(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
SPEECH
OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE
PRESENTATION OF SURRENDERED FIREARMS
AND DISTRIBUTION OF ASSISTANCE TO ISIS-MAUTE GROUP SURRENDEREES
[Delivered at the Provincial Capitol Gym, Marawi City, Lanao del Sur | 11 May 2018]
Thank you and kindly sit down.
Defense Secretary Delfin Lorenzana at ‘yung mga ibang miyembro ng Gabinete; AFP Chief of Staff Lieutenant General Carlito Galvez Jr. and other major service commanders, sir; Police Director General Oscar Albayalde, sir; Lanao del Sur Governor Bedjoria Soraya Alonto Adiong, ma’am [applause]; Lanao del Nor — dapat sa front kayo ma’am. Next time, PMS, ilagay mo kami sa front lahat tutal mahaba man ‘yang…; Lanao del Norte Governor Imelda Dimaporo [applause]; Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra [applause]; fellow workers in government; mga kapatid ko.
Unang-una, pasalamat ako sa taong bayan, people of Marawi City, for their understanding and cooperation and to be here. Second, I’d like to thank the Armed Forces of the Philippines for a good deed, making it a little bit sacrifice for all to bring about peace in Marawi and Lanao del Sur.
Sunod ‘yung mga — ating officials nandito, the mayors. I was once a mayor of Davao City also. At ‘yung mga — I don’t know if my relatives are here.
Well anyway. Huwag ko munang basahin ang speech kasi marami akong gustong ilabas sa puso ko.
Mga kapatid kong taga-Marawi, government talagang gusto ng kapayapaan. Hindi namin gustong pumunta dito ang gobyerno at makipag-patayan. That is a waste of time and money and the lives of people na…
At the end of the day, lahat ‘yang armas na ‘yan makita mo, it does not really mean anything. It has not succeeded its purpose. Nagamit lahat ‘yan, maraming namatay. And today we are back again talking about peace.
Ang masakit sa akin is I — Presidente kasi ako. At ‘yung nagkagulo dito, hindi ko naman gusto. But I had a duty to perform, not only here in Lanao del Sur, in Lanao del Norte. But I have a duty to perform to all. Ke ba Bisaya, Ilocano, Bicolano, Tausug, Maguindanao, Iranun, ‘yung sa akin, ang Kagan. I have a duty that’s why kailangan ko talagang to declare martial law.
But you know, I was not very happy with it. It was a decision most painful to me because I know that lives will be wasted. Para maipakita ‘yung surrenderee, sabi…
May kasabihan nga eh, maski gaano mo karaming armas, pagdating ng panahon, isa lang talaga ang mahawakan mo. And that will not assure kung mabuhay ka o hindi. Walang silbi eh. Away lang, galitan. Masakit. And we hate maybe each other forever. Kung maari lang sana, hindi mang… Those are the things that we are trying to avoid.
So I propose to you, kayong mga ibang mga Maranao, bumaba na lang kayo at nakita ninyo ‘yung armas ninyo, wala talagang purpose.
At ganito, eh kokonti na man lang ang koneksyon ko sa inyo, lola ko lang. Pero ganito ‘yan eh, tayo ay mga Malay. Ang kapatid natin ay ang mga Indonesians kaya kamukha natin, the Malaysians, Brunei, at Philippines, lalo na dito sa Mindanao.
We belong to the Malay race. We are not Arabs. But every country na dumating ‘yung mga dayo, magulo talaga. In the Middle East, in Africa. Dito, dumating ang Español, ang Amerikano, ang mga Dutch, British, sa Malaysia.
Dumaan tayo ng may [amo?] at masakit ‘yan. Sa ating bayan, tayo ginawa ng parang ulila. And we had to serve foreign masters.
Ngayon, ang kina… Just — isipin ninyo na hindi naman tayo Arabo. Kaya ‘yang Middle East magulo dahil ang pumunta dito ang mga Español, ang mga Amerikano. Doon sa iba pinaghati-hati nila. Ang Africa, ganun rin.
Noong matapos ‘yang giyera, nakita ng mga Amerikano na si Saddam gusto nilang tanggalin. Pinasok talaga nila ang Africa, ang Middle East kasi raw may weapons of mass destruction.
Pagpunta doon, pinatay nila si Saddam, wala namang weapons of mass destruction. Then itong mga imperialista, they undermined Libya at pinatay si Gaddafi parang aso.
‘Yung mga matatanda doon, ‘yung mga heneral, tinanggap na lang nila ‘yan na, “ganito siguro talaga ang swerte natin.”
But itong mga sundalo, itong mga batang sundalo ‘yung nasa military academy nila, hindi nila tinanggap ‘yung kahiyaan. Sabi nila, “para tayong aso pinagsisipa dito.” So na-radicalize. Extremists sobra ang galit nila, kaya ‘yan.
Pero ‘yan doon ‘yan sa Iraqi at Iran. At alam naman ninyo ang Sunni pati Shiite, may sariling galit rin sila. Kaya lang itong ISIS, parang payong, umbrella. Tinatawag sila ngayon, extremist.
Ang problema sa kanila, pumapasok kasi nawawalaan na sila ng teritoryo. Pumapasok sila ngayon dito sa East, Southeast.
So pagpunta nila dito, dala-dala nila ‘yung radically nila. Tapos ‘yung ISIS. Ang ISIS naman walang ginawa kung hindi pumatay at magsira. Eh bakit tayo susunod sa kanila? I would understand kung kayo mag-rebelde hanggang ngayon, ‘di pulutin ninyo ‘yan ulit.
Kung kayong Pilipino lang, may hinakit sa gobyerno, okay ako. Kaya pwede mo akong insultuhin, pwede mo akong babuyin. I said ‘yung madre, kahit ‘yung mga foreigners. Pero ang sabi ko sa kanila, I can accept your criticism kayong mga Maranao, kayo lahat. Tanggap ko ‘yung insulto ninyo kasi ako trabahante ng gobyerno. Ang nagbabayad ng sweldo ko, kayo.
Pero hindi ako papayag na isang foreigner, maski sino na makialam dito at mag-insulto at mag-gawa ng kalokohan na kumbinsihin. This is territorial. We are trying to correct it.
Gusto ko maghanap tayo ng formula. Pag-usapan natin ito. Hinihintay ko na lang ‘yung BBL. At kung naipasa ‘yan, I’ll start talking with Misuari.
Misuari maybe matanda na. Misuari maybe wala na masyadong tao na bata. But remember na ang mga sundalo ng MNLF, may mga anak ‘yan, may mga kapatid, may mga pinsan ganun rin na mag-takeover.
Kaya kung hindi mo aregluhin ‘to lahat, walang katapusan ang ating problema sa mundong ito. Kaya ako, I propose we are rebuilding Marawi. Dahan-dahan naman ‘yung pera dumadating. Hindi naman overnight.
Makita mo naman, mag-istambay ka doon sa downtown.
Well, maglinis pa lang. Huwag mong anuhin na may kunin kami. ‘Pag malinis na ‘yan, leveled to the ground, ma-improve ‘yang… ibigay namin, wala akong… wala — ako I assure you, walang tao na hindi Maranao na makinabang dito sa rehab. Isauli namin ‘yan, wala kaming ambisyon diyan.
All we want to do is give us a little time para mapagana namin ang rehabilitasyon. So kayong mga mayaman, linisin lang namin ‘yung bahay.
Ang akin namang tinatarget ‘yung mga mahihirap na Maranao. ‘Yun ang unahin ko.
Kaya ‘yang mga bahay na ‘yan, pupunta ‘yan doon sa wala talagang bahay. Ngayon, ‘pag nalinis na ‘yang downtown, kung sino ang may-ari ng lupa, isauli namin ‘yan. Bigyan lang ninyo — linisin lang namin. [applause]
Kagaya ng Boracay, anak ng… marami na… may mga gambling daw, ilagay ko mga kaibigan ko.
You know, ang aking thinking ngayon, I will declare Boracay as a land reform area. Ibigay ko, ibalik ‘yan sa mga natibo, Mangyans.
Wala kaming ano diyan — Huwag — eh kasi tinatakot ako na may [unclear]mga kaibigan ko raw, wala akong kaibigang negosyante na mayaman na sabihin mo, ibigay ko ‘yang Boracay.
Sabi ko sa kanila, “linisin ko lang.” mamaya sisi General Año dito, kasali man siya sa team. ‘Pag nalinis na po ‘yang Boracay at nalinis itong Marawi, ibalik namin ‘yan sa inyo. Walang problema.
Ngayon, ‘yung mahirap, magtulong ako sa inyo and therefore, the whole of Lanao, magla-land reform ako. Kaya lang unahin ko ‘yung gobyerno.
‘Yung ano ‘yung lupa sa gobyerno, ibigay ko sa mahirap at magbuhos ako ng pera and then — sabi ko nga sa mga Maute surrenderee, magpunta kayo ng Malacañan at mag-usap tayo. Papuntahin ko kayo ng preferably Malaysia.
Mag-aral kayo doon magtanim ng rubber pati palm oil. Ang palm oil, medyo mahirap sa bukid pero ang rubber, ganun na lang kaganda. Alam mo bakit? Minsan nga nawala ako, hininto ko na ito kanina. Na weather ako, tawag nila.
Ang piloto ko, pulis. Sige ako tanong kasi nakulong na kami sa loob, hindi na namin malaman kung papabangga na kami ng bukid so dahan-dahan kami sa itaas.
Eh alam mo basta pulis ni Albayalde, “Baka… Kaya ba natin ‘to?” “Kaya sir.” “Kaya, kaya hanggang kaya, kaya pataas, wala namang landing dito.”
Eh pagka manerbyos ka, medyo mahilo ka tuloy. Buti’t nakakita kami ng butas, naglanding kami. Mindanao, dito. Tapos sabi ko, “delikado tayo dito kasi…” tatlo naman kami sa chopper. Pang-apat ‘yung pilot, ‘yung maliit na helicopter. ‘Yung dito, dinala ko minsan dito noong nagkampanya ako.
So paglanding ko, sabi ko, “nasaan ako?” Maya-maya, may accent. ‘pag tayong mga tribo, may sarili eh. Bisaya matigas masyado ang dila.
Ito naman nung pagtakbo ng mga bata pagpunta sa helicopter, nagsigaw, “chopperrrr, chopperrrr.” Ah, sabi ko, “North Cotabato tayo.”
Ang nakita ko sa North Cotabato hanggang sa tutok ng bukid, basta Ilocano magtanim talaga ‘yan. Wala akong nakita na pinaka.
Ngayon gusto ko, ibigay lahat ‘yang bukid sa likod nito pati doon sa ano. Unahin ko ang mahihirap.
Meron naman kayong bahay, pagtiyagaan ninyo ‘yan at itong lupa dito sa lahat na sa gobyerno unahin ko. I will break it up into lands at i-land reform ko, ibigay ko sa inyo. [applause]
And I will commit to you, as a Maranao I will commit to you now na magbuhos ako ng tulong, mga tractor[applause], fertilizer pati seedlings.
Mag-appoint lang ako ng isang tao lang. Ayaw ko ‘yang marami. And maybe it could be Gene Mamondiong, ang TESDA ko, Maranao rin ‘yan. Si… si ano, si Mamao, ewan ko. Andoon sa Kuwait. Baka pinutulan na ng ulo ‘yan doon, ang buang.
Sabi ko, “ayusin mo kasi hindi man maganda ang usapan.” Sabi ko sa kanya… Brod ko ‘yan eh. Brod ko, classmate ko pa first year hanggang fourth year. Magkaintindihan kami niyan kasi puro Maranao kami.
Sabi ko, “brod, punta ka doon sa Kuwait. Kausapin mo ang liderato at sabihin mo sa kanila na ang aking hinihingi,” sabi ko, “one message, ‘salaam.’ ‘Yan lang ang sabihin mo.” O so ngayon, naayos na.
Sabi ko kay Dabs, “huwag ka makialam diyan kay Special Concerns. Andiyan si Bello. Bello should sign because siya ‘yung Labor Secretary eh.”
Pero hanggang ngayon hindi pa man umuwi. Either nakakita ‘yun ng ibang asawa o pandagdag. Nandito… kasi baka andito asawa ni Dabs. Dabs is a decent man. Matagal kami nagsama niyan.
So nandoon sila, nandito — baka signing today. Ang hiningi ko, papayag ako i-lift ang ban ang mga ano but the last victim na pumunta dito, Maranao ha. ‘Yung lahat na… She was a Maranao girl na pinagpapalo — ah Maguindanao rather.
Kaya kung maaari lang dito na lang muna kayo. Mahirap mag-depensa sa ating mga kababayan[unclear]
Pero hiningi ko seven hours of sleep, makaluto silang sariling ulam nila, pagkain. Hindi man sila sanay ng ano, ‘yung pagkain natin; tapos ‘yung cellphone nila hindi agawin; ‘yung passport ang may hawak ang ating Embassy, at may dayoff sila. One…
So ‘pag na-comply ‘yan… and no physical abuse. Tapos ‘pag may complaint, ang unang tawagan nila, may special police para lang sa Pilipino, kung inaabuso sila, makatawag sila sa atin.
Kung nandiyan lahat ‘yan, sabi ko “okay ako.” Tumawag kanina si Dabs, sabi niya, “mukhang okay na. Naipasok na lahat.” Sabi ko, “sige. Magpirma kayo diyan. Hindi na ako pupunta. Balang araw,” sabi ko.
So ganun ang nangyari. Mag-land reform ako dito, magbuhos ako ng pera. I will look for the money. Ang inyo pagod na lang. At kung makinarya makinabang, makatulong, ilalagay ko.
I pledge that to you, sabi ko, as a person whose roots dito galing.
So huwag na muna tayo mag-away. Kita mo ngayon. Pagkatapos ng display na ano, para sa akin maligaya ako nagkaintindihan tayo.
So sabihin mo na maligaya ako diyan sa baril? Wala naman ginawa ‘yan kundi pumatay ng pumatay. So magsama na lang tayo.
O punta kayo sa — kayong mga rebelde, papuntahin ko man sila sa Malacañan. Kung gusto nila, mag-takeover sila sa Malacañan, ibigay ko na lang ang Malacañan sa kanila. Mag-gawa na lang ako ng bago.
Bakit ba tayo magpatayan? Why use that g****** rifle na ano? Kapwa tao mo. Makapatay ka nga and then after two minutes ng takbuhan, ikaw na naman ang tinamaan. Tapos mag-iiwan ka ng pamilya, mag-iiwan ka ngmga anak. Kaya diyan ako galit. Maawa ako sa tao ke mga Kristiyano o Muslim.
‘Yang mamatay isa dito ang ating nag-surrender, he lost four of his [hands?] napakasayang. Ano ba ang galit ninyo at bakit susunod tayo diyan sa mga Arabo?
Kung gusto ninyo, kayo na lang. Kunin niyo ‘yung armas niyo pabalik pero huwag kayong mga padala diyang mga ideolohiyang na… pwede ba ‘yan?
Na ‘I will kill.’ Dito, destroy tapos magpatay ng walang ka-rason at sabihin, ‘patayin ang infidels,’ meaning, non-Muslims. Hala, naloko na.
Ang pamilya ko, isang branch puro Muslim, halo ng Maranao — Tausug. O, Maranao pati Tausug. [unclear]Si Sangkola naman, pure Tausug. Ang lola ko dito, patayan t*** i**.
Infidels. Ang anak ko patayin mo? T*** i**. Kasi ‘yun si Mayor, Kristiyanos. Mga anak ni Pulong, Moro. Muslim. Eh kalokohan ‘yang magsabi dito magpatay ng infidels.
Eh ako, sabihin mo — sabihin ko ‘yung t*** i** ‘yung ISIS na ‘yan. Loko-loko ka pala eh. Dalhin mo ‘yang…
Kasi — patayin mo anak ko? Eh ‘di magwala ako. O wala nang katapusan itong gulo na ito. Bakit man tayo mag-ganun na mixed man tayo?
Alam ko na ang paghinakit territorial ‘yan eh. Nauna kayo dito kasi ang Islam nauna. Pero ang dala ng relihiyong Islam, relihiyon lang. Ito, p***** i** — Sorry.
Itong mga Español, nagdala ng gobyerno, nagdala ng relihiyon. Eh anong kasalanan ng tatay ko? Pinagpapatay naman nila ‘yung mga lolo ko. Bakit? Pagdating ba dito, ang [unclear]magsabi na, “lahat ng tao, o, sige, Kristiyano.”
Ang pumatay kay Magellan si Lapu-Lapu. Tausug ‘yun. Kita mo ‘yung head gear niya? ‘Yung mga head gear diyan, mga drawing ni Lapu-Lapu, kita mo ngayon. Tausug settlement ‘yan.
Kaya sabi ko, kayong mga Bisaya, kung makinig lang kayong dahan-dahan lang magsalita ang Tausug, madali mong main — pinakamadali ang Tausug intindihin kung Bisaya ka. Ang mahirap na language, talagang Maranao. Masyadong mabilis at totally iba talaga ang…
Pero bakit? O, bakit siya — bakit nawala? Eh ‘di pinagpapatay sila. Siguro after that Lapu-Lapu, may massacre. Eh anong magawa ng Malay noon?
Gawin mo ‘yung mga istorya ng pari. ‘Pag hindi ka nag-simba noon, flogging. Paluin ka diyan sa plaza, hubaran ka, 20 lashes. ‘Pag hindi ka nagbigay ng bigas, magbigay ka talaga one gantang, itlog.
‘Yun ang nangyari diyan sa paraan na bakit tayo naging… ‘yung iba naging Kristiyano. Hindi na ako Katoliko ha, hindi ako Katoliko. Ayaw ko na magmura ng pari. Mas marunong pa sa iyo.
So ‘yan ang offer ko. Tulungan ninyo ako. Wala akong kinonvince (convince) ninyo sa pulitika eh. Hindi naman ako tatakbo. So wala na akong — After six years, malapit na, nasa kanto lang tapos wala na.
Eh kung kunin ko ‘yung lupa namin dito na maliit, gawaan ko ng bahay. Dito ako magtira kasi wala ng away kasi lahat nandiyan na o, isinurrender (surrender). So pintik nalang tayo o Indian pana.
So sana, mga brothers, intindihin ninyo. Huwag niyo sundin ‘yan at huwag kayo sumakay sa NPA.
Ang NPA, isang grupo ‘yan na hindi naniniwala na sa Diyos. If you are associated with a person who does not believe in God, who does not have a religion tapos makisabay sa inyo, makisakay, if they will prevail… Look what happened to Cambodia, si Pol Pot. Genocide. Lahat, tiningnan ‘yung bukid, tapos ginanun. Two million pinatay ng Khmer Rouge.
Huwag kayong — delikado ‘yan. Ganun ‘yang NPA, makipagsap — You better be careful. At the end of the day, kung makuha na ang Mindanao, ubusin kayo. Maniwala kayo.
Masarap ang tubig sa Marawi. Gi-salod man na diha sa ulan. (This is rainwater) [applause] Binigay ni… ng Diyos ‘yung magandang tubig, ‘yan o. Dugay ga ana ‘tong army diha sa gawas. Ulan man ni sa Marawi. (The soldier did this outside for sometime) Pinakamalinis masyado.
So if you want, we can talk. I’m ready to talk. Kung sino ‘yung may sama ng loob, tumawag ka lang kay… ‘yung sa kampo dito kina Murillo? [Sinong camp commander dito, sir? ‘Yung camp commander ng army dito?] Ah, colonel.
O ‘di ang Chief of Police dito. Tapos i-arrange. Kung sino ‘yung may reklamo, nagngingitngit, ‘wag na magdala ng baril. Mag-usap tayo. Hindi naman pwede mag ganun. Alam mo, ‘pag inumpisahan mo ng —- eh puro lalaki tayo eh. Walang magpa-lugi niyan.
So salamat sa pag-intindi ninyo. Alam mo bakit? Alam mo bakit, why others failed? Alam ninyo kung bakit? Sincerity. Kung wala kang sincerity, puro labotsing ka lang.
Kaya kayo, nasa isip ninyo, “ah wala ‘yang gobyerno na ‘to puro…” Ako, Maranao man ako. Subukan din ninyo. Makinig lang kayo.
Huwag mo ng… Palipasin mo ang panahon. Give us time to rebuild, give us time to establish the goodwill, at I’m inviting the other Maute or whatever, nakikipag-away dito sa Marawi, you come down and we will talk how we can improve your lives.
I said, I’m ready to proclaim. Ang gusto kong i-proclaim na land reform, Maguindanao kasi malawak. Pati itong the whole of Lanao del Norte and Lanao del Sur. Uunahin ko ‘yung sa goybernong lupa, mag-aral kayo ng technology paano itanim itong rubber. [applause]
Pwede kayong — ako ang gumastos, pwede kayong… Samahan kayo ng local officials. Tawagan ko lang si Mahathir. Nanalo eh. Talagang bilib ang…
Alam mo bakit? What is Malaysia today? Pawis ni Mahathir ‘yan. Alam ninyo ‘yan. Kaya kausapin ko siya na may papuntahin ako para mag-aral lang kayo, mga… ‘Yung the whole of Maute group can go there. Unahin ko sila tapos bigyan ko ng lupa. Tapos kung sino ‘yung interesado na — lahat dito ibigay ko, sa Maranao lang. Hindi ko papasukin ang… Maranao muna.
At ‘yung mga — huwag naman ninyo… Maraming Bisaya dito eh. Pero there will be some improvements only if you give me time. Towards the end of one year, matapos na ‘yang BBL, lahat na.
Ako naman, kung matapos ‘yang BBL o ‘yang federalism, sabi ko nga, by 2020, kung nandiyan na ‘yan at magsabi na kailangan ng eleksyon na bago, I will step down.
Good for 19 — 2022 pa ako. Pero pagka may federal set-up na, baba ako. Bigay ko na sa — Mamili kayo ng leader ninyo. I’m ready to retire.
So kung may reklamo po kayo, huwag ninyong… Kung may hinakit kayo, eh sa akin may hinakit — mag-isip kaagad ng baril eh. O ‘di wala, maubos talaga tayo dito. Talagang maubos tayo. Kasi magsali ang mga Kristiyanos na naman. Mag-armas rin. Ah ‘di bigayan ‘yan.
Kaya control, walang permit, walang — hindi ako nag-aano. Para sinisirahan ko lahat. I’m avoiding trouble.
Pero hindi ko nabasa ‘yung speech ko. Nakakahiya naman doon sa gumawa nito.
Basahin ko na lang ‘yung last paragraph para consuelo naman.
When I saw our Maranao brothers and sisters return to Marawi to reclaim their land, their homes and their lives, I immediately felt a sense of hope that Mindanao can rise as a center of growth and development, not just in the Philippines but the entire ASEAN region.
That is why we have embarked on unprecedented infrastructure development program that intends to facilitate commerce and trade in Mindanao.
With the support of the Maranaos, I am confident we can spur economic growth and solve the political and socioeconomic roots of violent extremism in the region.
On behalf of a grateful nation, I thank the AFP for this milestone and I look forward to see more surrederees and a comfortable lives for the Maranaos.
Salamat po. [applause]
— END —