(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s ‘Sa Totoo Lang” interview over state-owned PTV-4, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
“SA TOTOO LANG”
INTERVIEW OF MR. ERWIN TULFO
WITH
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
[Aired at PTV 4 | 15 September 2017]
Erwin Tulfo: Magandang gabi, Luzon, Visayas, at Mindanao. Ito po ang unang bahagi or ang ating first episode ng programa with the President Rodrigo Roa Duterte, and we will be talking about issues that is happening around the country.
Mga kwento po, mga balita na pinag-uusapan sa mga panahon na ito. Latest, and we will hear it directly from the President. Magandang gabi po, sir.
PRESIDENT DUTERTE: Magandang gabi, Erwin.
Mr. Tulfo: Sir, pinag-uusapan po ngayon sa halos lahat ng sulok ng bansa ito pong issue tungkol kay Senador Antonio Trillanes na nabanggit po ninyo a few days ago na meron po kayong ilalabas at nailabas niyo na nga ‘yung tungkol sa kanyang mga bank accounts. Pero Senator Trillanes immediately came up with a waiver na pwede daw inspeksyunin, silipin daw po ng kahit sino ‘yung kanyang mga bank accounts.
PRESIDENT DUTERTE: ‘Yan ang style niya. Matanong ko lang ang Pilipino: Did it occur to you, a strange thing, na wala siyang bank account ni piso?
I mean, for a senator and a family man he is, until now — nagtataka ba kayo wala siyang sinabi maski isang bank account lang na sabi niya kanya?
General ang waiver. Ang sikreto diyan is ang pera ni Trillanes, spread all throughout this planet. At ‘yung mga bangko na nandiyan ‘yung pangalan niya, may partner siya.
So even if he waives everything there, ‘yung co-partner niyang mga Chinese for every bank, ‘pag hindi maglagay ng waiver, then you cannot open the account. Hindi mo talaga pwedeng buksan. And I am sure na ‘yung mga joint partner niya, mga dummy ‘yan, ‘yung nagbigay sa kanya ng pera.
Or otherwise, ‘yung kinita niya sa China, he was going back and forth about eight or nine times to China, tapos ‘yun ‘yung nag-accumulate ‘yung mga pera niya. But that was the time that we lost the Scarborough Shoal.
You know, going through this report — from another country ito ha, hindi ‘to atin — Trillanes has several currency accounts in Shanghai, Zurich, Geneva, and Singapore.
He has an online savings accounts with ANZ — ANZ Bank and ABN. AMRO, Shanghai. All foreign accounts of Trillanes are flagged as having international transactions.
Aside from the accounts in Asia and Switzerland, he has four savings accounts in Cayman Islands, which were opened online. British Virgin Islands, four accounts. Balances of these accounts are below 700, whereby most of the accounts are within the USD 100,000 – 300,000 range to avoid detection in terms of large amounts of money.
Dito sa Pilipinas, mag-deposit ka ng 400, wala nang tanong. Mag-deposit ka o mag-withdraw ka ng 500, tatanungin ka ng bangko, “Saan galing ang pera mo?”
Our providers suggested that before closing his Zurich bank account and Singapore bank account — since all of these accounts are single accounts without co-depositor — additionally the information that we provided has existing slips as evidence of these two accounts and were acknowledged to be in existence.
The U.S. bank account number 927519921320 in Zurich has a balance of $75,000 or Philippine 3,801,385.05. The DBS account number 178000296012 in Singapore has a balance of 193,000.
A closer look on his bank account documents in Zurich and Singapore reveals the name Antonio F. Trillanes. Check on this name because the senator’s complete name is Antonio Fuentes Trillanes, will force to the wall the senator says the bank accounts belong.
Kasi marami ‘yan silang Antonio Trillanes. The 3rd, the 2nd, and Antonio Trillanes, Jr.
Sabihin niya, “Hindi ito akin. Marami kaming Antonio Trillanes.” Kasi ‘yung pinirmahan nila, “Antonio Trillanes” lang. Sasabihin, “Hindi akin ‘yan. Mrami akong… Baka… maski sa ibang lugar, may Antonio Trillanes.”
Maybe this is the reason why he is willing to sign a bank waiver. Because no four or number four in the name of Antonio Trillanes. Pero ang date of birth and account owner has been confirmed.
Mr. Tulfo: Sir, may mga nabanggit din kayo na… ‘yung may mga lumabas din po sa mga documents na may mga ka-joint account siya na —
PRESIDENT DUTERTE: Oo.
Mr. Tulfo: — these are people who helped him during the last election —
PRESIDENT DUTERTE: Maybe.
Mr. Tulfo: Ito ba ‘yung mga ka-dummy niya?
PRESIDENT DUTERTE: Dummy ‘yan. Sigurado. Kung hindi dummy, totoong tao ‘yan sila.
Mr. Tulfo: Si [inaudible] Go…
PRESIDENT DUTERTE: Hindi ‘yan totoong tao. Kung totoo tao man, wala dito ‘yan.
Mr. Tulfo: Isa pa ho, Mr. President. Meron hong mga tanong po ng mga kababayan. May mga lumalabas kasi, and I think napag-usapan na ho ito, nailabas na ho ito before. They were saying na kinuha niya raw na mga consultants itong mga ito? How true is this? I mean, are you—
PRESIDENT DUTERTE: Yes. There are about mga 200. Basta more than 150. Ang DAP ano niya… that’s why it’s being — it was questioned by COA. Lalabas ‘yan.
Ipapalabas ko ‘yan. Dahil dapat — mali eh. DAP is livelihood, para tulong sa taong kababayang na mahirap. Accelerated Development nga eh.
Ang iba namang… may kaso, nag-create sila ng dummy, doon nila pinasa ‘yung mga pera.
Tapos bumalik rin sa kanila because ‘yung dummy foundation, kanila. At doon inaward, ibig sabihin. ‘Yun ang patakbo na… itong isang DAP niya was used to just give it to people. Parang consultants.
Mr. Tulfo: Umaabot daw po mahigit sa 100 million ‘yung natanggap niya na DAP?
PRESIDENT DUTERTE: He was a favored… yeah. He was a favored… Kakampi siya eh. Nag-mutiny siya, nag-revolt. Pinaaral ng pera ng tao, pinakain ng pera ng tao, ginawang sundalo ng pera ng tao, tapos he revolted against the people who was responsible for his education sa PMA.
Kaya ang recommendation ni Senator Gordon, na i-expel siya. Talaga namang kung nasa harap ng ano, nagwawala palagi, nagwa-walang hiya.
Akala niya, itong… itong Senado, inuman ng mga sundalo. Kita mo behavior niya, para siyang tigas, hindi magpipigil, nag-i-interject na may nagsasalita. Bastos talaga.
Ako, kung ako ang sa Senado, hindi ako mag-ano. I will not suggest anything to them. Bahala sila kung gusto nilang tiisin itong tao na ito. Nasa kanila ‘yan. Wala tayong problema diyan. Hindi naman sa opisina ko ‘yan. Pero everytime the guy opens his mouth on TV, the Filipino people suffers.
Tapos nag-iimbento kung anong mga istorya sa akin.
At least ako, Trillanes, ako, ganito. Kung sakali mang totoong may pinatay ako, at least ang pinatay ko, ‘yung mga criminal. Ikaw, anong pinatay mo? Marami dahil sa pera.
Bago kayo magtanong ‘di tanungin mo ‘yang sino.
Ngayon, ‘yung mga bata. Bakit ko papatayin ‘yung bata? What business do I have killing children?
Mr. Tulfo: Sabi po ng mga kalaban niyo, sir — since you’ve already mentioned about itong mga napatay na mga bata, ‘yung dalawa — si Kian, Carl, and then the other one is ‘yung “Alyas Kulot,” parang sinasabi ho nila na a secret instruction from you for the police to eliminate everybody — kahit sino, anybody, just to eliminate them—
PRESIDENT DUTERTE: No.
Mr. Tulfo: — it’s to stop —
PRESIDENT DUTERTE: This is what I said when I became Mayor of Davao City.
Davao City was a troubled place. At inulit-ulit ko naman sa inyo ‘yan, sa kampanya. Everytime I go out to the campaign, into the [unclear], “If you destroy my country, I will kill you. If you destroy the youth of the land, mga anak namin, ang aming… the only asset, papatayin ko kayo.”
Now, find me a law, international or national, na mali ang sinabi ko. Bakit? Hindi ka ba magpatay ng tao, sisirain ang mundo mo? Ang bayan mo?
Pero wala akong sinabi na, “Hoy, patrolman; hoy, general, patayin mo ‘yan. Siya, Siya.” That was an expression coming from the heart.
Mr. Tulfo: Sir, what the opposition are saying, sir —
PRESIDENT DUTERTE: Oo.
Mr. Tulfo: — the CHR na, “We have the laws.” I mean, hindi ba dapat sundin daw po ‘yung mga tinatawag na… what are these laws for kung hindi natin — if they will not…
PRESIDENT DUTERTE: No, I never said that, “Patayin mo,” na “i-execute mo.” “Patayin mo o paluhurin mo bago pa ma…” Sinabi ko, “I will destroy you.”
I would be referring, of course, being a lawyer and a President, to destroy the organizations of the drug syndicates.
Tentacles ‘yan eh. Go for the drug lord, pero ‘pag may naiwan pang mag-distribute, meron talagang drug lord maglakas ng loob. Kaya dito, sabihin nila, “Pinapatay ni Duterte ‘yung mahirap.” Eh kung lumalaban ka talaga, pinapatay ka talaga.
The police is mandated by law to arrest you. Ang arrest means that he will announce his authority — “Police ‘to. May nagkasala ka, nagbebenta ka ng droga, at hinuhuli kita.”
Now ang… ito, ikaw kriminal, do not resist the arrest kasi ang trabaho nito is to place you under the custody of the law at dadalhin ka sa pulis sa ayaw mo’t sa hindi, dadalhin ka doon sa judge na nag-utos, nag-issue ng warrant, o dadalhin ka doon sa pulis para i-bu-book ka.
Ito ngayong police must overcome, kung ayaw. Ang duty ng police is to overcome your resistance. Talagang kukunin ka. Eh pulis, otoridad eh.
Ngayon, pagka bumunot ka, lumaban ka, at itong pulis, sa kanyang isip, naku, maunahan siya ng putok, mamamatay talaga siya, he can shoot.
What are the factors involved? Unang-una, self-defense. Papatayin ka talaga ng criminal eh. Ano ang pangalawa? Performance of duty.
Because ang sabi ng batas, you have to overcome his resistance by what ever means.
Tapatan mo kung ano, baril for baril. Kaya ‘yung maraming nahuli, ayaw magpahuli lalo na ‘yung lasing. Hinihila ng pulis makipagsuntukan ang pulis. The duty of the police is to overcome their resistance kung makipagsuntukan.
Kayong mga pulis na dedicated, kayong pulis na gusto lang magtrabaho at takot lang kayo sa kaso, dito sa akin — ‘Yan nga ang sinasabi ko eh. Huwag mo lang akong bolahin.
Do not lie to me kasi babarilin kita ‘pag binola mo ako. Sabihin mo ang totoo sa akin para malaman ko kung paano ang depensa mo.
But always, I will support you, I’ll give you the lawyer. Ang sa Davao noon, I provide the salary while being suspended.
So ngayon ganito, wala naman akong… hindi naman magamit, wala namang batas. But you know there are friends, marami akong kaibigan na sabihin ko, “Saluhin mo lang ang sweldo niya.”
Kasi ako hindi humihingi ng sa kaibigan. Hindi ako humihingi sa mga Chinese.
Ikaw taga-Davao ka, magtanong ka, tanungin mo. Wala ako ni minsan hinihingian ng maski piso. Kaya ngayon kung mag… ako ang maghingi ng pabor, anytime. Ganun ‘yan sila.
Kaya ako pro-police, pro-military sa trabaho. Kaya nga naman ako pumupunta ng Marawi na ‘yan, maski nag-putuk-putukan na doon.
Sabi nila pumasok kami ng Mosque. ‘Yung Mosque naman provided the shelter, ‘yung bala na galing taas.
Alam mo galing ng bala, ilang tao na nag-New Year dito sa Manila ganun, Davao, patay ka talaga.
Kaya best way is to punta kami ng Mosque, tiningnan ko rin. Sabi ko sa kanila, “Hindi ako pwede — Hindi ko sabihin sa sundalo, ‘Maghubad kayo lahat ‘yang lahat, ‘yang mga generals.’” Eh kasi, naka-scatter ‘yung bato pati ‘yung broken glass.
Maintindihan na ‘yan ni Allah. I know that. He will be forgiving. Si Allah will understand that. Huwag ninyo akong lokohin. Maranao ang lola ko. Don’t… Huwag mo akong bigyan na drama ng ganun. Pare-pareho lang tayong Moro.
Mr. Tulfo: Have you tried… kasi sabi ho sa mga reports na itong mga Maute are, itong mga natitira ngayon are hiding sa mga Mosque, ginagamit nilang shield. Ngayon have you tried… at pinapayagan umano ng mga ilang Ulama, ng mga Imam na maging shelter ‘yung kanilang Mosque. Have you tried or some of your people to probably back channeling na makausap itong mga ito? To help the government instead — instead of helping the Maute? But answer that sir, sa aming pong pagbabalik, marami pa ho tayong pag-uusapan ni Pangulong Duterte.
—-
Mr. Tulfo: Nagbabalik po itong ating kwentuhan with the President. Sir, before you answer ‘yung question ko about doon po sa mga Maute na nagtatago sa mga Mosque. A lot of people are asking. Ano raw ho ba talaga, bakit ganun na lamang kagalit po ni Senador Antonio Trillanes sa’yo at sa’yong pamilya? What happened? Hindi po kasi alam ng mga kababayan ho natin na suddenly biglang nag-ngangaw — Ang alam ho natin, gusto niyang… balita noon, gusto niyang maging bise presidente mo. Hindi po natuloy ‘yun, tapos after that, talagang sunod-sunod na ‘yung banat, hanggang ngayon. Damay na ‘yung mga anak mo dahil sa — Was there something na… happened?
PRESIDENT DUTERTE: Ito si Trillanes, ano ito, salbahe na tao. Salbahe talaga ‘to. He takes it personal, kasi bilib masyado sa sarili.
One night before the election, tumawag siya. Hindi ko ito kilala ‘tong
’to eh. — Ayaw kong makipagkita dito sa mga ganitong klaseng tao eh. Na magpahambog na mag-mutiny-mutiny, talawan pala. ‘Pag ka ganun ka, magpakamatay ka sa prinsipyo mo. Aysus.
Tapos ito siya, gusto niya akong makausap. Pumunta ako sa [Linden?]. Ito ‘yung picture, the only picture that I have with him.
Kinausap niya ako na gusto niyang mag bise presidente sa akin. Sabi ko, “Ayaw ko.”
Mr. Tulfo: Ano hong naging reaskyon niya, sir, nung sina — nung tinanggihan niyo na maka-tandem niyo ho siya as bise presidente?
PRESIDENT DUTERTE: He’s a very wily person. Wala, parang — Sabi ko, “Hindi ako tatakbo.”
Pero hindi ko lang masabi na, “Ikaw klaseng tao, maging bise ko?”
Alam mo, pagkatapos ng inauguration ko, hindi pa ako nakababa diyan [garbled] may putok na ng baril. Pareho kami ni Aquino. Mahulog na ako.
He’s a very dangerous — Ambitious kasi eh. Eh gusto kaagad bise presidente. Gusto itong mag-presidente. Hoy, Pilipino, gumising kayo sa mga ito.
‘Yan si Pulong, 18 years old ‘yan, nagtanan ng Muslim lady, 24 years old. Kaya sumama ‘yan sa asawa niya kung saan-saan kasi siya doon… doon na siya kumakain, nakitira eh.
Eighteen lang ‘yang tao, bata na ‘yan. Sama talaga ng loob ko. Nung nanganak na, medyo nag-areglo na kami kasi may apo na eh.
Pero that guy, naghirap ‘yan sa pag-aral, [garbled]. Matagal nakatapos ‘yan. Tapos sanay ‘yan siya sa pantalan. Kasi ang negosyo ng in-laws niya, at tumutulong siya kasi pinapakain siya doon ng babae, ang mga jars, ‘yang mga maling, ‘yan. ‘Yan ang negosyo ng in-laws niya. Diyan natuto ‘yan si Pulong sa pantalan.
Kaya sabi ko nung pinatawag siya. Sabi ko, “Punta ka. Sabihin mo lang ang totoo, na talagang lumaki ka sa pantalan dahil sumama ka doon.” Hiwalay na sila ngayon.
Mr. Tulfo: Kilala ho kayo ng sambayanan na matapang, na kaya mong sikmurain ‘yung mga ganito. But then, as a father, how did you feel na inaakusahan ‘yung anak niyo?
PRESIDENT DUTERTE: You know, if kayong mga Pilipino, maybe you have a short memory. ‘Di ba nung election ‘yun pa rin? ‘Yun pa rin, ‘yung akin.
Nagpirma na nga ako ng waiver. Hindi nga ako nagpirma ng waiver. Ngayon, ang umaatake, pinipirmahan na naman ako ng bagong waiver.
Sabi ko, “Hoy, hoy. Hoy, ikaw, Trillanes. Hindi ka abogado. Para kang — You want evidence against me? Do not get it from my mouth. Maghanap ka ng ibang sources mo. Huwag mo akong gamitin.”
Either mechanical na magsulat ako. Gamit rin nung utak ‘yan eh.
Pareho na ‘yan siya nagsasalita kasi hindi ka makapirma kung hindi mo gamitin utak mo.
Kaya’t bobo talaga. Sabi niya, waiver nang waiver. At siya naman, blanket, ibig sabihin, maghanap ka, wala talaga. Na ang sunod tanong ko, “Ikaw senador, wala kang maski isang passbook? Binobola mo ang…”
Saan ka ba natuto niyang honor na ganun? Akala ko galing ka PMA?
Mr. Tulfo: Alright, sir. Moving on. ‘Yung question ko po kanina before we went on a break, ‘yung — Have you tried or maybe a team of you or mga tao ninyo to talk to the Ulamas ng Marawi or ‘yung mga Imams? Kasi ginagamit ng Maute ‘yung mga Mosque nila. And you don’t want this Mosque bombed. Respeto na para dito sa Islam.
PRESIDENT DUTERTE: Look, if you are a President, you have to turn to a lot, a lot of things to consider.
One is that ang away natin sa tao naman terorista. ‘Yung mga ISIS pati ‘yung Maute. It has never been an issue of religion. It is not and it isn’t — Eh wala ‘yan eh.
Ngayon, if you bomb purposely to destroy, to force the surrender, you’d have inflicted the pain on all the Muslims.
Now, remember, mga kababayan ko, that there are more than two million Filipinos working in the Middle East, most of them Muslim states.
Kuha ninyo ako? Kaya sabi ko, “Maghanap na kayo ng ibang paraan. Mag-konsulta kayo ng mga special forces ng America o Canada o China or even Israel.”
Kasi ‘yung sa Entebbe, maganda ‘yung performance nila doon eh.
Sabi ko, “But I will never allow the destruction, total destruction of it. Do not do it.”Ako ‘yung nakapang — ako ‘yung…
In fairness to the military, ako ‘yung nagpatagal ng giyera. Ayaw ko kasi. Kasi ang naka-[unclear] niyan, milyon-milyong Pilipino. And we will not recover.
Sabi ko, “Maranao ako. We will not recover this, the love and the — ‘Huwag ‘yan.”
Sabi ko, “Maghanap kayo ng paraan. Gapangin ninyo na parang linta diyan.” Eh problema nasa baba eh, on the ground.
Eh isang — Magkamali ka diyan na papasok kayo, puputulan talaga ‘yan ng ulo.
How many of them? They say it’s 40. Sometimes the number goes up to 120. Sometimes, it says there are about to 200. Whatever.
Maski ilagay mo dalawa, tatlo, ‘pag magkamali ka diyan, Erwin, ‘pag pasok niyan, putulin ‘yung ulo niyan lahat, ‘yung mga ISIS.
Tapos i-display ‘yan na — Ito ang tanong ko. Sinong managot niyan? Ang ISIS? Kalaban eh. Ang Maute? Military? “Inutusan lang man kami ni Mayor na pasukin na.”
Bombahin ko ‘yan, eh nasira. ‘Pag dating ng araw, “Sinira ninyo ang Mosque.” “Utos man ni Mayor. Hindi man siya — hindi naman kami pinigilan.”
Kaya sinabi ko na, “Huwag kayong magalit sa akin. Do not be offended, you guys, military pati pulis.”
Sino bang ayaw matapos na ‘yan? But the larger picture is ang nakataya diyan, sobra sa two million.
Mr. Tulfo: Sir, do you believe na we really need all the help lalo na mga intelligence agencies, Malaysia, Indonesia? And then ‘yung mga equipment from Australia, from US, from Japan, all over the place. Do we really need that sir sa inyong palagay?
PRESIDENT DUTERTE: Well, it can help. But kung maski tayo lang, rebellion lang ‘to eh. Bala for bala lang, baril for baril. And the superiority of numbers.
Alam mo, ganito. Sabi ko nga sa military pati pulis, “Ibahin ninyo ‘yung doctrine or you write an altogether new doctrine. Adopt a doctrine.”
Ganito ‘yan. This is the first time na ganitong klaseng giyera. Now, if you want a concrete example, if you want really a parang template, look at Iraq, Libya, and Syria.
Kita mo ang labanan doon, isang taon. Why? Kasi ‘yung style dito hindi ‘yung bukid. Mas madali ‘yung NPA kasi habulan lang sila tapos sniping-sniping.
Dito, barricaded sila with a natural protection. Hindi lang… hindi lang ‘yung grass, hindi lang ‘yung creek, o hindi lang ‘yung bato.
Ito, building. Sementado lahat ‘yan.
Hindi ‘yan basta-basta nalulusutan ng bala but they, sila, gumawa na ng mga…
Mr. Tulfo: Butas.
PRESIDENT DUTERTE: Oo. Tinakpan lang nila.
Apparently, they were preparing Marawi for two years. ‘Yun ang hindi namin naagapan. ‘Yun ang walang sinabi ang mga pinsan ko sa akin na ganun.
So ang flashpoint that they were waiting — actually nag-umpisa sa raid ng droga, ‘di ba? That the police there went to a house to serve a warrant for drugs. Lumaban, nagkaputukan, ‘yun na. Ginawa na nilang excuse ‘yun. Or the opening salvo.
Pero drugs pa rin because the Maute tsaka ‘yung nakita mong armas nila, the Maute brothers were financing terrorism in Mindanao before the… pagdating ni Hapilon. Sige na sila pabili ng droga.
That was ang pagbili ng droga nila, Mindanao. Kaya sila Odicta, sila si… ‘yung pinoprotektahan ni Mabilog, tapos dito si Albuera.
Dito sa eastern side, it was Albuera Mayor Espinosa who was running the show. Dito, sa ano, si Odicta. Kaya sabi, ang una ko the most shabulized, if there is a word.
Dito naman si ‘yung mga drug lords, ang pina-ayaw — Itong mid-Central Mindanao, pinapatay talaga nila ang sundalo ko pati pulis. At itong si Parojinog.
Kayong mga taga-Misamis, for two decades, wala kayong demokrasya. May eleksyon, pinapatay ‘yung kalaban. May mga pulis ayaw sumunod, pinapatay mo, binabaon mo.
Kaya kita mo pag hukay, nandoon ‘yung buto ng mga pulis. Kaya ako galit kay Parojinog pati kay Espinosa.
Hindi pa tayo natatapos dito. Hanggang mag-retire ako, hintayin ko kayo sa labas. Huwag ninyo akong takot-takutin.
Mr. Tulfo: Si Mayor Mabilog po, nag-file ng leave. Nasa abroad po siya para hindi yata muna makabalik dito sa ating bansa.
PRESIDENT DUTERTE: Ang totoo talaga niyan, ang bahay ko, kusina mo lang. Nagpunta ka man doon sa bahay ko. Tingnan mong…
Hindi sabihin na hindi ako maka-afford. Maka-afford ako pero ipagbili ko lahat. So maghiram pa ako. Na mag-retire na ako after five years, may babayaran pa ako, matanda na ako. Bakit ka pa papasok ng ganun?
O, tingnan mo, ‘yung isang pinsan niya, ang bahay — ang wallpaper, hindi ko alam… pera. Sus. 500 pesos. Kita mo ‘yung — It’s not vanity. It’s insanity of drugs.
Kita mo ‘yung tingin nila sa pera, pang-ano na lang. Kaya kayong mga Pilipino, makinig kayo diyan sa Human Rights, bahala kayo. Tutal, ako, I’m just passing.
Mr. Tulfo: Sir, nabanggit po ninyo ‘yung Human Rights. I mean, ‘yung Congress po, binigyan lang sila ng P1,000 na budget.
PRESIDENT DUTERTE: Sabi ko ganito ‘yan. ‘Pag ikaw, head ng investigating agency, huwag kang makisawsaw doon sa baba.
Kasi kung makipagsawsaw ka sa baba, ang… i-report mo mismo, ‘yun na rin ang pagdating sa mesa mo, ‘yun na rin ‘yung resulta sa nakita mo doon sa baba.
Eh kung magdemanda ka, pag-aralan mo na ‘yung iyo ito. O, how can you be neutral?
“Ah, wala ‘yan, nakita nga namin doon sa ano…”
Maghintay ka bago ka mag-comment. Head ka ng isang agency. It’s almost a quasi-judicial because you have the power na i-recommend ‘yung tao para sa [kaparotan?] niya.
Kagaya ng statement niya. Two days, umpisa lang ng Marawi, sabi kaagad ng… nitong Human Rights, magpunta sila ng mga imbestigador. Ang Human Rights kasi is not a police ano… it’s not a police function or thing.
Ang Human Rights is to investigate abuses and wrongdoings of government. Wala silang pakialam doon ‘yung namatay na sinalvage, wala. Hindi nila imbestigahin ‘yun. O baka talaga, totoo talaga drug pusher. Dito sila maghanap ng mali sa gobyerno. Diyan lang ang Human Rights. Hindi ‘yan nagiimbestiga ng iba.
Maybe seldom ‘yung mga massacre, mag-issue sila ng statement. Pero kita mo, ‘yung pamilyang five, pinagsasaksak, ni-rape pa ‘yung dalawang babae.
May narinig kayong Human Rights nag — Mga senador, Hontiveros, sino pa? Sino pa sila? May narinig kayo na? — Para na rin silang Human Rights. Kalaban nila ang pulis. ‘Pag may namatay diyan na bata, ah wala, pulis kaagad.
Palagay na natin pulis. Sabi naman nito ni isa pa, “It is a policy of government.” She was questioning. I mean, how stupid can you get? One or three, five killings would make this — Would one swallow make a summer?
Ibig mong sabihin ‘yun na ang policy namin? Did you not try to consider ‘yung ibang — We discussed sa Cabinet, baka hindi ka kasi miyembro ng Cabinet eh. Everything there is discussed in the Cabinet.
Hindi ‘yan sabihin mong solo lang ng… ni Bato diyan. Nandiyan si Bato, nandiyan si Lorenzana, nandiyan ‘yung National Security Adviser, nandiyan ako. Nandiyan si Andanar.
Dini-discuss namin ‘yan. And we come out with a stand or otherwise with the policy.
Tapos ang questioning ni ano — For want of a better word, kaya lang wala ngang alam, point to a questioning niya na ganun na, parang ito ‘yung policy ng gobyerno.
I do not make a policy alone, my lady. It is a result of a consensus. And after the Cabinet shall have discussed the matter thoroughly. That is why the President has a Cabinet because he has to hear everybody.
Mr. Tulfo: Sir, before we go on a break, ‘yung mga kalaban ninyo, well the opposition, alam niyo na kung sino ‘yun, sila Trillanes, number one daw kayo na human rights violator. Kasi parang wala kayong pakialam ‘pag sumisigaw na raw, nagkalat ‘yung mga patayan, parang hindi kayo concerned, hindi niyo pina-iimbestigahan. How will you react to these accusations —
PRESIDENT DUTERTE: Well, I will not do it because I have to protect the police and the military.
Una, pagtumba niyan, sabihin kaagad ninyo, “Ilang pulis namatay sa akin in the last two days?” May namatay doon sa — ‘Yung dito, nag-raid sila doon sa lugar na namatay ‘yung si Kian. Tinamaan ng pulis ko dito sa ulo. Patay. Tapos…
Mr. Tulfo: So it was not a moro-moro, talagang… dahil may namatay na pulis?
PRESIDENT DUTERTE: Doon mismo sa Caloocan binaril. Because there was this report na ano talaga ang droga diyan. Ang pulis naman, hindi sabihin, “Hala… Baka sa…” Kasi takot nga kung hindi magtrabaho.
“Bakit ka hindi magtrabaho? Magtrabaho kayo.” Kung may nagkamali diyan, isa o dalawa, lasing na pulis, it is not a policy.
But human rights investigator? Why will I dwell with that? Tapos na ‘yan eh. Hintayin ko na lang ang investigation. I am not prone to give comments there because it is not good.
Eh kinabukasan headline kaagad. Tira dito, tira doon. Kaya ako naman, pulis ko, tanungin ko, “Ano bang nangyari?” “Eh sir, ganito.” Then iimbestigahan ko kung ito bang…
Bakit ako mag-comment kaagad? ‘Yung Arnaiz talaga, tanungin mo siya kung gusto mo. Tanungin ninyo, kayo, kayong mga kapitbahay. Kung ayaw ninyo, sabihin ko. O ‘di pumunta kayo sa Leyte. Pinsan ko.
Mr. Tulfo: So may blood relation po kayo ni…
PRESIDENT DUTERTE: Malayo na but related kami. Sige, magtanong ka sa Leyte, mag-tawag ka ng taga-Leyte totoo ba ito.
Ang tanungin mo si Mon Fernandez, taga-Leyte ‘yan. Basketball player.
Mr. Tulfo: Alright, sir, we’ll just go on a break. Sa amin pong pagbabalik, bayan, pag-uusapan naman ho natin itong naantalang peace talks with the NPA and the government. And sabi po ni Jose Maria Sison, he doesn’t want to talk peace anymore with this administration. Sa amin pong pagbabalik.
—-
Mr. Tulfo: Sir, Joma Sison said a few days ago na he doesn’t wanna talk. He will not entertain talking with you or with this administration or at least with this government about peace. ‘Yun ho ang sinabi niya, ayaw niya na rin daw.
PRESIDENT DUTERTE: Pareho kami. Sundan ko na lang siya. Kung ayaw niya, ayaw ko na rin. So there will be no talks for the next five years.
Ito lang ang — Makiusap ako sa iyo. Hindi ko kayo tinatakot. This is not a threat. This is not — it’s just a suggestion, a caveat.
You promised to bring all the Lumads from the mountains na sympathetic sa inyo. I would urge it, that you do it para makita talaga natin ang mga naghihinakit rin sa gobyerno.
So if it’s a massive demonstration, at this early, I am announcing that I am ordering a holiday para walang masaktan, walang ano kung may demonstration diyan, magkagulo. Walang trabaho ang gobyerno ‘yang araw na ‘yan at ang klase suspended. At lahat ng public places dito na gusto ninyong i-occupy, kunin ninyo.
Ibigay ko sa inyo ‘yung araw na ‘yan para sa iyo, para makita naman ninyo. And demonstrate, sabi ko, “Walang Army lalabas ng kampo, walang pulis na magpapatrolya laban sa inyo.”
Ang sinasabi ko lang, I will assign a lean — kokonting pulis lang to maintain traffic, para hindi naman maabala ‘yung hindi kasali. So walang klase, walang trabaho.
Ito lang ang hinihingi ko sa iyo: Huwag ninyong gawain na magsira kayo, you vandalize, magsunog kayo ng mga ganun-ganun. ‘Yung effigy ko sunugin ninyo. Make an effigy, ‘yung kamukha ko. Maski isang libo. O effigy ni sino diyan.
Gawin ninyo ‘yan. I can take the insult. Eh ‘yan ang trabaho ng Presidente, tiga-solve ng problem. It will not affect me because I’m not up for any other election. Tapos na ako. I do not have to make myself popular. Pero do not take the law into your own hands.
Huwag kayong magpapasok ng sabihin niyo red army ninyo na may armas. Huwag kayong magkamali na magsira diyan, sira dito because if you do it, the next thing, ang kaharap ninyo would be the military and the police.
If you remain peaceful, I can assure you, no military or policeman other than the traffic cops will show their face there to threaten you.
And as a matter of fact, I’m giving you all the space, all the streets. Wala nang permit-permit. Sige, bahala kayo.
Hindi ko nga rin kayo mahuli kung manghingi ako ng permit because that is guaranteed under the Constitution, the right for a redress of grievance, the right to free expression, the right to free speech. And you are all Filipinos, I presume, pati ‘yung mga Lumads, lalo na sila ang nauna. Go ahead be my guest.
Parang bisita ko kayo and that will be true for other major cities in the Philippines. But do not break the law. I will not hesitate to use force. Even if it would mean my downfall as President of this country. Tandaan ninyo ‘yan. Wala akong illusions diyan sa president-presidente.
Mr. Tulfo: Nagpahiwatig po ba sila sir na bababa sila, isasama nila ‘yung Lumads?
PRESIDENT DUTERTE: Eh ‘yun ang tine-threaten nila eh. I hope that they would not bring the red — Kasi magsali ‘yang dilaw diyan.
Ang problema ni ganito. Hindi ko malaman dito, wala pa kaming analysis eh. Kung sumasakay ang dilaw sa left o ang left ang sumasakay sa dilaw.
Pero magsama-sama na kayo. Wala akong — Ang gusto ko magsama kayo lahat na may hinanakit sa akin.
Lahat ng namatay sa extrajudicial killing, ‘yung pamilya ninyo. Huwag lang kayong gumawa ng mga bagay-bagay na hindi sang-ayon sa batas.
Kayong lahat na mga NPA sa bukid, sa Davao. Sumali kayo. Bumaba kayo. Mag-order ako sa military, walang hulihan.
Huwag lang kayong magdala ng armas, maski kilala ka ng Army doon sa itaas na NPA ka, bumaba ka. Makihalo ka dito sa protesta.
Huwag lang ho kayong gumawa ng kalokohan, magsira, ganun.
Now, ‘yung gustong NPA na ayaw nang bumalik sa bukid, pumunta lang kayo doon sa istasyon ng pulis — O ‘yung pulis, kayong mga pulis makinig kayo, pati sundalo.
Lumapit kayo doon sa sundalo pati sabihin mo, “Ayaw ko nang makipag-away sa gobyerno.” Tatanggapin ko kayo. Just give me mga one week, tatayuan ko kayo ng bahay. Bibigyan ko kayo ng trabaho.
Mr. Tulfo: So are you guaranteeing their safety sir when they come down and then surrender?
PRESIDENT DUTERTE: Oh yeah. At hindi ko sila gagamitin laban rin sa — Kusang… Ayaw rin niyan kasi masaktan eh.
Huwag na… Hindi ko kayo… Hindi ako mahilig niyan — Maski sa Davao ‘yung — Hindi ko… Sabi ko sa military pati pulis, “Sige i-debrief mo, imbestigahin mo pagkatapos isauli mo sa akin.”
‘Yung guwardiya ko mismo sa bahay, may mga PSG diyan. Pero ‘yung guwardiya ko talaga na naabutan nila, puro NPA ‘yan.
Ang mga baril niyan, ‘yung baril nila sa bukid, hindi ko kinuha. Sabi ko, “Sige, iyo na ang baril mo.” Dinagdagan ko lang ng bala.
Kasi ang NPA naman pag nag-surrender, wala na ‘yan, talagang — Pero huwag kang magtanggap ng magnanakaw pati hold-upper, yayariin ka pag wala ka. Diyan. Diyan ang great divide between an NPA soldier and mga [inaudible].
Kaya hindi ako mainit sa NPA. Kaya marami akong kaibigan. Sa Mindanao, marami na ‘yang magsu-surrender, tingnan ninyo. Eh sinasabi ko, mga kaibigan ko, “Patayin mo ako? O ‘di sige, patayin mo ako. Anong makuha mo?”
Ngayon, kung mawala ako, anong makukuha ninyo? Makausap kaya ninyo ‘yung susunod na presidente? Ngayon na.
Mr. Tulfo: Sir, thank you po. Thank you very much Mr. President. Thank you po.
— END —