(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
SPEECH
OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE ESTABLISHMENT OF TIENDA
PARA SA MGA BAYANI
TienDA FARMERS AND FISHERFOLKS OUTLET
IN PARTNERSHIP WITH ARMED FORCES OF THE PHILIPPIES (AFP)
AND TURNOVER OF CERTIFICATES TO THE
RECIPIENTS OF
EGG LAYER AND MACHINES (ELMs) and TALK TO THE TROOPS
[Delivered at 6th Regional Community Defense Group (6RCDG) Ground, Camp General Adriano Hernandez, Dingle, Iloilo | 22 February 2018]
Salamat. Kindly take your seats. Thank you for your courtesy.
May I just say a few words about our — mga bisita, kasama ko. The Agriculture Secretary Emmanuel Piñol and other members of the Cabinet; ito ‘yung tao na lumaki sa farming town, sa boundary ng Davao, Makilala, pati Kidapawan. Matagal na kaming kilala at I knew that I was appointing the right person, really for the reason that he was or he was then — [applause] farming town boy ‘to; Defense Undersecretary Cardozo Luna, sir, maayong hapon nimo diha; Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero, sir, maayong hapon; Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino, who’s our partner; Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo Puyat, tumindig ka. Puti kaayo ‘no. [laughter]; General Rey Leonardo Guerrero, Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines; Lieutenant General Paul Atal, Commander of Central Command; Governor Arthur Defensor, sir; officials and employees of the Department of Labor; the officers and enlisted men… personnel of the Armed Forces of the Philippines; local government officials; mga kababayan ko.
Three pages. Wala — You know, they always prepare a pro forma. ‘Yung gusto mo basahin mo na lang. But I usually do not read the speeches because I cannot express my sentiments on a particular moment.
Eh ‘yung sentimyento mo mag-iba-iba eh. And I would just like to convey to you what I feel vis-à-vis sa inyo, sa ating bayan, ‘yung mga sundalo, para sa lahat.
It was — actually this came about. May command conference kami minsan. Kami. Sila Manny and General Tabaquero. Nag-reklamo ako kay Defense Secretary Lorenzana. Sabi ko, Secretary, it happens everywhere in the Philippines, in Jolo, Davao, Digos, Tibungco, right in front of the camp, Tagum, Mati.
‘Yung mamalengke ‘yung sundalo, pinagpapatay ng NPA. Not in actual combat. No guns are drawn and yet, my soldiers are dying needlessly. Sabi ko, hanapan ninyo ito ng paraan kasi I do not want this even to continue time and again.
Kasi ang aking sundalo pati pulis parang aso na pinagbabaril na niya, nagbibili pa ng pagkain. Market day for the soldiers. Eh sabi ko, I supposed that you just have to do something about it. Solbahin ninyo ‘yang problema na ‘yan kasi maraming…
Ayaw ko ‘yung mamatay sundalo namamalengke lang. And in Davao City, during the martial law years, ganun rin. So na-Presidente na ako, I’m really bothered almost — Hindi naman buwan-buwan. But every now and then, there’s always that event of our soldiers dying during marketing days. Napaka-sakit naman nitong…
So, Manny, the ever farm boy said pag-aralan ko because ang concept na ‘yan was — conceived by Bernadette Romulo Puyat. Tatay niya si Alberto Romulo. Siya, biyuda na and she’s the undersecretary. Eh sabi niya, bright ito. Magna Cum Laude ito sa Economics sa UP. O, good. So anong solusyon ninyo?
Sabi niya, ‘di ‘yung tin… ‘yung market na lang ang papuntahin mo dito sa kampo. And of course, maraming nanunuod and everybody heard about it and so suggestions after suggestion followed.
One of them, nag-suggest pero ginawa talaga would be the Aboitiz family and he’s represented by Sabine here. ‘Yung manok niyo na nag-i-itlog araw-araw. ‘Yung kuwan diyan… ilang beses ko na nakita ‘yan.
But you know, if you get that one, you have to control the flies… I hope [unclear] na ‘yan. You can always place something there. Baboy hindi malangaw, ito pa… Poultry-han ganun eh.
That’s your problem. So ‘yan ang kung bakit nandito kami. In every camp — Ngayon, nagbisita ako kay Joanna Demafelis. May kampo man. Sabi ko, mag-daan ako doon at I was informed that there were a lot of guys there wounded, even during my term. Sabi ko, kasali lahat.
Kasi panahon ni Aquino, no, no, no. Kaming mga presidente, we do not — It’s not our property. They are the soldiers of the Republic, we happen to pass by once upon a time. So lahat ng mga sundalo na wounded, binibigyan ko talaga ng medalya.
Alam mo, bakit? Matunok ka la’g thumb tacks diha, mag-“Aguroy, kasakit anang y***.” Sakit kung matamaan ka. Sabi ko, they deserve… So ito namang medalya, hindi lang ito pangkaraniwang ibigay. But I give these to civilians also for extraordinary work or duty given to government. But bihira.
Ngayon, ang order of Lapu-Lapu, ako ang nag-conceive kasi nung nagkampanya ako, pumunta ako doon sa Cebu, may nakita akong istatwa ng p****… Mas tigas pa si Magellan kay Lapu-Lapu. Itong… P**** ‘tong mga Español. Hindi ikaw ha, Aboitiz.
Kataas ng Magellan statue, tapos ang kay Lapu-Lapu maliit. Anong kahabagan itong y*** na ito? Sabi ko, ito ‘yung nagpunta dito nag-agaw ng lupa natin for 400 years, subjecting us like slaves tapos — Sabi ko lang…
Kasi ito namang Maynila, isa rin ito. ‘Yung mga Tagalog, kagaya sa Maynila, ang hero nila, puro taga-roon. Balagtas, Mabini, Rizal, Bonifacio. Wala man akong problema diyan. As a matter of fact, Rizal, after my father, is really my idol. Bihira ‘yang harapan ang firing squad na maligaya ka.
Pero kita mo naman ‘yung babae niya, sino ba hindi ma — Maski ako. Si Josephine Bracken, si Leonor… Dapat ka talagang mamatay. [laughter] Sa karami mo. Ligaya mo sobra-sobra na.
Sabi ko, itong mga Tagalog, kaya pinuntahan ko itong si… ‘yung mayor ng Cotabato City noon sa Philippine Commission, Badoy. Sabi ko, “Badoy, halika ka, bakit wala kaming hero mga Bisaya?” Sabi niya, “Ewan ko.” Ang aming Lapu-Lapu… Saan mo nilagay ang Lapu-Lapu? [Pinagtigas?] He was the one who killed Magellan. So where is he now? Wala man akong ano na order. Hindi. Saan mo nilagay ang aming hero? Buang kayo. Ginawa ninyong isda. Piniprito ninyo araw-araw. Escabeche. Mga y*** kayo.
O pagka-Presidente ko, gumawa ako ng Order of Lapu-Lapu. So give us also the due recognition. Dagohoy. Ang problema si Dagohoy, tatanungin mo ‘yang mga pulis. Sabihin mo, “Sinong gumawa nito?” Mag-ganun kaagad, “Ana ‘yun sir.” “Anong ana?” Ang tawag nila sa mga… pati og ana… Dagohoy. Kawawa naman si Dagohoy sa Bohol. Ginawang holdupper.
Tan-awa ang pulis, sabihin niya, “ah dagohoy ‘yan.” So in the many years na… Like Marcos. Alam mo my duty is just to obey the law and implement it. Now if the Ilocanos would want Marcos to be their hero, give it to them. Because we will remain a divided nation.
Kaya ‘yung sabi ilibing, ang pamilya ni Marcos, tapos binasa — eh abogado ako, “lawyer or soldier”. Si Marcos lawyer and/or a soldier. Ilibing mo ‘yan.
Eh talagang sundalo ‘yon. As far as the truth of his exploits, that is history for judgment, hindi tayo. So sabi ko give the Ilocanos their hero. Because if you don’t, about a fourth of this country, ‘yung mga Ilocano maghihinanakit ‘yan. Hindi maghinakit na magwala but talagang masama sa… Eh tutal kalaki niyang p***, eh ‘di ilagay mo doon.
Iyong akin naman, ‘yung pwesto ko doon meron naman daw ginawa. Kung mamatay ako, nandoon. Wala akong interes magpalibing doon. Doon lang ako sa… You cremate me then place me beside — sa nanay ko.
Hindi na ako… Ipa-lottery ko ‘yan, kung sinong manalo, doon ka sa Libingan ng mga Bayani. Ang problema p****** i** kung ang manalo sa lottery drug addict. [laughter] ‘Di diretso mo na sa crematory.
Well, that’s the reason why… Now, the purpose there is primarily also to see the family. And I’d tell you now, until and unless mahuli ‘yung dalawa and they are really behind bars, the deployment of OFW to [Kuwait] will remain. Ban po talaga.
Alam mo… Mag-init lang ang ulo ko. Wala ang kasalanan lang natin dito kasi mahirap ang ating kababayan. So we have to continue with land reform.
Ako… There is a guy there, I think he was a PMAer and a soldier, ang utos ko sa kaniya kasi ‘yung mga leftist na ano pinagbigyan ko early eh. Because anong promise ko? I will stop graft and corruption. Kita mo naman I’m firing people left and right everyday.
Customs, okay na, ang problema lang Customs. Nilagay ko si General Lapeña. He used to be my police chief doon sa Davao noon. Si… Sa Customs ‘yan man ang problema mga negosyante. Dulay, kasama ko sa dormitoryo, taga-Baguio ‘yan.
So wala kayong masyadong problema diyan. I know there… In the local government, I will come up with a — meron na ‘yang anti-red tape. Kasi ako ‘yung mayor ‘yung mga business permit, three days. So I will be imposing the same thing all over the country.
Do not sit on the papers because the next paragraph provides now the criminal act and the liability. Kulong talaga ang gusto ko.
And so… Ano lang ako dito sa… Alam mo, once upon a time, hindi ako naniningil ng utang ha, sama lang ng loob. Once upon a time, the father, Bush, went to Iraq to… Well, it was a boundary actually — went to Kuwait against the Iraqis who were invading Kuwait.
So ewan ko ilan ang na-deploy sa atin. But as far as I can remember, nung invasion of Iraq by the USA with a false reason that meron raw weapons of mass destruction na wala naman talaga.
It was an excuse to maintain the balance of power doon because aggressive masyado ang Iraq. Talagang gustong upakan niya ‘yung ibang mga neighbors niya.
So what the US did talagang pumasok na sila — Bush ‘yung anak this time. Tayo sa lahat ng giyera na wala naman tayong pakialam, Korea, maraming patay na sundalo.
During the Vietnam ‘yung PhilCag nandoon na sila. Panahon nila Ramos sa Korea panahon sa ngayon sa Vietnam nandoon tayo. Hindi natin kalaban ‘yan.
Doon sa Middle East, nakidnap ang isang sundalo natin si Dela Cruz. Tapos sabi ng mga rebelde doon, “umalis kayo sa bayan namin, huwag kayong sumama diyan sa koalisyon at bibitawan na ito.”
So we were ordered out of — I know somewhere — Sinai area. Umalis tayo about a month earlier kasi si Arroyo naipit sabi niya pauwiin. Tama ‘yung desisyon na ‘yon.
Ang problema ang Amerikano nagalit. So pinahirapan niya ‘yung mga… Alam mo ang Amerika on the average mabuting tao, mabuting kausap. Pero ‘yung policy ng Amerika damay nang damay. Ngayon kung saan-saang giyera. This time sabihin ko sa kanila, “No more. I will not allow the deployment of my countrymen.”
Kasi minsan tayo ang inuudyok diyan sa South China Sea. Ako pumunta ng China. I met President Xi Jinping. Ako at ang Gabinete ko. Ang nandoon si Lorenzana, si Esperon, si Manny Piñol. Sabi ko kay Xi Jinping, “You know, Mr. President, I know that you are constructing many things there. I will go to our territory because that is ours.” Ang sinabi ko pa nandiyan man sila lahat, “I will dig my oil.”
Tapos sabi ni Xi Jinping, mag-usap lang tayo. You know, that is ours. Sabi niya, no, we will just wait for the right time to talk about it. “When is it?” Sabi niya, “in due time.”
Ang sabi ko naman, “I did not come here to create trouble, mag-usap na lang tayo”. Sabi niya, “what’s your — ?” Sabi ko, “kailangan ko ng baril”. Ang order ko na baril na 23,000 kasi nababasa ko na ‘yung mangyayari sa Marawi.
Alam ko kasi ang lola ko Maranao, ang nanay ko mestiza-Maranao, ang lolo ko Intsik sa mother side. My father comes from Cebu, Danao.
‘Yung mga pinsan ko sabi nila may buildup na talaga. Noong nag-mayor ako and naririnig ko na ‘yon. Nag-Presidente ako, hindi ko lang talaga o hindi namin alam ang ordnance. Ang pulbura nila pati explosives napakarami.
And when they started — we started the fight, we had to fire at buildings, ang cover nila semento pati bakal. Kaya marami akong sundalo na namatay sa sniper. Pero at least nanalo tayo.
At ngayon, we are rebuilding Marawi. But right in the middle of Marawi, lalagay na ako ng isang regiment, one regiment. Diyan sa Marawi mismo. Wala akong problema basta bahala na we will — at the same time also — [rebuild it?]
It is General del Rosario, Ed who was also — taga-Davao ‘yan sila lahat. I mean… Ilocano ‘yan si… You know, hindi ako nag… sabihin mo, nagpabor-pabor. ‘Yung mga sundalo who were assigned in Mindanao tapos naging mga kaibigan ko, si Jagger, who was a Task Force Davao. Naabutan pa niya si Inday.
Kaya ang nagsabi talaga na, “si Jagger ilagay mo diyan”. Well, of course, talagang ganunan ‘yan eh. Ang kandidato talaga ni Inday si Jagger. Eh kasi mahusay, mabait, lahat. Tama naman si Inday — si Jagger.
Iyon ang nangyari. Lahat ‘yan sila — eh Tabaquero pumupunta ng Davao, kilala ko ‘yan. Si — mga sundalo pa sila. Hindi ‘yan taga-Davao, nakilala ko lang nung napadaan sila while tour of duty nila.
Kaya ‘yan puro military eh ‘yan lang maasahan ko eh. Ang military kasi ‘pag sinabi mong, “gawain mo ‘yan,” gagawain talaga.
Civilian? “Eh hay man ang karpentero diri?” “Sir, nauli pa, sir, kay naniudto”. Mubalik hapon na, mauli na pud kay panihapon. T*** i**.
Iyang disaster, ang pinahawak niyan — ang humahawak diyan si Benito… [Si Benito ba? Hindi ‘yung isa ‘yung sa Davao? ‘Yung payat. De Leon.] ‘Yon dumaan rin doon. Eh nakilala ni Inday ‘yon ang humawak ng ano… Kasi sa Monkayo na-assign ‘yan eh.
So alam mo kasi ‘yang bureaucracy, pagkapasok pa lang away na ‘yan. Eligibility, CESO, ganun. Hanggang supervisor maganda pa ang ano niyan.
Pagdating dito sa taas na, supervisory powers, hindi — alam nila na hindi sila na makaakyat kasi ‘yung director usually unless you are extremely good, ma-retain ka. But most of them are political appointees. So diyan banda nagla-lag ang ano trabaho sa gobyerno.
Kaya kung diyan ka umasa, matanda na. Kaya pagka ganun ako pati si Gloria Arroyo, pati si PNoy, ‘yung akin ang pinakamarami kasi pagsabi kong, “trabahuhin mo ‘yan,” tapos na kaagad.
Wala ako, I do not have anything against the ano… But ito kasi mga structural ang mas sanay ba — structural minds.
At saka sumusunod. ‘Pag civilian? Kung may baha sa Davao, may sunog, “saan ‘yung 911, Ed, dito?” “Wala, sir, nandoon siguro nagiinuman pa ‘yon kanina. Di ha pa…” Kaya palit-palit.
Karamihan kami diyan is puro halos — dalawa lang kaming Bisaya diyan naiwan. Puro Ilocano ‘yan. Alam mo ang sundalo natin kaya natuwa ako kanina, Bohol. Kasi ang karamihan nating sundalo Ilonggo, Ilocano. Iyan lang ang mga warriors diyan. [applause]
Sa Cebu, sa amin? May isa lang dito Cebuano, isa lang, susmaryosep. Lalo Bohol. Sa Bohol, pari. [laughter] Totoo ‘yan. Pagka well-to-do na family ka, ang kultura sa Bohol, you must contribute one of your sons and daughters or daughter mag-madre.
Kaya ‘yan sila sa Mindanao, si Valles ‘yung Archbishop namin. Puro Boholanon.
‘Yung isang Secretary ko, si Evasco, komunista man ‘yan. Nahuli ng Scout Ranger, nagkasal-kasalan sila doon nung… ‘yung [unclear] natiyambahan sila. Eh patayin na sana ‘yan ni Estares, PC.
Sabi niya, piskal ako noon eh. “Piskal, tapusin na ito.” Sabi ko, “Pari ‘yan.” [Gaba?] ‘yung… “Huwag…” So…
They were in prison but Aquino released all, pati si Sison pina… ‘yun labas lahat. Hanggang ngayon walang nangyari.
Just like ‘yung… But anyway, we do not have the time. I’m… ‘Pag nag-takeoff ako, nabangga ako diyan sa niyog, tapos.
Susunod ninyo makita si Robredo na. [laughter]
Kung walay swerte, eh ‘di wala. [laughter] Ganun talaga ‘yan. And I suppose that the Armed Forces and the police will see to it that the Constitution is followed.
Kaya sabi ko sa kanila, “Maniwala kayo diyan mag-diktador ako? Patayin ninyo ako.”
If I overstay in the office even one day, you oust me and you kill me.
Wala akong ambisyon. Gusto ko ngang umalis na. Alam mo kung bakit? Alam mo ba kung magkano ang sweldo ng Presidente? Sa pagod kong ito?
Punta pa akong Maynila tapos mayang gabi, ihatid ko pa sila, si ano… [laughter] Manila tapos diretso ako ng Davao. Sila Secretary Piñol, mag-uwi man ‘yan ngayon.
Sa pagod ko tapos alam mo ang sweldo ko? 200. Dalawa ang asawa ko. [laughter and applause]
Totoo man. Alam man ninyo ‘yan. Hindi pala — bakit, hindi — isa lang ang puso mo, isa lang rin ang magkasya. [laughter] Para mang computer ‘yan, pasok nang pasok man lang ‘yan.
Totoo. Nagrereklamo ako sa kanila. 200? Wala akong meal allowance, wala akong representation. Ako lang mag-isa mag-uwi, puntang opisina, tsaka ‘yung barge ko na bugbugbugbugbugbug super hina.
Eh kung abutin kami ng buwaya diyan, kayang habulin eh. Tsk. Ako, totoo. Ang ideal salary ko, ako… ako ang mag-estimate, dapat sa akin talaga, walang biruan — 1 million 500. Oo.
Sa pagod ko, sige lang lipad eh, sige pa salute. [unclear] salute… [laughter]
Paglabas ng bahay, nandoon ‘yung gwardiya doon pagbukas, salute. Eh alang–alang hindi mo salutan. (salute) [laughter]
Pagpasok mo nandiyan ‘yung Coast Guard na nagbabantay doon sa y****** lantsa ‘yung nakaparking, salute. [laughter] [imitates Coast Guard] salute.
Pasok doon sa barko, ‘yung nag-drive doon, salute, salute. Pagbaba doon may dalawang sundalong naka-ganun ang… salute na naman.
Pag-akyat sa taas, kakapoy… [laughter]
Hindi nga ako nakatapos ng ROTC… sige’g salute. [laughter] Hindi naman ako nakatapos sa ROTC. Ha. Ayoko… Hindi ka pwede… Hindi ako pwede talaga mag-ano. Ano lang tanod, okay na ‘yan sa akin.
So those are the things that I came here for. One, sundalo ko. I address sa sundalo ko kasi ako ang Commander-in-Chief.
Kay sinabi ko sa kanila, nag-warning talaga. Buti nandiyan ‘yung media.
Kasi minsan pinapatawag nila ‘yan. And I — I was — kasi I was expecting na pagkatapos ni Bong — saan? Nagtago na. Ayun, guilty siguro kasi nasa likod. [laughter]
Tapos niya, marami pa namang pinatawag. Usually — sir, kung binabastos kasi ng — sinisigaw-sigawan. ‘Yan ang ayaw ko diyan.
You know, look what happened to Angie. Sinabi nitong Trillanes na ‘to. Nagtindig. Ang sagot ni Angie, “Give me time because I have to defend my dignity.”
Tapos sabihin man, “Ah you have no dignity. You sit down.”
Kaya si Angie — Na-assign sa Davao ‘yun eh. Mawab.
Pumunta doon sa puntod ng nanay niya sa hiya — hindi matanggap ng sundalo ‘yang ganun eh, sa totoo lang.
Alam ko ‘yan, katagal kong mayor. And I was the Regional Peace and Order Council kaya Region XI pareho ni Inday. Kaya marami siyang kakilalang mga sundalo.
Sabi ko sa media, nakikinig…: “Pakisabi lang most respectfully. I am asking Congress, sir, na huwag lang bastusin ‘yung sundalo pati pulis.”
Kasi ‘yang — mura gani’g kasab-an nimo, mura ka’g OFW diha nga…
Huwag ganun kasi magrespetuhan tayo. Congressman din kasi ako noon eh.
At ako noon, pagka ‘yang sigaw-sigaw, maski civilian, lalo na ‘yang mga Intsik nung pinatawag, ah kawawa.
It’s not because that you are here in this lectern as somebody na… you have the right to demean, degrade, rob him of his dignity.
Kaya ang utos ko sa inyo, sir, as your — as a Cabinet member, ‘pag sinisigaw-sigawan na kayo, sabihin ninyo: I am here because I was summoned by the Committee. I am here because I have to tell the truth. And I’m going to do that. Please do not insult me. ‘Yan palang mag-umpisa ka na. I will answer you truthfully.
Ngayon kung sige kayo sigaw-sigawan, tumindig kayo. Sabihin mo, “I will not allow myself to be the subject of — hindi ako wallpaper na basta target-targetin mo na lang diyan.”
“The suggestion of the President is that I stand up and leave. Arestuhin mo ako — contempt —Faeldon na… okay lang.
Pero ako, sir, as the Commander-in-Chief and the head of the Cabinet of the government, talagang — hindi talaga ako papayag niyan. [applause] Hindi talaga ako papayag.
Ma-contempt ‘yan sila, presuhin ‘yan diyan sa Congress, kukunin ko talaga ‘yan. Sabihin ninyo — ako lang mag-isa, hindi man ako mag-kudeta, kudeta, ako lang. Bakit ko idamay ang sundalo?
Kunin ko ‘yan — kunin ko si Secretary Piñol o si General Guerrero, either buhay ako or patay ako, basta kunin ko. [applause] Makiusap ako kay Jagger, hindi ako maghingi ng sundalo, pahiramin mo lang ako ng isang tangke de giyera. [laughter]
P**** i** ipasok ko ‘yan doon sa session hall. Sige ‘gay na. Ubos tayo dito lahat. Totoo, ayaw ko ’yang ganun.
Meron na kasing nakaraan so I thought that afternoon na there will be more testimonies. Pinauna na kasi ako kay tapos naman si Bong, pumunta na kaagad ako ng opisina. Nandoon ako sa bahay nakikinig eh.
Sabi ko siya, ewan ko. Mabait man sila. Hindi naman talaga totoo.
Alam mo, sir, sa totoo lang, for your information and for the information of all Filipinos who are listening to… walang transaction umaabot sa table ko.
Magtanong na kayo kung sinong Cabinet member, magtanong kayo sa Malacañan mismo.
Kung ‘yan MRT, hanggang kay Tugade lang ‘yan; kung airport, kay Tugade, pirmahan niya lahat, kanya ‘yan. Trade kay Lopez, kanya ‘yan.
Ang umaabot sa akin ‘yung appointments pati ‘yung security matters.
Kaya wala… kaya kami magsalita, ako, kaya ko talaga kayong — mga l**** kayo. Kayong… ‘yung ABS? Inquirer? Rappler? Bakakon.
Talagang kaya ko kayong murahin. Anong makikita ninyong butas sa akin?
Sinabi ko, may deposito ako sa bangko, hindi ‘yan lalagpas ng 40 million. That includes my inheritance and all sa aking 72 years dito sa buhay na ito.
Wala man akong tinatago. Kaya hindi ako papayag ‘yang… eh ‘yung iba kasi may tinatago man sila. Eh ako maski anong… maski istasyon, minumura ko ang p** — totoo man kaya ganun.
Ako nakikiusap lang na just a little bit of… Sabi nila, “Ay Duterte hindi man ‘yan pang-Presidente.” Tama.
Ang ugali ko, sabi nila bastos daw ako. Tama. Ang bunganga ko, madumi. Ay p** — Tama. [laughter] Kasi hindi ‘yan siya pang ano, hindi statesman. Wala man subject sa amin na daanan ko sa law na statesman, how to be a statesman. How to survive, marami.
No, I never — I said I never shifted my paradigm — mindset ko from the transitioning from being a mayor to a President.
And you must know that I’m the oldest guy elected as President. How can I change now?
At this age baguhin ko ang ugali ko? Na hindi na ako mag — wala na. Hindi na ako magmura, hindi na ako makalabas ng bahay, hindi na ako makapagligaw ng… [laughter]
‘Di mo ako sagutin, ihulog ko ‘yang helicopter. [laughter] Butasin ko ‘yan. Ano, mag-o-oo ka o hindi, kasi butasan ko ‘tong helicopter na ‘to. [laughter]
Ganun lang naman ang buhay. Susmaryosep… Nakaw-nakaw. Sanay tayo sa hirap.
So I am very lucky to meet you and the soldiers because I love my soldiers and I lo — medyo may problema lang ako sa policemen. [applause]
Hindi ko mabitawan si Bato because Bato enjoys my full — At saka ang pulis, may mga problema akong kaunti.
Tapusin ko muna. Sabi ko kay Bato, “Tapusin mo muna ‘yung problema ko sa pulis.”
Eh ang pulis talaga, I mean, even when I was mayor, problema talaga.
Tingnan mong… tingnan mo ha. May witness ako na pulis. Prosecutor ako for nine years eh.
“What’s your name?” “Sir, Patrolman 1st Class…”
“And you were assigned where?” “Sir, at the Buhangin Station.”
“You are the what? Investigating police officer?”
“Yes sir.”
“Ah okay. You have an affidavit?” “Yes sir.”
“Where’s your affidavit?”
“Sir, I gave it back to the investigator, ‘yung chief investigator namin.”
“Okay. Do you think you have an affidavit dito?”
“Siguro sir. Sa file ‘yan sir eh kasi sinasama.”
Tingin ko, pagkita ko, “Is this your affidavit? Is this your signature?” “Yes sir.”
“This is your handwriting?” “Yes sir.”
“You narrated everything here?” “Yes sir.”
“All true and correct?” “Yes sir.”
“Okay. So let’s start.”
“So who called for the assistance?” “Si ano sir, si ano.”
“Now, when you were there, what was actually happening?”
Tapos sabi niya… Alam ko na [magtao?] ‘yun… Basta magkamot ka, maski — Alam ko… Body language.
“Sir, pwede akong mag-uusap?” “Bakit?”
“May ano, sabihin ako sir.”
So… “Your Honor, one minute.”
“O bakit, anong nangyari?”
“Sir, ano man sabihin ko dito? ‘Yung affidavit ko o ‘yung totoo?” [laughter]
P***** i** kang pulisya ka. Ipakulong mo talaga ako. Kaya maraming… Ganun eh. Mangahot ka usahay.
Alam mo lahat ng criminal cases, isang piskal, isang sala. People of the Philippines – De Los Santos, for the prosecution. People of the Philippines vs. Marquez. “Your Honor, for the prosecution.” So, kami walang panahon mag-interview.
Ang amin lang kung may affidavit ka at nagsasabi ka ng totoo, ‘yun na ‘yung guide namin.
For the first time, wala ng practice-practice. Eh… “Unsa may akong i-sulti sir? Ang tinuod o ang affidavit?” T*** i** Patay…
‘Yan ang typical ano. So I have a very serious problem with the police. But still by and large, okay ‘yan sila.
Davao, wala ka talaga. Puro mababait, even in other places unless ‘yung may malakas ang droga. Manila really is a very, also a problematic place.
But by and large, okay na tayo. Huwag na niyong papasukin ‘yang NPA na ‘yan.
Ang NPA, sabi nila kill a soldier one day… One day? One day, one soldier.
O, ako may counter-offer ako. Sana nakikinig itong mga buang na ‘to.
Ako, ‘pag nakapatay ka ng NPA, isa, bayaran kita 25,000. No questions asked. 25,000. Ilagay mo lang ‘yung ulo sa balde, lagyan mo ng ice para hindi magbaho. Eh kalayo ng opisina ko. Totoo.
Kung squad leader mapatay ninyo, singkwenta mil. Ganun rin. Kapitalan mo na ng plastic pati ice. Sige, totoo ‘yan. ‘Yan ang ano ko — 25. Basta squad leader, official, 50.
‘Yung mga tax collector, ‘yung mga babae, mga medic-medic kasali kayo. Ah kasali kayo. Walang sabihin mo may armas-armas. Eh kayo naman nangongolekta.
Bilib kayo kay Sison na wala namang utak ‘yang… Parang tingin ninyo ang diyos. Tingnan mo nag-surrender sa Davao for 17 years ang mag-asawa.
Kaya ‘yang sa newspaper ‘yang barilin ko ‘yung p***** mo, totoo ‘yan.
Pero ganito ang istorya. Ilan… Galit ako sa maraming anak eh. Ilan ang anak mo? [unclear] 8? 9? Maawa ako.
Ito 17 years, [unclear]… iniwan nila ‘yung bata nagbalik sila 17 years old na. Tingnan mo ang kaga**** ninyo?
Tapos makinig lang kayo ng p***** i**** Sison na walang utak. Ginagawa ninyong diyos. Magpakamatay kayo. Pinapatay ninyo ‘yung kapwa ninyong — Tapos… can never hope to…
Kaya ‘yung lahat napunta noon sa ano Malacañan kagabi, second batch. Papuntahin ko sila sa Hong Kong, China. Ito o. Komunista man ito… Tingnan mo. O sa Hong Kong.
Aabot kaya tayong tanang ganito kung kayo ang nasa gobyerno? Papaloko kayo ni Sison.
You treat Si — the dogma of Sison like god. Nagbabasa siya noon ng mga Karl Marx, mga Lenin, sila Trotsky, sila Mao Tse Tung. Akala ninyo ‘yun na rin ang dito?
You know I’m addressing myself again to all of you NPAs. You will never even capture a barangay. Stop your dreams. Sumurender (surrender) kayo, I will pay you. Mag-enroll kayo sa TESDA. Learn the skills ngayon kasi wala na tayong trabahante.
There are a lot of buildings now temporarily interrupted ang prog — Paggawa kasi wala tayong skilled workers. Hindi ka naman pwedeng pumunta diyan sa daan “Psst, halika ka, ayusin mo itong sa auditorium.” Sunog lahat ‘to.
‘Pag flush mo ng toilet, imbes ‘yung ano pababa… pa-akyat ‘yung… Maghanap pa kayo ng master plumber, master electric — Kaya ang sabi ko TESDA ang pag-asa natin.
Kaya ang TESDA binuhusan ko ng bilyon para maka-aral sila. Wala na eh. Sa Davao walang master plumber. Ang architect pati ‘yung foreman nandiyan. Pero walang magtatrabaho. Eh nandoon sa ano. Kaya nandoon sila ngayon sa Middle East. May delegation ngayon doon pinapauwi sila. Better pay.
Sabihin ko na lang sa ating mga kababayan… I will end this by saying, I have a message for everybody especially ‘yung mga kapatid natin na kawawa, pobre. Hintay lang kayo. Bigyan niyo lang ako konting panahon. The — ‘pagka nag…
Alam mo, ang pinakapobre talaga dito ang countryside, ang agriculture na kung hindi lang kayo mag gulo-gulo diyan, ma-distribute natin ‘yung… maski ‘yung mga forestal area natin. Pagbuksan ko ‘yan, basta kayo farmers.
Tapos suportahan ko. Ayan si Manny o taga — bukid man naglaki ‘yan. May trabaho kayo, may bahay kayo. Sa Davao, may 1,000 units ako para sa inyo. Sa sundalo sana ‘yan, pero marami kasi nag-surrender ngayon, eh ninakaw na ‘yung bahay nila doon sa Bulacan. Kinuha ng Kadamay.
Eh ngayon maraming mag-surrender, sabi ko… For the second time, sabi ko sa mga sundalo, “Sige na lang magtiis-tiis tayo.”
Pero pagawaan ko rin sila at least this year. Pero ‘yung nag-surrender kailangan may maibigay ako. Pero ‘yung sundalo, this year I will also start another project. Sila lang… Kami lang ‘yung meron eh, Tagum, Davao del Norte. May housing kami. Para mas magan…
Bigyan ko sila 10,000. Mag-aral lang tsaka pamasahe. Para… just learn the skill para productive ka.
Maraming trabaho ngayon sa Maynila. Maraming construction. O mag-umpisa na ang construction sa railway sa Mindanao. Saan ako maghanap ng trabahante? Kaya uwi na lang kayo at hintay-hintay lang kayo. Maawa ang Diyos.
Medyo hindi na kayo kailangang pumunta sa labas. Huwag kayong pumunta sa labas kasi I cannot protect you. Magtiis-tiis na lang tayo dito and if you are really hungry, na wala kayong makain, you can always go to the DSWD.
Doon kayo maghingi ng bigas pati ulam. Naka-stock na ‘yan. Dito marami akong stock dahil nga in anticipation sa bagyo. But we changed it because may mga expiry. So we are ready to provide you with all of these.
Konting tiis lang. But… paano ba… I’m on my second year. Maybe towards the end of the third year and the early part of the fourth year medyo angat na tayo.
The economy is hitting 6.7 ngayon. Malaki ‘yan. Next to China tayo. Ang dito lang agriculture is mga saging, mga pineapple. De p*** ining mga NPA, ginahingian, ginasunog ‘yung mga ano…
So paluslos tuloy ang Pilipino. Ang pinaka-ano kasi kung may ano kayo dito — Anong gusto niyo, niyog? O dito ilagay mo dito ang oil mill. Kasi kung ilagay mo ‘yung lubi dalhin mo pa kung saan-saang lu… doblado na ang mahal.
Alam mo ang malas ng Pilipinas? Ewan ko, Diyos lang ang makasagot nito. Ang Indonesia, may oil. Brunei, may oil. Ang Malaysia, may oil. Tayo, wala. Kokonti lang gas natin [Malampaya] kinurakot…
Uwi na tayo. Nag-init ulo ko. [laughter] Somebody has to account for the loss of it. Hindi ako papayag na… ‘Yung Malampaya, may kita ‘yan.
Kailangan talaga may managot diyan, hindi pwede ng…. ‘Yung sa akin pwede ako magpasensya, pero kung utang mo sa Pilipino — Lahat ngayon bayad.
Lahat ng mga negosyante na malaki, inabot na nga ng seven billion, ayaw magbayad. ‘Yung utang niya panahon pa nila. Apat na Presidente. “Ten days.” T*** ‘pag hindi…
So sorry for the — ‘Yan ang… ‘yan ang kabigat ng problema ko. Pero tutal pag-uwi may baon man ako. Ewan ko kayo. [laughter]
Ako may baon ako, ‘yan o. [laughter] Alangan… Wala kayo ‘no? [laughter] Pasensya kayo. ‘Yung mga uyab niyo, wala?
Muadto na ako kay… Uwi na tayo? Nainip ka? Uwi na raw kami. Nanunuod pa naman ‘yung dalawa asawa ko diyan. Pssst, [sira?] mo… [laughter]
— END —-