WebClick Tracer

OUR MARAWI: Matutulungan po kami sa pamamamaraang pabilisan ang rehabilitasyon, na makita naming may pag usad sa Ground Zero

(Aslani C. Montillla, President of Siyap Ko Pagtaw Operations For People Empowerment Inc. in Marawi City, prepared this speech for delivery at the public hearing of the Senate’s Special Committee on Marawi City Rehabilitation held at the Mindanao State University-Iligan Institute of Technology gym in Iligan City on 21 February 2020.  Due to time constraints, Montilla, and  other leaders of displaced Marawi residents, submitted their position papers to the Committee Secretariat instead)

The honorable Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Chairman of the Special Committee on Marawi Rehabilitation, Vice Chairman Hon. Francis Tolentino, Sen. Christopher “Bong” Go, Sen. Imee Marcos, Sen. Aquilino Koko Pimentel, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ralph Recto, Majority Leader Sen. Juan Miguel Migz Zubiri, Minority Leader Sen. Franklin Drilon.

Maraming salamat po sa pagkakataon Mr. Chair Hon. Dela Rosa na magkaroon nitong Public Hearing na naglalayong matugunan ang aming mga hinaing at mga pangangailangan.

Dalawang araw na lang po ay mag 33 pong buwan simula ng magkaroon ng Marawi Siege, dalawang araw na lang din ay mag-28 buwan ang liberation.

Nagkaroon po ng Groundbreaking nung October 30, 2018, Halos 16 buwan po simula ng groundbreaking, nasaan po ba ang estado ng rehabilitasyon? Nasa Zero Percent pa rin ang Road Network, Zero percent pa rin ang Water System, maging ng Electric Installations, pati na rin ang canal at sewerage systems na siyang kailangan namin sa aming pagbabalik sa aming mga tahanan sa ipinangako at palaging ipinapangako na December 2021 ng Task Force Bangon Marawi.

Mr. Chair, Hon. Members of this Committee, 19 months na lang po ang natitira sa timeline na iyon. Kung nenenerbyos or natatakot man ang Task Force Bangon Marawi at Member Agencies Mr. Chair, Hon. Members of this Committee, mas natatakot po kami kasi kami ang magmamana sa problema at papaano po kami makakabangon muli.

Marahil ay nakikita nyo ang mga videos na ng mga Transitional Shelters, hindi po namin itinatanggi na ito ay may naitulong kesa naman kami ay patuloy na nakatira sa mga tents. Nais ko lang din pong malaman niyo na ang nasabing shelter ay nagagamit lamang ng 10% sa total na bilang ng IDPs, at 90% ay nakikitira hanggang ngayon sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak or kung saan saan pa man, malayo sa kanilang antas ng pamumuhay bago ang Marawi Siege.

Alam ko kayo din po Mr. Chair, Hon. Members of this committee, basi sa mga naunang Hearing ninyo ay naiinip at nainip kayo sa bagal ng rehabilitasyon, lubos po ang aming tuwa at galak dahil may mga Senador na malapit sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagnanais ding mas mapabilis pa ang rehabilitasyon.

Simula 2018 hanggang 2019, ay nagkaroon ng alokasyon ng 10B ang lahat ng member agencies ng TFBM, 406M nito ay naibalik pa sa Treasury nitong December 2019 dahil hindi nagamit sa tamang oras.

Meron na naman kaming 3.5B sa 2019, at 3.5B sa 2020, malaki po ang aming pasasalamat sa inyo mga kagalang galang na mga Senador, mga membro ng Committee dahil nararamdaman ninyo ang aming paghihikahos.

Paano niyo po ba kami matutulungan? Matutulungan po kami sa pamamamaraang pabilisan ang rehabilitasyon, na makita naming may pag usad sa Ground Zero.

Ninanais naming sa Abril ng taong ito ay masabi naming meron nang 5% accomplishment ang road network, electric, at ng water system. Napakaliit na porsento ano po, pero nilalayon naming ito ay umusad pa na parang score card hanggang makamit ang pangkalahatan sa December 2021.

Isa pong kinakatakotan namin ay kung kaya bang ipasok ang lahat ng kelangan naming budget sa 2021, upang ito ay matugunan ang lahat ng gastosin at pangangailangan ng Most Affected Area – dahil baka ang sabihin ng TFBM ay hanggang diyan na lang ang kaya dahil walang Budget.

Bago paman ang Debris Clearing na nagkakahalaga ng 2,130,000 pesos na kontrata ng EDMARRI, meron din pong naunang kontrata ng 75M ng FINMAT Inc, sa Sector 1 na nagsimula noong December 2018, bagkus imbes na makatulong ay sumira ito ng 76 na kabahayan mula sa Sector 1 ng Daguduban.

Imbes na ito ay maghatid ng magandang pangarap ay ito ay nagwasak pa pangarap ng maraming pamilya. Hindi ko po itinuturo ang mga ahensya ng gobyerno bilang may kasalanan, ngunit ang Task Force Bangon Marawi, bilang ama ng rehabilitasyon ang may control sa Ground Zero at sa lahat ng mga nangyayari dito, ang NHA, bilang nagbigay kontrata sa FINMAT Inc, dahil nagkamali ang FINMAT ay mayroong Moral obligation na isaayos ang kanyang pagkakamaling ito na magbigay ng intervention upang maisaayos ang mga nasirang pangarap – hindi man ito maging sapat, importante ay may natulungan.

Pangalawa po Mr. Chair, Honorable Members of this Committee, papaano po magkaroon ng mga programang “immediate” para sa mga homeowners, home sharers at business owners para makapagsimula ulit, tama po baka nirereport ng DSWD na nakakuha kami ng 73K, at ng DTI na nakakuha kami ng kabuhayang di bababa sa 10K hanggang 14K ang halaga, pero ano nga ba ang 73K na ibinigay noong Mayo 2019, dalawang taon pagkatapos ng Siege kung saan ang mga residente ay nagkabaon baon na sa utang Mr. Chair, Honorable Members of this Committee, hindi po kami Ungrateful, kami po ay nagpapasalamat, pero sa totoo lang, kulang na kulang po talaga;

Pangatlo po, papaano natin mapabilis ang pagpapasa ng Marawi Compensation na siyang tinatalakay ngayon ng Kongreso at hinihiling namin na magkaroon din ng Sponsor sa Senado, kung pwede nga po sana ay kayo po mismo Mr. Chair ang maging sponsor, at maging co-sponsor manggaling sa mga Honorable Members ng Committee na ito, dahil alam naming pakikinggan po kayo ng Presidente.

Ang halagang 30B pesos ng Compensation ay mag-aangat ng buhay ng mahigit 125,000 na mamamayan ng Marawi, 125,000 o di kaya 25,000 libong pamilya Mr. Chair, na sila po ay may magandang pamumuhay bago paman po wasakin ng digmaan ang kanilang mga bahay, ari-arian, kabuhayan, maging ng kanilang kinabukasan.

Nasa sa inyong mga kamay at aksyon Mr. Chair Hon. Bato dela Rosa, Vice Chairman Hon. Tol Tolentino, Sen. Christopher “Bong” Go, Sen. Imee Marcos, Sen. Aquilino Koko Pimentel, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ralph Recto, Majority Leader Sen. Juan Miguel Migz Zubiri, Minority Leader Sen. Franklin Drilon – nasa inyo pong pagsusulong ang kinabukasan na magkaroon ang 125,000 na mamamayan ng Marawi ng hustisya at pag-alalay sa kanilang pagbangon. Maraming salamat po sa inyong lahat.

 

Search MindaNews

Share this MindaNews story
Send us Feedback