(Opening statement of Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at the public hearing of the Senate’s Special Committee on Marawi City Rehabilitation at the Mindanao State University-Iligan Institute of Technology gym on 21 February 2020. Go is vice chair of the committee).
Assalam Alaykum. Sa mga kapatid kong Muslim, mga kapatid kong Kristiyano, magandang hapon sa inyong lahat. Kapitbahay lang naman tayo, kasi karamihan sa inyo, mayroon din tayong Marawi doon sa Davao. Sino yung mga kapatid nating Maranao diyan? Sino yung nakatira sa Davao?
Mr. Chair, my distinguished colleagues, good afternoon to all of you!
Narito ngayon ang Special Committee on Marawi Rehabilitation ng Senado upang dinggin ang mga nagawa, mga hindi nagawa at mga dapat gawin, hindi lang upang makabangon ang Marawi, kundi para makabuo ng panibagong Marawi—isang Marawi na maunlad, mapayapa, at malaya sa mga elementong naging sanhi ng pagkawasak nito, tulad ng droga at terorismo.
It has been a little over two years na po since the five-month Marawi siege ended in October 2017, and the President has two years left in Malacañan. We want to know how the rehabilitation can be completed. We don’t want the responsible officials to be negligent now and then put the blame on the President later on when his term ends.
Kami po, sampung beses na po kaming pumunta ni Pangulong Duterte diyan sa Marawi, noong kasagsagan ng gyera.
The Filipino people deserve to know the truth. Their questions must be answered. Among the matters that we should be addressing today are the following:
How have the amounts allocated as budget for the Marawi rehabilitation efforts been utilized?
How will the government bridge the gap between the diverse culture and beliefs of the internally displaced persons or IDPs in Marawi and the government sector?
Have the IDPs been consulted and included in the planning, the timetable, the use of resources, the choice of contractors or even the design of their new homes to reflect their culture and consider the particular needs of their Muslim community?
Next, What happened to the pledges of financial assistance from other countries?
Alam nating lahat kung ano ang nangyari sa rehabilitasyon ng Tacloban matapos itong salantain ng Bagyong Yolanda. Isa itong naging malaking mantsa, hindi lang sa nagdaang administrasyon kundi sa kakayanan ng buong gobyerno at ng ating bayan.
Huwag po nating hayaang matulad ang nangyari sa Tacloban sa Marawi. Hindi istilo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-iwan ng proyektong nakatiwangwang. Hindi kami papayag ng Pangulo na mangyari ito.
Higit sa lahat, ayaw kong makita na magsisihan tayo dahil walang nangyari at walang natapos. Yan ang ayaw nating mangyari!
Wala namang may gusto ng giyera. Kaya, noon, tiniyak ni Pangulong Duterte na matalo agad ang masasamang puwersang lumusob sa Marawi at matapos ang giyera sa lalong madaling panahon, dahil kapakanan na po ng karamihan ang nakataya dito. Ito ay dahil inaalala niya ang kapakanan ng mga tao, lahat tayo, sa ating bansa, sa buong Mindanao na rin.
Huwag nating sayangin ang ginawa ni Pangulong Duterte at ang ibinuwis na buhay ng ating mga sundalo, pulis at ng mga inosenteng sibilyan.
Wala namang sapat na rason upang hindi makabangon ang Marawi dahil may mga nakalaang pondo at may mga donasyon. Suportado rin ng Pangulo ang bawat aksyon na may kinalaman sa rehabilitasyon.
Magtulungan po tayo. Bilang isang Mindanaoan, ako mismo ay gagawin ang lahat ng maaari kong maiambag, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kalusugan.
Nais ko pong ipaalam sa lahat, na kanina lang po ay binuksan na ang Malasakit Center sa Amai Pakpak Medical Center, kung saan magkakaroon na kayo ng one-stop shop medical assistance. Isang araw na lang po, hindi ninyo na po kailangang pumila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Nasa loob na lang po ng hospital yung DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO.
Kaya naman nandito kami ngayon, ng komite, at kasamahan kong apat na senador, mga adopted na po ito ng Mindanao — si Bato, kilala niyo naman po, taga-Davao, si Senator Zubiri, Bukidnon. Talagang mahal kayo nito, pinaglalaban kayo sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) at siya rin po ang nagsulong ng BARMM sa Senado. Si Ma’am Imee Marcos, ang ating adopted sa Mindanao, and of course, si Senator Tol Tolentino, adopted na rin po ito ng Davao City. Palakpakan po natin silang apat.
May mga katanungan pa po tayo. Kaya naman nandito tayo ngayon para gisingin kayo at alamin kung ano pa ang kulang. Kailangan ba ng dagdag na pondo? Kailangan ba ng mas magandang plano? Ano pa ba ang kailangan nating gawin para matapos na ang rehabilitasyon ng Marawi?
Kanina po, dumaan kami sa isang subdivision, may mga daan. Nag-umpiso na po yung mga daan, pero napansin ko, mas marami pa po kaming mga sasakyan kaysa sa mga bahay na natapos. Kaya yun po ang gusto kong tanungin, kailangan po ba ito matatapos? Ayaw natin na mag-iwan ng nakatiwangwang ang administrasyong Duterte diyan. Ako, bilang malapit sa Pangulo, kaya po ako narito, gusto ko po na maging tulay kami ninyo kay Pangulo. Kung may reklamo kayo, may gusto pa kayong iparating sa Pangulo, iparating ninyo na po kaagad ngayon. Kung gusto ninyong pagalitan kami, pagalitan ninyo po kami. Papakinggan po namin kayo.
Marami rin sa mga kababayan nating taga-Marawi ang naghihintay at nasa Manila ngayon at naghihirap. Nagiging vendors sila sa Pasay at sa Maynila, sa Metro Manila. Gusto lang nila mabuhay at maghanapbuhay.
Ano ang plano natin para sa kanila? Kailan pa ba sila makakauwi, o may mauuwian dito sa Marawi? Makakapaghanapbuhay ba sila pagbalik nila sa kanilang lugar?
Sa mga kababayan nating taga-Marawi: Nandito kami ngayon para tulungan kayo. Sabihin lang ninyo kung papaano. Sana ay magkaisa tayo para tuluyan nang makabangong muli ang Marawi.
Mr. Chair, my distinguished colleagues, thank you. Salamat rin po sa lahat ng nag-participate dito.