MINDANAWON Aris Alvarez Mindanawon Ikaw, ako, tayo Nanawagan. Lahat ay tinatawagan Taga Cotabato o taga Jolo O saan ka mang dako Di ka ba kikibo? O di ka na kikibo? Di ka ba makikialam? O di ka na makikialam?
Sana Sa bawat bagong silang ng araw Wala ng sisigaw Sana Sa bawat alingawngaw ng baril Wala ng buhay na makikitil Sana Sa bawat pag uusap ng kapayaan Wala ng lumalaban Sana Sa bawat dasal ng bawat isa Wala ng