ANGAY-ANGAY LANG: Pamalandong sa Buhay Tahimik
Simple lang. Natural ang kanilang ginagawa. Tayong lahat, tulad ng hayop, kapag tinapakan mo, o tinatamaan mo, awtomatik ang balik. Bahay natin, pinuprotektahan natin. Meron silang isang Allah, meron silang estado, ang gobiyerno sultanato, armas meron din sila, kabisado nila ang dagat. Takutin mo, hindi sila takot mamatay.[]
Mas mahalaga ang honor sa kanila.
Nang pumutok ang giyera sa pangungulo ng MNLF, totoo meron tumigil, bumalik sa gobiyerno. Tanong? Sila ba nagturo? Kung sino ang lumalaban, nasaan sila? Hindi sila ipinagtuturo ang mga naiwan sa pakikibaka.
Itong mga Abu Sayyaf, papaano sila nakakatagal? Bakit hindi sila maubos ng military? Matagal na ito, di ba? Kasi walang nagtuturo sa kanila.
Sa kanila, mahalaga ang honor sa kanilang pakikipagkapwa sa mga kamag-anak, at sa mga kasamahan sa komunidad. Bahagi ito ng relasyon sa komunidad. Halimbawa, kung magturo, ang buong clan ang sasabit. Para walang gulo, tahimik lang, protektahan lang ang mga kamag-anak. Bahagi ng kanilang kultura kung papaano makipag-alyansa sa ibang pamilya.
Kung si Pres Digong ay nahihirapan, simple lang. Malalim sa kasaysayan ang ugat ng problema na ating kaharap. Hindi nakaya ng Kastila. Nakaya ba ng Amerikano? Konti, yong grupo ni Datu Ali sa Bud Bagsak, nalipol ni John Pershing. Atras ng konti, yong sinimulan ng Kastila, ipinagpatuloy ng Amerikano, pumutok ang MNLF sa panahon ng Republika. Heto ngayon? Papaano ito aayusin?
Una, kausapin sila, o mag-usap-usap sila, tanungin sila o magtanungan sila kung anong peace ang buhay na nais nila? Sino-sino ang mainam kausapin? O ang isa’t isa.
Pangalawa, sino-sino ang magtutulungan para makamit ang isang buhay na tahimik.
Pangatlo, papaano magbubuo ng bagong henerasyon ng mga bata, para ipagpatuloy ang buhay na buhay ang kapatiran.
Pang-apat, magbuo sa sariling peace zone ang buong probinsya. Binubuhay nila, hindi ng tagalabas. Simple lang na psychology. Natural ito. Ayaw nila ng buhay na pinapakialam. Lahat naman tayo, nais natin ang bahay na walang tagalabas na nakikialam.[]
Panglima, gaano kabilis magagawa ito? Pinakamabilis, 50 taon. Long term isang siglo. Short term, ngayon kaagad. Sino sa tabi mo nag puede makausap?
Pang-anim, marunong magdasal, sa lahat na relihiyon, puede gawin ngayon din. Ganito ang magandang positive thinking energy na mainam ikalat.
Pangpito, mangarap, dream sa pagtulog, at paggising. Mag-create ng bagong cycle ng buhay.