Ilang taon na naman bang hihintayin?
Umiitim na ang hangin,
Umabot na tayo sa anim,
Hustisya’y di parin mapasamin.
Umiiyak na ang araw,
Mga luha ay umaapaw,
Kaluluwa ng mga pumanaw,
Di matahimik, sigaw nang sigaw.
(ref:)
Isang salita lang ang kailangan,
Tatlong pantig ng yong malaman,
Aming sinisigaw, aming ginagapang
Nag-aapoy na mga dugo,
Wasak na wasak man ang aming puso,
Di pa rin kami susuko,
Ito’y pagsubok lang.
(cho:)
Hustisya (3x)
Ngayon ay magpipito na,
Di parin ba makakakita,
Mga piring sa inyong mga mata,
Di parin ba mawawala?
(ref:)
Isang salita lang ang kailangan,
Tatlong pantig ng yong malaman,
Aming sinisigaw, aming ginagapang
Nag-aapoy na mga dugo,
Wasak na wasak man ang aming puso,
Di pa rin kami susuko, Itoy pagsubok lang.
(cho:)
Hustisya (3x)
(bridge:)
Ilang taon na naman bang hihintayin?
Umiitim na ang hangin.
Hustisya.
(Batang Mindanaw is the youth section of MindaNews. Ruschiel Faye Marie Morales, 15, composed this song last year for the 58 victims of the Ampatuan Massacre, 32 of them from the media, including her father, Rosell, circulation manager of News Focus and her aunt, Marites Cablitas, a reporter of DXBX.
Faye sang this during the program after the mass at the massacre site in Sitio Masalay, Barangay Salman in Ampatuan, Maguindanao last Sunday, November 20, to commemorate the 7th anniversary of the Nov. 23, 2009 Ampatuan Massacre.
Faye is a Grade 10 student at the Notre Dame of Dadiangas University in General Santos City)