaccine thing. Do they need a funding?
DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Iyon pong PCHRD which is I think attached to the Department of Science and Technology, meron naman po silang pondo para sa pagpapatuloy na pananaliksik o research for vaccine production.
But I’m not sure if this particular vaccine that they are developing is specifically for COVID-19. Aalamin ko pa po kung isinama na po nila ito sa kanila pong kasalukuyang research work.
PRESIDENT DUTERTE: Well anyway, whatever it is, as long as they are working on the — to find out, to discover COVID, it does not really matter to me. What matters to me is the — is the [let me use that] — is the dedication, dedication and the load of work that they are performing.
So kung kailangan nila ng additional funding, all they have to do, I’m announcing it is… Magsabi lang sila sa iyo and I’d be glad to — kung hindi masyado malaki, I said ipit tayo sa pera, I will readily give it to them.
I’d rather spend all of our money in connection with COVID: discovery, assistance, lahat. Kaya dito nakatutok tayo. Every time that we meet, ladies and gentlemen, hindi tayo lalabas sa COVID. COVID lang tayo. Huwag tayo mag…
Ngayon nagsalita ako ng komunista at itong mga p***** i**** mga komunista dito kasi ang sa COVID na mangyari, maraming gutom, maraming hindi nakakain, maraming hindi nakakatanim so walang pera. That is why papasok ang gobyerno, tulungan sila.
Kaya naman pinagbabaril nitong mga p***** i**** NPA na ito kaya napunta tayo doon. But that is COVID-connected because nagkasakit o hindi makapaghanap-buhay because of COVID.
You have to connect. Hindi ‘yang sabihin mo ramble on. Ito mahilig itong mga g*** magsabi try to — to ramble on to some other matters and mumble.
Alam mo ganito. Itong mga p***** i****… Y*** p***** i** mo, hindi pa mamatay itong mga p***** i**** ‘to. Narinig ninyo ‘yun? I was mumbling.
Basta. I am just putting notice to everybody dahil itong komunista, itong komunista malaki ang gastos natin. Do you know how much we spend? Sa isang putok lang, marinig mo man ‘yan. Brrrrttt. Isang putok niyan 35 pesos. T*** i** ninyo. ‘Yung 35 ilang brrrtt, brrrttt. Ilang sundalong brrrttt, brrrttt ‘yan?
Abu Sayyaf pati kayong mga komunista. Ilang 35 pesos ‘yan? ‘Yang bala ninyo ‘yon ‘yung bala ng mga sundalo na pinatay ninyo. Kaya ginagamit ninyo pera ng tao pagpatay ng sundalo. Kuha ninyo?
‘Yung mga mortar-mortar ninyo, those are the armaments and equipment na nakalkal ninyo sa mga patay na sundalo.
‘Yan ang… ‘Yang pinaputok ninyo pati pinaputok ng sundalo pera ng tao ‘yan. But you are not the government. Sige.
‘Yan ang history ng COVID. You will always be a part… Someday, if we will write a narrative of the COVID, nandiyan talaga kayo sa isang chapter sa —p***** i** para sa inyo. And see how you punish the Filipino people for your ideology.
Kayong mga NPA na ano nakikinig, sumurender (surrender) kayo. Kagaya ng ginawa ko sa Mindanao. May — bibigyan ko kayo ng bahay, bibigyan ko kayo ng hanapbuhay. Huwag kayong — huwag ninyong agawin ‘yang assistance diyan sa… Kaawa naman ‘yang tao. Pagkain nila ‘yan kunin niyo, wala na. Para na ring pinatay mo ‘yung mga pamilya diyan sa mga lugar na hindi maabot ng sundalo.
Ang nakakarating diyan iyong mga ano lang, eh walang armas ‘yung mga DSWD. Pero iyong mga escort pinapatay niyo and that’s why I’m asking the Armed Forces now and the police, to reconfigure kasi marami na akong patay — to reconfigure how to go about escorting the health workers.
Pakinggan natin si Department of Trade. Iyong dahan-dahan na pagpasok ng ibang sector ho. Mag-Tagalog na lang po kayo.
DTI SECRETARY RAMON LOPEZ: Ah okay po. Dito po tungkol sa ECQ? Sa quarantine?
PRESIDENT DUTERTE: Oo. Iyong — ‘yung ease — you ease up the quarantine to allow certain sectors.
SEC. LOPEZ: Oho.
PRESIDENT DUTERTE: Ikaw ho ang nakaalam niyan. You know better than us so…
SEC. LOPEZ: Opo. Mr. President, ang maganda hong nangyari ngayon even under the enhanced community quarantine, para po hindi tayo magkaroon ng kakulangan sa pagkain, ipinagpatuloy ang pag-supply ng food production, ipinagpatuloy ang paggawa ng mga pagkain.
Tulad ho nung mga canned sardines, gatas, instant noodles, iyong mga basic manufactured products para parating marami hong supply sa grocery and supermarket dahil po kahit community quarantine, ito po’y mga in-allow na mag-operate.
So in-allow po ang food production, in-allow po ang mga essential products tulad ng sabon — for hygiene, sabon, shampoo pati ho ‘yung — essential din po ‘yung mga alcohol para ho sa mga panahon ngayon.
‘Yung iba hong hindi essential products, hindi ho muna natin pina-operate in keeping — dahil po gusto po natin ang mga taong bayan as much as possible nasa bahay. Kaya ho piling-pili lang ‘yung pinayagan natin, iyong doon lamang sa makakatulong sa food availability. Hindi tayo magkaka-shortage.
Kaya ipinapaalala natin sa taong bayan na huwag magpa-panic dahil kahit ho naka enhanced community quarantine ay napakadami ho nating pagkain, iyong supply.
In fact, dahil ho sa pagmi-meeting ng ating IATF, eventually ina-allow po natin kahit lagpas 50 percent iyong skeletal workforce. Hindi na — hindi na skeletal workforce na 30 percent lamang ang allowed, kailangan more than 50 percent, ibig sabihin maraming tao. Para ho ang ating production rate umabot sa 80 to 100 percent. So para hindi magkaroon ng shortage.
Pangalawa ho, iyong ating mga finished goods inventory, iyong mga gawa na na produkto ay more than two weeks, dalawang linggo ang equivalent, hindi tayo magkukulang. At iyong raw material na ipo-produce pa lang para gawing finished goods, mga 45 days, lagpas sa isang buwan. So ibig sabihin ho marami ho tayong pagkain.
So iyon po iyong mga — iba sa mga ina-allow ngayon na — dito sa environment ng ECQ, food products, essential products. Allowed din po siyempre iyong iba hong operations tulad ho nung mga bangko para ho may — iyong mga gustong mag-withdraw sa ATM ay mapa — ia-allow po iyon.
Siyempre po agriculture products, doon magsisimula iyong pagkain, allowed din po ‘yung mga ganitong activity. Ang naka — naka-bitin na lang po ay iyong sa construction. Iyon po ay pag-uusapan pa moving forward.
Pati ho iyong sa mga SMEs, iyong mga malls. Kasi ho ‘pag iyon ho maramihan kasi kaya worried din ang — ngayon po ‘yung grupo natin kung i — io-open na ho ba natin ito dahil contrary ito doon sa gusto nating mangyari na panatilihin sa bahay ang mga taong bayan. Pero ho ito ho ay pag-uusapan pa.
Iyong mga iba hong mga essential activities ho ina-allow naman po during the — during the enhanced community quarantine.
Ang isa pa hong sinisigurado natin ay ang pricing. Wala hong profiteering or wala rin ‘yung nagsasamantala sa hoarding. At diyan po nagsama-sama po ang DTI, ang PNP, CIDG, NBI, DA at saka DOH. Diyan po marami. Over 500 na po ang ating mga nahuhuli, oo — na mga profiteers at mga hoarders kaya babala ho talaga ‘yan.
Isa pa hong magandang nangyayari ngayong ECQ ay iyong ‘yung mga manufacturers natin nare-repurpose. Iyong mga dating hindi gumagawa ng mga face masks, or hindi gumagawa dati ng mga personal protective equipment, ngayon ho ay gumagawa na sila.
Tulad ho nung mga masks na suot natin ngayon ay ‘yung iba ho diyan ay ginagawa na nung mga manufacturers natin ngayon. Kahapon lang ho — kahapon lang ho ay in-allow po natin, nag-turnover tayo ng 10,000 pieces ng — ng PPEs out of the 300,000 na PPEs at iyon po ‘yung donation po ng San Miguel Corporation para ho sa PGH. Tinurnover po natin sa DOH. So 10,000 po iyon out of the 300,000 na ipo-produce pa para sa ating mga health workers.
So meron ho tayong mga manufacturer na shinift (shift), inilipat iyong kanilang production para maka-produce ng mga masks, PPEs, pati ventilators gagawin na. Mga sampung kumpanya na ang mai-involve dito sa repurposing iyong manufacturing. Ibig sabihin magpo-produce na sila nung mga critical products na kailangan ngayon.
And moving forward lang po, last two items. Marami ho tayong pine-prepare na tulong sa MSMEs, micro SMEs, lalo na ‘pag na-lift na ‘tong ECQ. Nandiyan ho iyong pauutangin sila, low interest rate, doon po sa inyong programa na P3, “Pondo sa Pagbabago at Pagasenso”. One billion po ‘yon, nakalaan doon.
At sa tulong po pakikipag-ugnayan sa DOF, sa Land Bank and DBP, another — maybe around 30 billion na pwedeng ipa — ilaan din para sa mga micro SMEs. Kasi iyong micro SMEs pahihiramin po para meron silang working capital pagka ire-restart natin iyong economy.
Kasi aside from the MSME, iyong isang tulong ay iyong sa wage subsidy sa worker na ni-release po ng SSS, BIR at DOF. So para talagang matulungan sila sa pag-restart ng economy.
And lastly, dahil po sa Bayanihan Act ay nagkaroon po ng grace period. Hindi muna babayaran ‘yung loan at grace period ho pagdating sa renta. Iyon po ‘yung inyong kinover (cover) para ho wala dapat paaalisin na umuupa sa residential pati iyong renta sa — ng mga micro SMEs sa mga commercial places.
So marami ho tayong pinrepare (prepare) na programa para ho sa micro SMEs. Thank you, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: Salamat, Secretary Lopez. We’ll wind up with the three speakers from Secretary DAR, still about food supply, then we go to the health aspect.
DBM SECRETARY WENDEL AVISADO: Thank you, Mr. President, fellow Cabinet members.
Ang pinag-uusapan kasi natin dito iyong pondo ‘no. And our budget for this year is finite. We are only pegged at 4.1 trillion. Out of which ang antemano kaagad na, automatically appropriated doon ay 1.249 trillion. Tapos iyong 2.8 trillion iyon ‘yung new appropriation.
Para saan ‘yang new appropriation? Iyon ‘yung ibinibigay natin personal services, MOOE, financial expenses at capital outlay. Now, hindi naman natin ine-expect itong COVID. Bigla na nga lang dumating.
Dito po sa capital outlay, nahahati po ito sa dalawa: iyong for comprehensive release at saka ‘yung for later release.
Iyon pong for comprehensive release, hindi po natin pwedeng galawin antemano ‘yan kasi automatically released na ‘yan sa mga province — sa mga government agencies and departments — at saka iyong mga IRA at saka ‘yung debt servicing natin.
So antemano ang pwede lang nating galawin, which we have done, is 397 billion more or less. Ito ‘yung capital outlay ng mga departments at saka nung Congress-initiated ‘no. Eh sa ngayon, ang nagagamit na natin, 352 billion na.
So kaunting-kaunti na lang ang natitira. And we are not even sure na ito ‘yung — ang nasa always at the back of my mind also dahil ako parating nasisisi pagka natagalan ‘yung release at saka may nagagamit na hindi daw dapat gamitin.
But where else, sir, can we go? Ito talaga ‘yung sitwasyon na eh. And that therefore, ang sinasasabi lang natin, i-consider natin ‘yung possibility of second wave. Kapag nag-second wave, paano ‘yon?
Nag-usap kami ng EDC with NEDA and DOF and we have to come up with a forward planning on what will be the direction. And that would require a lot of funding. The new normal should allow us to provide more jobs to the people para maging productive sila.
PRESIDENT DUTERTE: Iyan ang hindi naintindihan ng tao, karamihan, is that ako ho, dependent ako sa Congress. Powerful nga ang Presidente, lahat. Ang Congress, sila lang ‘yan pati ‘yung empleyado nila diyan sa Congress lang. Iyan lang sila.
Pero itong Congress, especially ‘yung Lower House, ika nga sa English, they hold the purse. Ibig sabihin hindi ako makagastos ng pera hanggang hindi sabihin ng House, then approval by the Senate. Pero manggaling talaga sa House na ‘sige, bigyan ka namin ng 300 billion na hangin para magamit mo.’ Iyong 300 million, kokolektahin pa po ‘yan. Wala hong ready money na sabi mo nandiyan.
Iyong sinabi kong 300 na itinago ko, savings ‘yon sa gobyerno na sinabi ko kay — noon, it started — [Kailan ba ako nag-umpisa?] — 2015, nag — ah, ’16, nag-ano na kami ng pera. Dahan-dahan lang. Kakaunti-kaunti. Savings. Parang alkansya ‘yan. “Mag-alkansya ka, Son.”
Kaya mayroon na kaagad akong ready. Pero ‘yon naman was not really for the purpose of spending for the COVID because wala pa naman ang COVID noon. It was a non-existing alien and hindi natin alam.
That was intended na sabi ko, “Son, before I go out, makita naman ng mga tao na may — may — ang pera na hindi na ‘yan ginastos nang kung todo-todo nag-save tayo.” That was my only purpose actually.
Ngayon, nandoon ang COVID. Now, dito ‘yung sinasabi ni Wendel, tama ‘yan. Mag-appropriate ang Lower House — House of Representatives, ‘yung mga congressman, hindi ‘yung senador. Manggaling sa kanila mga congressman, mag-appropriate sila ng pera, bigyan ako ng authority na gastohin ‘yon kung ma-approve na rin sa Senado. Ang problema kung may pera ba kasi ang koleksyon nandito sa akin. Nandito kay Sonny. Tapos tanungin siya, ‘May pera ba diyan?’ Sabi, ‘Meron ho dito na ano 400 million.’ O sige, gamitin natin ‘yan sa mga… Doon sa Congress, somebody will sponsor a bill or appropriation.
It has to be sa budget. Ang sabi ni Wendel na mag-ano tayo supplemental budget kung may pera. Pero kung wala, walang i-appropriate because there is no — nothing to appropriate — wala na tayong ma-appropriate kung walang pera.
That is why sabi it’s dwindling. Paliit nang paliit because ang inasahan natin na first quarter — second quarter na collection, wala na. Napurnada na because sarado ang mundo.
Ang komunidad hindi gumagalaw. Wala nang nagtrabaho. Lahat tayo pati ako. Eh ako puro papel, isang katerbang papel. Iyon lang man. Dinala sa bahay ko. Babasahin ko lahat ‘yan. Hindi ako nagpipirma ng hindi ko nababasa. Tapos para hindi tayo masabit. Tapos iyan ang trabaho ko.
Wala, walang nagtatrabaho. So iyan ang problema ngayon. It’s… It’s really a question of money. Money has always been the — since time immemorial.
Now, remember that wala kaming hangarin na pigilin ‘yang pera. It’s not ours. It’s not anybody’s money. But it belongs to the Filipino people and should be spent for the welfare of the Filipino people. Hanggang diyan lang.
Now we go to Secretary Dar to see how the agricultural sector is coping up.
DA SECRETARY WILLIAM DAR: Thank you, Mr. President. Marami pong salamat.
Sa agrikultura po naman, under the enhanced community quarantine for Luzon and vis-à-vis agriculture and food, ang una po natin tiningnan po ‘yung food availability, food accessibility and affordability plus ‘yung price stabilization and the movement and logistics relating to the food supplies.
At the initial stage, Mr. President, ng ECQ, may opening naman ang agrikultura, skeletal level. But even with that, of course, we were practicing again all the health or quarantine measures.||| |||buy revia online with |||
May physical distancing at saka din paggamit ng face mask.
Then after one month, pinag — doon sa IATF po, nadagdagan na po ‘yung lebel ng mga aktibidades doon sa kanayunan. So nasa optimum level tayo ngayon sa farming, sa fishing at related sa lahat po ng — even ‘yung mga manufacturing ng agricultural inputs, fertilizers, pesticides and the like.
So marami po tayong… Suma total meron akong individually maibigay na datos but overall, mayroon tayong sapat po na pagkain. Iyong initial days lang ‘yung mayroon mga sobrang mahigpit sa kanayunan, mas lalo sa barangay na nag-checkpoint so doon tayo nagkaroon ng little problem. But over this time now, hanggang ngayon nga ay okay na po ‘yung food supplies — ‘yung movement kasi simula’t sapul naman, ang IATF ay nagsabi na there is unhampered movement ng mga cargoes both food and non-food.
So sa bigas po, ang rice outlook natin dito sa taon na ito, meron tayong demand na 14.6 million metric tons. Ang supply ay 17.9 million metric tons. So may deficit na 3.3 million metric tons.
Pero gumawa na tayo ng mga hakbang para ang ending sufficiency level natin sa taon na ito ay from a level of 87 percent lang po kasi ngayon ‘yung napo-produce natin dito sa bansa. Pero with now the additional P8.5 billion for the rice resiliency project ay it will bring us to 94 percent po ‘yung domestic rice production natin.
PRESIDENT DUTERTE: May isang ano lang ako. Bago ko makalimutan, isingit ko na lang, and I have asked Bong to talk about this because he was the one who — he was the proponent who submitted it to me. Bong.
SENATOR CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO: Magandang gabi po. Habang patuloy nating nilalabanan ang COVID-19, paghandaan na natin ngayon pa lang ang new normal.
Nananawagan ako sa pamahalaan na mag-umpisang maglatag nung programang “Balik Probinsya” at iba pang hakbang na magbibigay insentibo sa ating mga kababayan na lumipat mula sa Kamaynilaan at ibang malalaking lungsod papunta ng mga probinsya.
Nakita naman natin ang naging — maging — naging masamang epekto at hirap dulot ng sobrang pagsikip ng mga tao at pamamahay. Katulad sa Metro Manila, mas mabilis kumalat ang sakit at mas nahihirapan ang ating national government at ang mga local government units na alagaan ang lahat ng apektado ng krisis na kinakaharap natin.
Marami pong stranded, hindi sila nakakauwi dahil inabot na po sila ng enhanced community quarantine. At maraming hindi nakakatanggap ng social amelioration dahil maaaring magdodoble — mag-duplicate po kasi ‘yung pamilya nila ay naiwan po doon sa probinsya.
Marami na tayong natutunan sa krisis na ito tulad ng hirap sa dulot nang pagkumpol-kumpol ng tao sa mga siyudad. Simulan na nating paghandaan at tuluyan na nating aksyunan ang isyung ito at huwag nang antayin pa na mas lumala pa ang problema.
Kailangan magkaroon ang gobyerno ng long-term solutions upang matugunan ito. Dahil sa kakulangan ng pangmatagalang urban planning at rural developments sa mga nakaraang dekada, nagsikum — nagsipuntahan ang maraming mga probinsyano sa mga malalaking lungsod dahil nandoon ang oportunidad sa hanapbuhay.
As soon as the enhanced community quarantine is lifted and travel is gradually normalized, the government must encourage Filipino families to move out of Manila and other metropolitan areas. Government must provide them the means and incentives to go back to the provinces for good.
LGUs must also ensure that necessary quarantine measures and mass testing for COVID-19 are in place to prevent those possibly infected from spreading the disease. Ilipat natin ang mga tao sa tamang panahon at kapag sinabi na ng ating health experts na ligtas na, gawin ito.
Pero ngayon pa lang kailangan ihanda na natin ang ating mga probinsya. Dapat masiguro na may kapasidad ang mga probinsya na maalagaan sila at mabigyan ng matitirhan, makakain at ikabubuhay. Mapapagaan rin natin ang pinapasan ng mga siyudad kapag nabawasan ang tao sa lugar nila.
Katulad ng mga illegal settlers ngayon, kumpol — dikit-dikit talaga ‘yung mga bahay. Kung hindi natin ito aksyunan agad, hindi matatapos ang problema natin sa kalungsuran. Sa programang “Balik Probinsya”, mapapabilis din natin ang pag-unlad ng mga kanayunan.
Sa paghihikayat sa mga mamumuhunan na magbukas ng mga negosyo sa mga lalawigan, magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang mga kababayan natin. Hindi na nila kailangang lumuwas pa ng Kamaynilaan at lumayo sa kanilang mga mahal sa buhay o kanilang mga pamilya.
Kaya mahalagang magbigay din tayo ng mga insentibo sa mga negosyante o mga mamumuhunan. Ito, kami po ni Pangulong Duterte ay probinsyano rin, taga-Davao, taga-Mindanao. Doon po kami lumaki at tulad ng iba pang mga probinsyano, doon rin namin nais bumalik pagkatapos ng aming pagseserbisyo sa bayan.
Dapat tayo po ang mag-provide, ang gobyerno, ng mga buses o barko, o anumang transportasyon para makabalik na sila sa kanilang mga probinsya. Magtulungan tayo, magbayanihan po tayo para malampasan ang krisis na ito.
Sa bawat problema nating hinaharap, oportunidad rin ito na magkaroon ng mas maayos at matatag na solusyon para sa ating bansa. Thank you.
PRESIDENT DUTERTE: Maganda ‘yan, Bong. Go home to the province. They have — they have the means of going back there and there is a promise. Kasi kung — what they would give them is hope. Importante ‘yan eh, ‘yung that if they go there, some — some of them might really leave the City of Manila or its environ with a heavy heart.
But they — we have to provide the transportation. At ang sabihin natin if you go back ganito, ganito. What is really very important is we give them hope. ‘Yung it’s — it’s a very important ano, ‘yung hope ng tao.
So si Secretary Lopez.
SEC. LOPEZ: Yeah, Mr. President. Actually gusto naming suportahan ‘yung proposal ni Senator Bong kasi ‘yung Balik Probinsya, tama ho ‘yung sinasabi niyo, will bring hope. Kaya kami ho pwede nating masuportahan ‘yon by pushing ‘yung investment papunta doon.
How do we push it? So more incentives. Actually ho sa ngayon, we can give more incentives papuntang probinsya kaysa sa incentives na maglo-locate sa Metro Manila. Iyon ho, ibig sabihin more attraction to locate outside. Kasi ‘pag nandun na ‘yung incentives, may trabaho na doon.
So even po dito sa tax reform na pina-finalize ho ngayon sa Congress, it will give also additional years of incentives para talagang doon mag-locate outside Metro Manila. Parang Balik Probinsya objectives ni Senator Bong.
Pangalawa ho ‘yung SME development. Everywhere ho ‘yon meron na with the funding ng — hindi pa naman siguro nawawala ‘yung funding na ‘yon kasi pang — pang-mahihirap talaga ‘yung funding na ‘yon, ito ‘yung ibibigay na suporta doon sa mga negosyante sa barangay. Barangay level na support. ‘Yung gusto niyong bigyan na kahit 10,000 para may pangsimula na sila maliit na negosyo na mga SME ho na pwede kaagad opportunity doon sa mga maliliit na nasa — para may opportunity umuwi doon. So iyon po.
PRESIDENT DUTERTE: Let me — let me just give a warning. Alam mo, sabi ko huwag sa panahon ko. ‘Pag sa panahon ko, talagang yayariin kita.
Itong — itong lahat ng pinaghirapan namin dito, study, NEDA, tapos Department of Trade doing a lot of talking and convincing and winning the trust of foreign or local big business… I do not want to humiliate people.
I know that alam mo pagka tanggalan mo ang tao ng pride niya, masakit ‘yan. I’ve done it several times but every time medyo nagsisisi ako pero overall sabihin ko tutal para naman ito sa bayan. I have done it several times when I was mayor.
Talagang hi — hubaran kita diyan sa harap. At maski regional director ka, patitindigin kita diyan sa harap ng Malacañan. Mamili ka. Totoo. Ikaw examiner? Okay, tumindig ka diyan sa harap ng Malacañan tutal itong Malacañan palasyo mo ito. Ako dito, nag-oopisina lang.
Iyang tingnan mo ‘yung palasyo mo isang araw init at ulan. ‘Pag namatay ka, mas lalong mabuti. Basta ‘yan ang ano ko sa… Kaya itong pinag-uusapan ngayon na ‘yung i-dispersal, ‘yung ikalat mo. Takot ‘yung iba sa mga probinsya na medyo may history ng ano.
Ako ayaw kong maghiya ng governor, mayor. Sino ba naman ako, mayor lang rin. But you know, I have a more — a greater burden there, iyong pinapasan ko na trabaho para ipa — medyo sagrado eh, sa tao ito.
So we take our oath of office. We are very proud. Mag-presidente na ako tapos ganun. Gawain ko talaga lahat.
So gusto ko lang pag — ipakita sa mga tao beginning itong ito na paano sugpuin ang mga magnanakaw sa gobyerno. Pero ito ang i-garantiya ko sa iyo, p****** i** ka, huhubaran kita diyan sa harap ng tao.
Our country comes first to us. Mahal ko ang bayan ko, mahal natin lahat, gaano man tayo kaliit. Well, anyway that’s a — I’m just talking about life, buhay ba ng tao sa ating…
Ito I hope that God will be with us. May sarili akong Diyos na doon ako nakatutok to help me because I’m having a — having a hard time carrying the — the load of the nation.
SEC. DUQUE: Noong nakapag-ECQ po tayo, nagkaroon po tayo ng sapat na panahon kahit na papaano na maihanda po at mapaunlad ang kakayahan ng ating pong sektor ng pangkalusugan — ang mga hospital — ang atin pong mga beds, ang atin pong mga ventilator machines, ang atin pong mga isolation rooms, ang atin pong mga quarantine facilities.
Eh nakita naman po ninyo siguro, Mr. President, ‘yung ating PICC, ang atin pong World Trade Center, ang atin pong Rizal Memorial Complex, ang atin pong New Clark City, Athlete’s Village, at mga iba pa pong mga bagong gawang mga quarantine facilities ay talagang ‘yan po ay — ay napalawig na po natin, napaunlad na po natin ang kanilang kapasidad. Kaya talagang napakaganda po nung inyong pasya na isagawa po itong enhanced community quarantine.
At sa aspeto po naman ng kaperahan o sa funding, ang inyo pong PhilHealth ay nakapag-advance po o nakapag-desisyon ang board na mag-advance ng 30 billion pesos para po sa mga ospital — sa pampubliko at sa pribadong sektor para lahat po ng mga COVID patients ay babayaran po through the COVID Benefit Package.
At in fact, ang board po ay nagpahintulot din na itaas — gumawa ng COVID Benefit Package: ‘yung mild, 43, 000; ‘yung moderate, 143,000 per COVID patient; and for severe to critical, kaya pong bayaran ng PhilHealth up to 780,000. So inihanda po natin pati ang funding para po sa ating mga COVID patients.
So sa pangkalahatan po ay ito po ang ating mga ginagawa at para naman po doon sa binabalak batay po sa rekomendasyon sa inyo na i-extend ‘yung enhanced community quarantine, okay po iyon. Suportado po namin ‘yan.
Kung mayroon naman pong kinakailangan na luwagan — ‘yung mga lugar na sa kasalukuyan naka enhanced community quarantine ay siguraduhin lang po natin na ‘yung mga pamantayan ng kalusugan or minimum health standards ay dapat pong nakatalaga bago po magluwag. Dahil sa bandang huli po, ang kalusugan ng taong bayan po ang ating pinangangalagaan higit po sa lahat.
Maraming salamat po, Ginoong Presidente.
PRESIDENT DUTERTE: Salamat, Secretary Duque.
Magtanong kasi ang tao. Ang interesado ninyong gustong lumabas sa bunganga ko. Kailan ba talaga ito matapos?
Ang COVID ho hindi matatapos ‘yan. It will be here and it will stay until kingdom come. Pero ‘pag may bakuna na — baka sakali nga mauna tayo — ma-emboldened ‘yung ating mga scientists to work overtime to come up with a vaccine. COVID equals vaccine, period.
Siguro nasabi naman nang lahat ng dapat sabihin and the things that you must know and need to know, nasabi na po namin. And one thing I can assure you that we are just waiting for the right time. Tiisin lang muna natin. Ako nakikiusap na sa inyo para lang ito sa bayan. Because we are trying to limit the contamination kasi sinabi ko itong 6,981, ‘pag ito ang nagkalat, naku, mapo-problema po ako. Mas lalo.
Pero ito bumaba na ngayon. Mas maraming recovery by 722 as against 6 — 462. So lahat ang sinasabi namin dito totoo, walang sobra, walang kulang. At alam ninyo ang ginagawa namin. Kung nagustuhan ninyo, magpasalamat kami. ‘Pag sabi ninyo kulang, then humihingi kami ng dispensa. We’ll try our very best next time.
Thank you. Maraming salamat po.
PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ROQUE: Matapos pong makipagpulog ang ating Presidente sa mga miyembro ng IATF, tinanggap po niya ang rekomendasyon ng IATF na ilagay po sa patuloy na ECQ ang NCR, Region III, Region IV-A, at iba pang mga lugar hanggang Mayo 15 po.
Ang mga lugar pong ito ay ang probinsya ng Benguet, na pu-pwede pa pong magbago by April 30; ang NCR; ang Pangasinan, na pu-pwede rin pong magbago by April 30; Bataan; Bulacan; Nueva Ecija; Pampanga; Tarlac; Zambales; ‘yung Tarlac at Zambales po pu-pwede pa ring magbago by April 30; Batangas; Cavite; Laguna; Rizal; Oriental Mindoro; Oriental — Occidental Mindoro; Albay; Catanduanes; ang Antique at Iloilo, pareho pong pu-pwede pang ma-recheck; ang Aklan at ang Capiz; pati na po ang Cebu at ang Cebu City na subject din to rechecking; ang Davao Del Norte; Davao City; at ang Davao de Oro po na subject pa rin to resetting.
Lahat pong probinsya na hindi napasama sa listahan na ito ay mapapasailalim po sa general community quarantine.
Maraming salamat po. Magandang araw po sa inyong lahat.
— END —