Presidential Communications Office
Presidential News Desk
SPEECH OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING THE TAPATAN: GOBYERNO AT MAMAMAYAN IN LAMITAN AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES COOPERATIVE (LARBECO) [Delivered at LARBECO Compound, Lamitan City, Basilan |10 October 2016]
Maayong hapon. Moro rin ako ha. Maranao lang. Mainland kami, mainland. Nagpunta ako dito…Maupo kayo. Sorry. Sorry.
Si Governor Jim kasi sinabi sa amin ‘yung pagkasira ng niyog sa peste. Tapos ‘yung kailangan ng tulong. Kaya sinabi ko kay Manny: “Man, puntahan mo nga doon kung anong maitulong natin sa ating mga kababayan.”
And alam ko ho na pati hanap-buhay ninyo, pati ang pamilya, nagdudusa rin, suffered. And, Basilan was declared state of calamity. ‘Yung mga kinakailangan ho ninyo, ibinibigay namin kaagad at ihahabol namin kung ano pang kailangan ninyo dito [applause] lalo na sa rehabilitation ng ano natin, ‘yung coconut industry.
At sabi ko man kawawa ‘yung mga tao doon, malayo talaga, malayo sa lahat. Puntahan mo nga doon at kung ano ang — pera-pera lang naman, sabi ko kung may pera ka, i-una mo na.
Ito pa lang… Ayaw ko na lang magmura kasi bawal nga. [laughter] Eh bakit hindi ka magmura? Ang tagal-tagal niyan sa warehouse. Kung hindi na — may bagong secretary, pumutok naman si… Ang nagmura si Secretary Piñol. Sabi niya, “bakit ito ang nandito?” Kasi pala, ang farmers, ang gobyerno mag-put up nito pero magbayad kayo. Saan man ta maghanap ng —? Mag-kidnap muna tayo nito. [laughter]
Paano tayo makabayad ng —? Kaya ‘yan ang gobyerno minsan, ‘yan ang pagkakamali sa gobyerno, hindi nakikita ng tao kaagad.
Ngayon the tractors, wala naman talagang pera ang maski mga cooperatives. Ngayon nandiyan na ‘yan, bitawan ko na at ano pang kailangan ninyo dito sa niyog ninyo, ‘yung pagkasira ng inyong hanap-buhay. ‘Yun naman siguro ‘yung kailangan talaga gawin natin. Tulong. Pera lang. Sabi ko, may parte kayo.
Sa gobyernong ito, may parte kayo sa pera ng gobyerno at aabot sa inyo. [applause]
Nakalimutan kong mag-acknowledge. Unahin ko kayong mga taga-rito. Mahal kayo ng Presidente ninyo, so nandito ako. [applause] Si Manny Piñol, Governor Hataman-Salliman, si Representative Jum Akbar, si Mr. Edilberto Martinez, chairperson ng LARBECO, Lamitan… Ito ‘yung compound ninyo? Ang laki. Maganda. One of the success stories ng ano, itong mga cooperative.
‘Pag may makita kami na cooperative at gumagana, inspirado ako mag-buhos ng pera. Pero kakaunti lang dito sa Pilipinas ang success stories. ‘Yan talagang, hindi, hindi kayo ha. ‘Yung sabihin mo na sustainability. Either na-a-abandon ‘yung project o nawawala ‘yung pera; or the next administration, ‘yung papalit, talagang ayaw rin. Mukhang nagmamatigas. Titingnan muna ‘yung resulta ng eleksyon.
‘Yan ang problema dito sa Pilipinas. Politika which is a reality. Sa ayaw mo’t sa hindi, nandiyan ‘yan. So kung ano mang panahon na ibinibigay sa akin, six years. Bilisan na natin. Bilisan na natin kung anong mabuhos ko dito. Sakali naman mag-iba ang panahon, at least sa panahon ko meron kayong nakuha sa gobyerno. [applause]
So ‘yung ano, ‘yung may bangka, sinong awardee ng bangka dito? Aabot pa ito ng Davao. Kayo ‘yung bukas, pwede na ’yan. Ang dinamita, baka dadating rin bukas. [laughter] Tama na ‘yan, tama na ‘yan. Huwag ninyo sirain ‘yung pagkain na para sa mga apo ninyo. Do not destroy the marine life that could feed your children in the coming years. [applause]
Huwag mong sirain ang… Hindi ‘yan iyo. Ibinigay ‘yan ni Allah na para sa anak mo, apo mo, at ang mga anak niyo. ‘Yan diyan ang sikreto diyan. Hindi ‘yan para sa iyo na basta abusuhin mo, kikita ka lang. It ain’t that way, hindi ganoon.
Iyan, biyaya ‘yan ng Diyos. Ibigay sa inyo. Alagaan ninyo, ipasa ninyo. Kami tutulong lang kung anong maitulong. Tsaka isa, kung maaari lang, kung may galit kayo sa gobyerno. Alamin mo lang ‘yung mayor mo, nandiyan man si Governor, o ‘yung pulis, o ‘yung military, sabihin mo may reklamo ako kay mayor kasi inaabuso kami dito o winawalang-hiya kami. At pupunta ako dito’t makinig ako.
Huwag ng daanin kaagad sa barilan. Walang mangyari niyan, sabihin ko sa’yo. Walang mangyari ang buhay natin. Away-away… May hindi kayo gusto, sabihin ninyo sa akin at I will correct it. Ilagay natin sa tamang paraan kung ano ang gusto ninyo. Huwag ‘yung basta-basta na, basta kukuha ka na lang ng baril. Wala talagang mangyari. Ilang taon na ‘to?
Pahinga muna tayo sa panahon ko. Six years ako eh. Pagkatapos niyan, iwanan ko kayo ng bala at baril. Sige, mag-baril kayo doon. [laughter] Saan kayo gusto? Eh, hindi kayo mapigilan eh.
Ang sinasabi ko lang, i-postpone mo, sandali lang ha. Huwag na muna ngayon, mga kapatid ko. Huwag na muna ngayon. Bigyan ninyo ako ng kaunting panahon na bilisan ko ang tulong sa gobyerno. Sabihin ninyo. Eh hindi naman kami kasama sa Republika. Sabagay totoo eh. Nakakalimutan talaga, ang layo pati ‘yung ano ng politics.
But this time, I will make sure na ‘yung pera na para sa inyo, dadating talaga sa inyo. ‘Yan ang maasahan ninyo. . [applause] Maaasahan ninyo. ‘Di ako basta… Titingnan ko lahat. Titingnan ko galing sa itaas hanggang pababa. Sisilipin ko. Para… Sabihin ko sa mga Cabinet ko, pati na sa gobyerno na medyo may ano tayo dito ha. ‘Pag ka ganito ang style, magka-corruption tayo, hindi tayo magkakaintindihan dito. Kumbaga ano lang, away.
Eh sabi ko na ‘nong una man. Basta tatapusin ko ‘yung droga, ‘yung peace and order, ‘yung gulo natin, pati ‘yung corruption sa gobyerno. Mawawala talaga ‘yan. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon. Mawawala ‘yan. [applause]
Kung ano ang sa inyo, inyo. Sige kayo, palakpak diyan. Maya-maya, p*** gaganon-ganon. [laughter] ‘Yung mga ganon… Unang-una, peace muna. Peace. Sandali.
Bigyan ninyo kami ng kaunting panahon na bumuwelo. Kaunti lang panahon, six years lang. Tapos kung hindi kuntento, talagang galit kayo, eh ‘di sige. Pero huwag muna sa panahon ko, kasi gusto kong tumulong sa inyo.
Kaya nga, ako rin sa totoo lang, panalo ako dito sa Basilan pati sa Jolo. Nag-landslide ako. Iyan ang hindi nila akalain na… [applause]
Alam ko na nagkaroon kayo ng koneksyon sa akin dahil sa lola ko. Alam ko na ‘yan ang hinahawakan ninyo noon. Ang nasa loob ng puso ninyo dahil sa lola ko na Maranao. Alam ko ‘yan. Kung sakali man na nandiyan sa loob ninyong tumulong, para rin sa ating lahat, bigyan niyo ako ng kaunting panahon.
Alam kong may palpak talaga diyan. Ang importante marinig ko kaagad kung ano ‘yung pinag-hinakit ninyo. At huwag kaagad diretso sa barilan. Mahirap ‘yan. Gumagana eh.
Ngayon, napunta naman kayo ng Malaysia. Ang ganda-ganda ng lugar nila. Eh, halo sila doon. Kristiyanos, Muslim, ‘yung mga Moro nandoon. Eh bakit, okay sa kanila? Bakit natin hindi ma-okay? Tutal sabi ko, may titingin sa kapakanan ninyo.
And I will see to it that the Moro in Mindanao… Promise ko talaga sa inyo, promise ko kay Nur, that there will be a federal form of government. Unahin na natin, minus muna ‘yung mga issue-issue diyan, kung gusto ninyo.
Sabi ko, kasi bagong Presidente niyang, kung may bagong Constitution. At kung sakali dumating ‘yan, mabilisan nila. Two years, three years, three years mag-resign na ako. Resign na ako. Basta may bagong Constitution nakita ko na dudulot nang kabutihan sa inyo.
Ngayon, ‘pag hindi naman, hindi rin ako papayag. But the reason why I am for it, na gusto ko, dahil lahat, halos lahat ng Moro, leaders, si Murad, si Jaafar, pati si Nur kasali na diyan.
Lalabas si Nur mga next week siguro. Either ipasundo ko siya dito o ako ang babalik dito sa, baka Zamboanga. Mag-usap kami. ‘Yan ang gusto. ‘Yan ang hingiin ninyo na kayang ibigay. Hindi ‘yung pwede sabihin mo hatiin natin ang Mindanao. Kagaya ko, saan ninyo ako ilagay? T***** ina.
Eh ako, alangan naman umuwi ako ng Iligan. Andiyan sa Iligan ang bahay ng lola ko, patay na. Doon sa Marawi, noong bata pa ako. Saan ako pupunta? Punta ako ng Iligan. [laughter]. O, punta ako rito. Karaming negosyante doon.
Alam mo yung mga Maranao ganoon lang ‘yan sila pero napakatiyaga ng mga tao ‘yan. Tanungin mo mga military, hanggang Luzon ‘yan. ‘Pag may narinig kang, “DVD, DVD, DVD” [laughter] Akala mo kabayo ang tumatakbo, dibidi-dibidi-dibidi. Nakakaawa. Naawa ako sa kanila. Lumabas ka lang sa sidewalk lang ‘yan sila una. Maya-maya mga ilang taon maganda na ang buhay nila. Naawa ako sa Maranao rin.
Kagaya rin may problema rin tayo doon rebelyon. Sabi ko kako magkaintindihan na muna tayo para naman hindi hirap ang Moro. Kayo makatikim naman kayo ng buhay na—importante edukasyon.
Most important thing really is education. If you do not invest sa education ng mga anak ninyo maski papel lang at saka lapis hindi makakalabas ng Basilan ‘yan. Maniwala kayo. Dito na ‘yan manganak, manganak, manganak. He would never go out of Basilan to venture the outside world. Edukasyon talaga.
Sa Davao, noong pumasok ako isa lang ang Madrasa school. In Davao, 160 Madrasa schools. [applause] Talagang iniipit ko ‘yan sila edukasyon. Maganda, ang Malaysia, malapit lang. Maganda ang eskwelahan diyan. Egypt sana pero magulo, magulo ngayon sa Middle East eh. Pero edukasyon para makapaglabas mga anak ninyo. Iyan ang sikreto yan.
Hindi na ako magtagal. Marami akong appointment paganun-ganon ang — marami naghihintay sa Zamboanga. Okay na nakita ko kayo at nakita ko ang mga bagay-bagay [applause]
Iyan tractor. Huwag ninyong ipagbili ‘yan hindi atin ‘yan. Baka itransaksyon mo ‘yan sa bukid eh. Sabihin mo doon sa bukid na huwag naman sirain. Sabi ni mayor huwag naman sirain. Hindi naman maganda yan tutal pera ninyo ‘yan eh. Pera ng tao ‘yan. Hayaan ninyo ‘yan.
At saka kung maghanap ng dinamita sabi mo wala kasi bawal ang dinamita sa isda. Magtatanong ‘yan. Gusto ko kayong bigyan pero ubos ang isda dito sa… So ano lang, kung ano lang ang tama. Alam mo naman.
Ang ayaw lang sa gusto ni Allah na gawin mo sa buhay na ito but invest in education and kung mayroon kayong problema huwag kaagad magalit. Pakinggan mo muna ako. Pakinggan kita at saka pakinggan mo ako at tingnan natin kung ano ang magandang solusyon.
Ang gusto kong malaman dito ang education ninyo. Gusto ko magbigay sa inyo ng education. Saan ba ang PMS dito? Saan yung PMS dito wala?
Sino ang masabi kung ilan ang national high school ninyo dito? Gusto ko lagyan ng lahat para ang bata maski na papaano may malaman. Now I will ask for a feedback sa ilan ang eskuwelahan dagdagan ko pati ospital. May ospital kayo dito? [someone answers] Kulang. Ah i-upgrade mo? Ilan gov? [Governor answers]
Iyan ang reklamo sa tao ha, ospital pati ‘yung upgrading. Sige, marami kayong mga anak na — maraming anak ang mga Moro na doctor na, mga nurses marami na? Dito sa Zamboanga marami na. Tingnan ko but this year i-upgrade ‘yang mga ospital niyo [applause] para hindi na kayo magpunta doon. Sigurado ‘yan.
Lalo na magpunta ako ng China. May duda ako na okay tayo sa kanila. Huwag na muna natin pakialaman yang Scarborough kasi hindi natin kaya. Magalit man tayo hangin lang. [laughter] Hindi natin kaya. So mag-usap muna lang tayo. Sabihin ko lang ipabalik mo lang ‘yung mga kapatid kong Pilipino mangisda at tsaka mag-usap tayo.
Noon hindi tayo makapag-export ng saging pati pineapple. Last week binuksan na nila, okay na. I think ‘pag nag-pirmahan kami [applause] ibalik na nila ‘yang pagpasok ninyo sa Scarborough, so okay na. Iyan na lang muna.
May duda ako na gusto nilang tumulong talaga. ‘Pag may magtulong na malaki, ‘pag mabalitaan ninyo na may tulong na malaki, isa diyan is ‘yung pangako ko na ospital. Kaagad-agad kung mayroon akong [applause] pero kung may maidala either long term, soft loan, pautangin ka pero bigyan ka ng malawak na panahon para mabayaran or renewable, ‘pag hindi mo talaga kaya eh papalitan ng bagong agreement.
‘Pag may makuha ako na malaki, sigurado ‘yan ipadala ko kaagad dito ang secretary of health patignan ko ‘yang mga ospital i-upgrade ko ‘yan para sa inyo ako na mismo. [applause]
So hindi na ako magtagal. Marami pa akong kausaping mga tao. Muli I would like to say from the deepest na salamat sa pagtulong ninyo. Nanalo ako dito malaki ang panalo ko. [applause]
Power? Tingnan ko. Basta kung may malaki ako unahin ko kayo dito para ma…Kasi minsan ang rason ninyo hinahayaan kayo ng gobyerno.
Kung makadala ako ng power dito tapos mga eskuwelahan, asi-ha, asi-ha — asikasuhin mo muna ‘yan. Iyong pananim ninyo, mayroon kayong ospital, marami kayong national high school, tsaka power.
Ano ang source ng, ha? [Governor speaks] Pero saan ang source natin?[someone explains] Europe ‘yan eh. Dadalhin dito? Is there, is there a company that would pasok dito? [someone answers]
Sige ho importante ‘yan. Hindi magbago ang buhay ninyo ‘pag walang power. Oo, totoo. Titingnan natin kung saan natin makuha ang source.
Pero ‘yung sa dagat ‘yan ang bago ngayon. Kasi ang dagat paulit-ulit ang current eh, paganon. O kaya mag-low tide tapos high tide. Sa current ‘yan.
Kung ‘yan ang ma-harness…Basta ako ganito ha, ‘pag may nahiram ako o may nakuha ako ospital muna pati edukasyon. Tapos kung may natira power. Kung walang matira eh inyo na lang lahat para wala na kayong… [applause]
Doon naman ako mag-asikaso sa Cebu kasi mag-revolt na naman ‘yung mga g*** doon [laughter]. Now you have to balance-balance lang tayo.
Pero alam ko na malaki ang pagkukulang ng gobyerno sa inyo. Sabi ko lang for this time, istorya lang muna tayo. Pagalawin mo ako, pagalawin mo ako. Kung mag-away hindi tayo makagalaw dito. Para makapunta ako dito at makapagsalita sa inyo kung ano ang pwede, ano ang hindi.
Okay? Salamat po.
–END–