(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s speech, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
REMARKS
OF
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
DURING HIS VISIT TO FIRE VICTIMS IN SAN MIGUEL, MANILA
[Delivered at San Miguel Church, Malacañang Compound | 16 August 2017]
Magandang gabi, ako po ang kapitbahay ninyo.
Ang bahay ko po, sa inyo ‘yan. Kaya kung gusto ninyo, lumipat na kayo. Nandiyan lang sa tabi. I… trabahante lang po ako ng gobyerno.
You know, hindi ho ako bago sa ganito. Kasi Mayor ho ako ng siyudad ng Davao, 23 years. Kaya alam ko itong sitwasyon. Mga sunug-sunog.
Kahit ako naman po, I cannot… hindi ko ho mabalewala kayo kasi magkapit-bahay tayo.
At alam ko ‘yung may-ari ng bahay na tinitirahan ko diyan, bahay ninyo ‘yan. Eh kung maaari lang, ibigay ko na sa inyo ‘yung Malacañang, kayo na lang diyan. [applause]
But you know, I am not the… [inaudible] so mabuti na rin, kasi napasok ko ‘yung simbahan dito for the first time.
Dito ho ako nag-aral pero… dumadaan ako diyan araw-araw papuntang eskwelahan. Ngayon lang ako nakapasok dito at okay naman at nagkita tayo dito lahat.
May tanong lang po ako, wala namang nadisgrasya? ‘Yun lang ang aking tinatanong. Sana wala lang namatay. O okay lang na… kakaunting tulong na lang ito.
Kayo, I don’t know about the practice dito sa siyudad ninyo, but kung walang ano… ‘yung pagkain, sagot po namin hanggang maka-ano kayo. We will ask the DSSD to provide food everyday habang nag-a-adjust kayo. [applause]
Para… Ganon ho sa siyudad ng Davao. Meron ho kayong mayor dito, I really do not know kung ‘yan ba ang practice rin nila.
Ako, basta araw-araw, hanggang nag-a-adjust adjust kayo, kami ang magpakain.
Second, hindi ko naman alam na mangyayari ho ito. Napakasama hong pangyayari, but you know, it happens. Nangyayari talaga ‘yan. But mabuti’t na lang, walang namatay.
Alam mo, ‘yung bahay, ‘yung pera, nakikita natin ‘yan uli. So ang ano, ‘yung buhay ang hindi. So I have… meron ako, wala masyado akong pera, sa totoo lang. Candy, kung gusto mo. [laughter] At panyo. [laughter] Para kung sino ‘yang gustong umiyak.
Ito siya, classmate ko ito sa Grade 3. [laughter] ‘Yun ang librarian natin o. [laughter] So meron dito, nagpakuha… akin, sa opisina ko ‘to.
During… the DSWD will provide food packs with the content, 450 — rice, six kilos; three cans of corned beef; three cans of meatloaf; six sachets of three-in-one coffee; additional blanket; bottled water, pati… anong tawag… banig. Anong bang tawag dito niyan? [applause] Banig rin. Sabi ko na nga eh. [applause]
Ako, small-time lang naman ako, tanggapin lang rin ninyo. Pwede na 5,000 per family? [applause] Mukhang hindi pumapalakpak ‘yung doon. Gawain na lang kaya natin ng tag-100,000 for each family, okay na ‘yan? [applause] Ipagbili ko itong lupa ng pari.
So I’m leaving you with the… Barangay Chairman po? Symbolic lang po ito.
Mabigat ito, ano ba ‘to? Mabigat ‘to, pera pala. [applause] Isang box na pera, ayan. Dahan-dahan lang, ha.
[President Duterte distributes food packs to the fire victims]
Hindi po ako magtatagal. I am flying out. Uwi ako ng Davao.
Picture? Ganito na lang, titindig… hindi makuha eh. Titindig ako diyan sa gitna tapos kunan nila ng picture sa taas para makuha tayong lahat.
Steady lang kayo ha. [applause] Pero ‘yung magaganda, pwedeng tumabi sa kin. [laughter and applause]
—END—