Mujiv Hataman of Barangay Buli-buli in Sumisip, Basilan was 10 days old when President Ferdinand Edralin Marcos issued Proclamation 1081, declaring martial law on September 21, 1972.
Among the reasons Marcos used to justify martial law were the communist insurgency and the “violent disorder in Mindanao and Sulu” that by then had resulted in the killing of “over 1,000 civilians and about 2,000 armed Muslims and Christians, not to mention the more than five hundred thousand of injured, displaced and homeless persons as well as the great number of casualties among our government troops, and the paralyzation of the economy of Mindanao and Sulu.”
That 10-day old boy, now 44, occupies the highest elective post among the Moro people, as Governor of the five-province, two-city Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), from 2013 to 2016 and reelected for a second and last term in 2016. (Before his election, he served as OIC ARMM Governor from December 2011 to June 2013).
MindaNews interviewed ARMM Governor Mujiv Hataman at his office in the ARMM compound in Cotabato City on December 15.
Excerpts:
Q. As governor for five years now, what went wrong and what went right in those five years in the ARMM?
A. Ang mahalaga … lessons learned. Noong nag-umpisa kami kasi, akala namin pag maayos namin ang bureaucrasya ng ARMM ok na. Kaya mapansin ninyo, mula sa simula nag-develop kami ng three pillars of reform: governance, peace and security. Kaya todo ang suporta namin noon sa peace process kasi nga very critical. Third yung delivery ng basic social services pero inuna namin pinakasentro namin talaga is governance dahil ang point namin, kung maayos ang gobyerno, maayos ang burukrasya namin. Nagbuo kami ng selection process na hindi ginagawa in the past. At the same time inopen namin for most qualified individuals maging galing ka sa malaking clan or hindi, pag hindi ka qualified, hindi talaga namin ipapasa on. Naging transparent kami.. I mean malaking bagay, the mere fact na two years series na yung hindi pa wini-withdraw iyong ISO certificate namin.
… Every year yung auditing so wala naman kaming non-compliance so sabi mag i-isue sila ulit so after a year iakyat na namin sa 2015 level higher level na yunng ISO ang Office of the Regional Glvernor tapos in-encourage din namin yung malalaking agency katulad ng DPWH (Department of Public Works and Highways) pero sa totoo lang … para tingin ko lessons learned din, malaking bagay yung partnership ng regional government at local government mula probinsya, munisipyo and the barangay. Halimbawa sa issue ng peace and security, alam namin natin ang pinaka frontline talaga diyan ito, hindi peace process na issue muna
Q. Yes, yes. Basics.
A. Mas issue ng peace and order ito. Halimbawa, rido, ordinary crimes. Lahat tingin ko malaking bagay yung ano eh, LGU, especially yung barangay at mayors. Sa totoo lang kasi sila yung nasa frontline, sila ang lagi andoon. Ang effect din naman noon maha-hamper din yung deliver ng social services kung merong conflict. Kaya nga halimbawa, on our part, inaayos namin ang burukrasya para magkaroon kami ng system na ma ensure ma-deliver kung ano yung dapat i-deliver namin sa community. Pero ang sinasabi ko lang dito, halimbawa yung nag-LGU Summit, kami lumabas talaga para magkaroon ng implementation, yung LGU… yung regional government.
.. Sa loob ng five years, sa totoo lang, halos lahat ng daan na hindi nadadanan noon ay nadadaanan na ngayon at pwede kong sabihin din na yung hindi nagawa for the past two decades, nagawa namin sa loob ng apat na taon. Hindi ko na ikwenta yung ngayon po. Yung apat na taon, yung mga daanan na hindi inaasahan na magawa, na kayang gawin ng gobyerno ng ARMM, nagawa namin hanggang barangay road, hanggang farm to market road.
Isang concrete nitong halimbawa sa Maguindanao. Yung circumferential road ng Parang-Matanog-Barira-Parang, nagawa namin for past three years. Paved lahat yan so tingin ko ang pagkukulangan ngayon, ang pinaka- challenge tingin ko, ang partnership ng regional government at provincial pati ang municipal government at yan result ng LGU Summit namin na gagawin namin i-follow through namin .. Nag-uusap na rin kami ng apat na governors so ang active ko governor so far yung apat na governors kasi ang Sulu hindi sila nag-attend ng Summit pero sinusulatan namin pero nandoon yung mayors at PPDO (Provincial Planning and Development Office).
Q. Hindi umattend ang Sulu.
A. Actually hindi naka-attend pero ang mga mayors at PPDO andoon. Sinabi namin sa kanila nakita namin doon na kailangan namin mag-usap kung ano ang priorities nyo, yung hindi nyo kaya, yung bigyan ng prioridad. Halimbawa infra, kasi makikita mo lahat ng LGU meron silang malaking allocation sa infra. Pero sa totoo lang, kung malaking infra na worth 100M, kahit isang buong term nila hindi nila kayang gawin yun kasi maliit lang talaga ang pondo nila tapos wala namang tax base ang halos lahat ng LGU sa ARMM. Yun ang isang malaking problema.
Q. Has this tax base actually improved in the last five years o ganon pa rin?
A. Sa amin sa regional level, nag-improve kaya nga ang sabi namin, even yung nag-visioning kami, sinasabi namin na ang success namin dependent on the performance of the LGU as one entity as Autonomous Region in Muslim Mindanao. Pero ang challenge diyan na ito sana ang na-address ng BBL (Bangsamoro Basic Law) before, yung issue ng intergovernmental relationship. Halimbawa, LGU automatically appropriated (ang internal revenue allotment). Sabihin nila ang supervision under sa ARMM. Pero sa totoo lang, wala naman kaming control sa kanila di ba?.. Kung tutuusin, mas autonomous sila than us … kasi sila meron silang fiscal autonomy. Kami we have to go to Congress for our budget. Katulad na lang nangyari sa 8.3 billion (for infra). Dapat dito na pero mag-decide ang Congress, sabihin nila hindi i-realign. Wala rin kaming magagawa.
Q. So basically the problem really is the framework
A. Actually framework… kaya sabi ko maganda din ito, halimbawa si (Presidential Adviser on the Peace Process) Jess Dureza, tumatawag sa amin magkaroon ng representation sa BTC (Bangsamoro Transition Commission). Nag-recommend kami ng abogado. Siempre tutulungan ng ARMM, pangtulong namin doon para kung ano yung lessons learned namin, para ma- anticipate sa future Bangsamoro government, maiwasan ang current situation kasi ang tingin ko malaking bagay ang fiscal autonomy sa issue ng autonomy eh
Q. Based on your five-year experience, hindi mo talaga na-experience yung fiscal autonomy?
A. Ahh wala. Definitely wala. Ang ano na lang noon, once approved, yun. Halimbawa, programmed funds. Actually, autonomous lang kayo pagdating sa fiscal, sa infra plus local fund namin based sa tax namin pero even then, nag-improve ang tax namin. Napaka minimal hindi namin kayang gastusan kasi what is 1B na income namin from 650m sa daming ahensya.
Q. Nag one billion na kayo?
A. Actually nakaabot kami siguro ng 1.6B from 650 to 700 million in the past. Karami namin gagastusan kasi ang mga agencies namin katulad ng DA (Department of Agriculture), hindi naman yung pondo nila program fund naka depende sa Central Office ng DA. In fact, yung ibang agencies namin katulad ng DTI (Department of Trade and Industry), DOST (Department of Science and Technology), wala namang pondo from national line agencies.
Ang merong regular are DA, DOH (Department of Healh) tapos minsan nagiging issue pa against us, halimbawa idownload nila ang consideration sa kanila, cash advance sa ARMM tapos different programs hindi mo naman kayang sabay-sabay patuparin within one month, so kung hindi mo ma- liquidate yun, sabihin hindi muna mag release ng bagong pondo kasi nga hindi nyo pa na consume yung buong pondo. Ang maling sistema doon, sabi namin dapat ang releases ng pondo hindi mo i-lump up kasi different program. Dapat kada program kasi, yung program merong kayang tapusin ng one month, may program na dapat three months merong program isang taon so matapos mo ang one month, hindi mo ma-continue kasi hindi mo na liquidate pa yung iba. So yun yung mga dapat na ayusin na pwede naming pwede nating maitulong later actually dito sa issue ng
Q. Who did you recommend doon sa BTC?
A. Basta may nirecommend kaming lawyer. Dating ASec dito, nagtrabaho dati sa line agencies sa legal. Babae kasi gusto rin namin babae galing, tapos very qualified.
Q. Okay. Can we proceed to the peace process na because initially the roadmap of the government was to come up with one proposed autonomy law, di ba? Itong supposedly under BTC kaya inexpand yung memership to 21 to include the MNLF and ARMM etc. But what has happened now is that Misuari
A. May implementation mechanism separetely
Q. So parang two tracks na naman and Dureza said that the two tracks go alongside its other and Congress will
A. Will decide on it later.
Q. Congress will do the convergence. But many people are saying that that’s going to be disastrous
A. Actually disastrous and divisive pero ang challenge is the Bangsamoro leaders eh. Hindi ito kasalanan ng gobyerno kumbaga. Nag-offer ng avenue ang gobyerno pero ang hirap naming pagkaisahin. Hindi ko actually … ako minsan nalulungkot na ako dahil unang-una pareho lang naman ang cause namin. Halimbawa ako, galing akong street parliament. Aktibista ako. Isa lang namang cause. Height noong MNLF, talagang genuinely, heartily sinuportahan namin na dapat magkaroon ng genuine right to self-determination. Ang Bangsamoro in fact noong pinropose originally naalalalako 1st year college pa ako. Organic law. Kasama pa akong nag-rally niyanpara ioppose
Q. To oppose?
A. I opposed. Actually I was a student leader at that time pero siempre inoppose mo, na-implement din kasi later magkaroon ka rin ng realization, meron din naman talagang pwedeng mga opportunity at ang opportunities na yan pwede maging lessons din for future kasi ang struggle naman hindi one shot deal eh. Ang struggle is a process kasi halimbawa ang… success ng MNLF kahit ano pa ang sabihin natin, success ng Bangsamoro so kung hindi nasiyahan halimbawa ang MILF, meron silang ibang aspiration. Pero kahit anong sabihin nilang aspiration na ito, dapat towards Bangsamoro kaya hindi ko makikita anong dahilan hindi ka pwedeng magkaiisa para sa Bangsamoro. Bakit kailangan mo ng multi-track di ba?
Ako ang sinasabi ko.. ang challenge dito sa Bangsamoro both sa MILF, MNLF, Bangsamoro leaders, dapat i-take ang opportunity na ito, una syempre you have for the first time a Mindanawon President. Second, ang sinasabi niya meron siyang blood na Moro so I am sure ang bias niya ay andoon. Third, as Mindanawon, tingin ko si Digong gusto niya bago siya bumaba dapat magkaroon ng bagong kasaysayan sa Mindanao at maging successful itong negotiation so wala na tayo doon (kasi may agreements na) pero ang problema nag-complicate dito, halimbawa itong different tracks …
Ako hindi ko rin maintindihan kasi bata pa naman ako eh, hindi ko maintindihan ano ba ang gusto ng MNLF na hindi tugma sa gusto ng MILF? Ano ang gusto ng MILF na kaiba sa gusto ng MNLF? In the end, Bangsamoro pa rin di ba?
Halimbawa ako, sinasabi ko kung ang solution kailangan ko mag-resign, kahit bukas magre-resign ako magkaisa lang sila. Kung ano ang suporta on our part at sinabi ko na rin kay President (Duterte) anytime kasi even time ni PNoy (President Benigno Aquino III), ganon din ang commitment ko. Kahit bukas sabi ko, magkasundo lang sila at kailangan ARMM ang susi, strengthen ang ARMM, promise, I swear talagang mag re-resign na ako kasi hindi ako dito para ginagawa lang namin kung anong pwedeng gawin na kapakipakinabang sa Bangsamoro…
Alam ko yung limitation ng ARMM, ramdam ko na hindi ARMM ang solusyon sa problem ng Bangsamoro pero merong mga oportunidad na pwedeng gawin para mapakinabangan ng Bangsamoro habang nandyan ang ARMM. Pero definitely, hindi ito ang ultimate solution, political structure
Q. What is the ultimate solution for you?
A. Maraming mga bagay na dapat baguhin na ang tingin ko ito yung best opportunity though sa panahon ni PNoy may oportunidad eh, di ba? Pero ang tingin ganon din ang oportunidad sa time ni Mayor Digong. Una dahil Mindanawon siya, may Maranao blood siya. Andoon yun eh. Basic kumbaga yung requirement na yun. Present na, kaya
Q. I know that the situation has become complicated in that sense no because of the two tracks and the 3rd track of course is the federalism. Yung MILF ang MNLF-Sema they are really still pushing for unahin muna yung Bangsamoro law saka na yung federalism. Anong tingin mo sa
A. Una, may ina-address tayong current problem ito yung MILF di ba? Yung peace process, with or without amendment sa Constitution, pwedeng i- pursue ang peace process with or without changing our Constitution. May room at may opportunity na magkaroon ng peace. I mean feasible di ba yung peace dahil si Digong ang Pangulo, Mindanawon siya, alam niya yung culture dito so yun isang aspect. Ako hindi ko sinasabi na huwag nating antayin ang federalism pero pwede mo namang pagsabayin habang ina-amend mo ang Constitution kasi meron din gusto ang ilan na kailangan amendyahan na. Pumayag na rin sila ng frame ng Constitution so ituloy natin. Pagdating kung kailangan maamendyahan meron ka nang model eh isaksak mo na lang doon sa federal form. Pero ako, hindi tingin ko rin na maidepende natin dito. Dapat ituloy which comes first.
Q. Parallel tracks
A. Parallel tracks. Which comes first. Advantage din iyon sa atin. Nothing to lose naman di ba? Nothing to lose naman.
Q. But we also know naman that there’s a problem there in the sense that the Constitution will not be amended by Constitutional Convention but by Congress sitting as constituent assembly and Speaker Alvarez has made no secret about his track na federalism. In fact sinabi na nga niya noon na moot and academic yung BBL so if I were Congress, of course based on what happened doon sa BBL…
A. Pero ang tingin ko with Digong, pwede niyang sabihin sa Congress pagsabayin natin kung mabagal yang amendment nyo, which alam naman natin yung complication noong amendment sa Constitution di ba? Paano yung process? Sa tagal, whichever, ConCon ba yan or ConAss yan di ba, pero hindi naman pwede na i-delay natin. Kawawa ang Bangsamoro. Nag-usap kami ni (Maguindanao Rep). Bai Sandra (Sema) ngayon tinanong niya, sabi ko Bai Sandra pwede ninyong isulong nandiyan naman kayo sa Kongreso eh, while waiting dito sa amendment (ng Constituton), kung mauna mag-plebiscite tayo walain ang ARMM mag establish tayo (ng Bangsamoro), sabi ko anytime
Q. The President was here October 29 and was with you in your ARMM Summit on December 1. Magkasunod. I don’t think this happened in the past
A. Yeah. Tama
Q. na in just two months, the president addressing the ARMM
A. Ako my observation. May ano na kami four times or five times ko na na meet si President. Sa Basilan, Malacanang, dito, Malacanang, Summit. Same Consistent siya. Nakit ko rin yang belief na hindi … lalago ang ekonomiya dito pag ganito ang sitwasyon so ang sabi niya dapat mag transform into federalism pero ako naman, tama din pero ang point ko, wala namang pwedeng pumigil, halimbawa hindi namin pwedeng pigilan walang ring makakapigil at hindi naman siguro bawal na isabay di ba, isabay na lang.
Q. Kasi di ba ang magyayari is you have your term
A. Kung hindi rin natin… depende ha kung ano ang mauna. Bakit tayo mag B-BTC?
Q. Exactly
A. Di ba kung antayin natin yun, di ba ang purpose noon mag B-BTC tayo para maka-craft ng bagong law within the frame of the Constitution kasi gusto nating i-pursue so … yun pa rin ang tingin ko.
Q. But are you not afraid that kasi may sinabi rin si President na unahin natin ang BBL, ipasok mo na yung provisions diyan huwag lang yung may questions on the Constitution kasi doon na lang ipasok sa federalism.
A. Doon na sa amendment ng Constitution. Yun ang ano niya.
Q. Ang mangyayari niyan, we are going to come up with a bill that is ala BLBAR na walang
A. Pwede namang BLBAR di pag usapan nila sa BTC. Di ko alam kung ano yung pag-usapan nila. Ang kailangan lang, ako ang tingin ko lang, ngayon dapat mag usap talaga MNLF-MILF tapos mga Bangsamoro representatives sa Congress, yung mga governors, para hindi tayo habang pino-process ito, humantong sa isang sitwasyon na pagdating doon, nandyan na tayo, tayo kami, kami mismo eh magka-away
Q. Doon naman ako pupunta kasi ikaw aktibista ka di ba, naging aktibista. Hindi lang naman aktibista na national ano but also the Bangsamoro right to self determination talaga di ba and then we’re seeing right now these developments. Ano ba talaga ang status ng so-called ISIS presence in Mindanao?
A. Ako hindi ko sasabihin may ISIS definitely, hindi magkakaroon ng ISIS pero definitely, tingin ko merong presence noong network ng ISIS dito sa atin. Halimbawa sa Butig (Lanao del Sur). In fact yung Abu Sayaff meron na silang open statement, nakita ko mismo ang video yung isang Malaysian na nagbabasa na naka mask pero andoon sila … tapos nandoon din sila Isnilon Hapilon at sinasabi nila swear sila ng support sa ISIS. Pero siempre pareho silang militant organizations kumbaga kahit hindi sila magkakasama, they are networks because their ideologies are the same. Yun lang naman ang point eh. Ako personally, wala pa akong alam kung meron silang direct connection, talagang financially pinapadalhan ba sila? Wala pa akong direct doon pero ang reality halimbawa sa Basilan may namamatay na Moroccan kasama ang Abu Sayaff noon, sa operation sa Maguindanao may namatay na isang doctor na Malayasian … noong operation sa before Al Barka, tapos may nahuli na Malaysian hindi ko na alam yun kung nasaan na Malaysian after gyera sa Sumisip. So ibig sabihin meron silang international network so hanggang doon lang kumbaga yung information… Tapos halimbawa yung sa Butig, yung grupo ng Maute, sabi nila yung nagbomba sa Davao. Network nila yan, Maute Group na based dito sa Cotabato. So ibig sabihin, yung presence ng ganong ideology, ako sigurado akong meron na dito pero kung sabihing ISIS network ba yan, siguro because they are because they have the same ideologies.
Q. As governor of the ARMM. how do you then address this problem of possible spread of violent extremism among the youth?.. How do you address this situation?
A. Actually noong LGU Summit lumabas yan eh. Tapos usap-usapan din namin ng mga governors lumabas din yan. Actually maraming dapat gawin. Unang nandyan naman yung mga religious leaders. Halimbawa, Darul Iftah, mga Ulama Council. Second, tingin ko .. dapat … babalik pa rin talaga ako na mahalaga yung function ng local government mula barangay kasi parang sa pamilya lang yan… pag hindi mo namo-monitor yung mga anak mo magtataka ka na lang na may anak ka nang ISIS, may anak ka na pinadala mo sa isang eskwelahan kasi halimbawa itong sa Maute, isang kwento sa akin, nung height ng gyera may anak silang pinadala sa Malaysia ata or something sa Manila tapos alam mo later, kinukwento ito ng mga Maranao assemblyman sa akin noon, tinawagan nila nasa Butig na iyung anak na babae sumama doon sa Maute group.
Q. Babae?
A. Babae… Kaya sabi ko ano kaya yung presence at this point in time napaka-critical ang situation. Yung social media, Facebook Facebook recruitment kasi ang iba sa Facebook naman talaga eh. Tingin ko napaka- critical yung presence nung local government pati yung mga magulang dito.
Q. Do you have a special program on this or
A. Actually, pinag-usapan. Halimbawa pinag-usapan namin hindi ipagbawal, halimbawa yung madaris na lang. Tingin ko ma-institutionalize, magkaroon ng common curriculum .. sa buong ARMM kasi bakit … yung mga Ulama hindi naman nila naimpluwensyahan. Ang karamihan naimpluwensyahan yung hindi Ulama. So ibig sabihin, out of their ignorance.. nung appreciation nung Islam kasi doon sila. Kasi kung ikaw pangakuan, sinong Muslim ayaw pumunta sa langit di ba? Kahit kayo naman kahit hindi Muslim gustong pumunta ng langit eh. Kung wala kang knowledge, in depth sa Islam at sabihin pag mamatay ka saganitong klaseng laban diretso ka sa langit, magkakaroon ka pa ng pitumpung asawa, kahit anong beauty gusto mo ay lalabas.. Second, tingin ko yung component din nang dapat ma intensify talaga halimbawa yung educational program, yung economic services kasi tingnan mo din naman sitwasyon namin na mataas poverty incidence sa amin is sa ARMM dahil sa conflict kaya ako sabi ko nga kaya dapat itong issue ng peace process dapat matapos talaga sa panahon ni Digong. Bakit? Kasi noong naramdaman .. itong Maguindanao halimbawa, noong height noong peace process grabeng investment dito
Q. Makikita mo naman
A. Bumaba ang poverty incidence even Cotabato City bumagsak. Noong nawala ang Region 12, noong nag function na ang ARMM as regional government center, grabe ang hotel naglipana. Yung mga Al Nor panahon lang namin yan tinayo, yung mga mall, yan time ko na yan dito kasi nga buhay ang gobyerno, may activity nag-opisina so lahat yan, saan kami pupunta? Andyan ang Cotabato City. Andyan ang Citimall, nagtayuan lahat…
Second, yung investment sa plantation, di ba mapansin nyo banana plantation? Ang Polloc Port namin namin nagpa-function. Yung national government, yung Bureau of Customs. For last year kasi, kailan lang kami na certify nila, nag-income as of November, almost 100 million.
Ang Bureau of Customs attached kami sa Davao pero because of this importation nag-income sila diyan, importation ng semento, some nag-import ng mga equipment, madami yung mga corn na Lam Sam kasi hindi kayang supplyan dito nag-income sila kaya ang sabi ko convergence nung marami. Dapat hindi … sabihing education lang … dapat all components talaga, magtulong-tulungan, kaya dapat convergence
Q. In your case kasi President Aquino I remember repeatedly said na see the ARMM is … pwedeng naman palang hindi failed experiment yung ARMM but it will depend on the leadership. But it is not just the leadership right?
A. Hindi. Ang tingin ko, key ang leader sa pagpapatakbo. Parang sa isang bahay di ba, parang sasakyan. Pag magaling ang driver mo, kahit luma ang sasakyan mo, kayang patakbuhin. Halimbawa, driver-mechanic ka sa sasakyan so … kung may sira, kaya mong ayusin. Pero kung driver ka, kahit brand new yung sasakyan mo, driver ka lang, kung na-flat (tire ka), hindi ka marunong magpalit ng gulong, hindi ka marunong mag-hire ng mekaniko, sa tingin ko hindi makakatakbo. So mahalaga yun.
Mahalaga yung leadership, mahalaga yung sistema. Halimbawa ako, bibigyan ako ng perfect system, meron akong fiscal autonomy, baka hindi lang ito ang abutin namin.
So at the same time habang sinusulong halimbawa yung perfection nung system, tulad nung pagbibigay ng fiscal autonomy, ayusin ang inter-governmental relation, iklaro kung ano yung reserved power ng Bangsamoro, ano exclusive power ng national government. Ibig sabihin noon, kasama yon so hindi lang leader kung hindi even yung system dapat magkasama at the same time paglalagay ng tamang tao sa burukrasya hindi lang kamag-anak ko kasi nakiusap si ganito.
… Mahaba-haba pang lalakbayin sa ARMM at hindi ultimate solution ang current structure ng ARMM para tapusin ang problema.
At third siguro, pwedeng sabihin na mahalaga ang role ng national government sa current structure ng ARMM, pati yung partnership ng regional government, pati national government at local government, very critical.
Q. Pero itong this development ba.. kasi ako parang when I heard the President say that he will personally supervise Basilan and Sulu. ang feeling ko parang affront naman yun sa ARMM
A. Actually hindi ko makita ang context. Sa totoo lang, after the LGU Summit … hindi ko alam na meron bang umabot sa kanya anong balita wala namang communication sa akin or sa context ba ito dahil sa tindi noong gulo because of the presence of Abu Sayaff at baka mahirapan yung implementation ng project? Pero ang masabi ko, mahirap man ang implementation during our time… na-i-implement din. Meron lang delays pero nai-implement din naman, kaya hindi ko ma-gets kung ano yung context. Maganda maklaro natin pero doon sa nakita ko sa Manila Bulletin, sinabi niya binanggit talaga yung local government units ..
Q. Initially Jolo tapos later meron na siyang Jolo and Basilan.
A. Kaya hindi ko maano kung sa context ba dahil sa conflict o ano. Ako naman, sasabihin nila kung dahil may ghost project ang ARMM, ako .. kaya kong i-challenge, iprovide sa akin saan ang ghost project ng infra kahit hindi pa directly … magre-resign ako.
Q. You are that confident there are no ghost projects in ARMM?
A. ARMM ha ARMM project ang sinasabi ko.
Q. Ghost schools?
A. Meron akong report na hindi pa klaro kasi meron pa kaming ghost students every year
Q. Hanggang ngayon?
A. Oo, meron.
Q. At saka teachers?
A. … Hindi na siya ghost teachers pero sa tingin ko hindi nagre-report regularly
Q. Ano yung ghost students?
A. Kasi… ang sistema eh sa DepEd, per capita ang ginagamit nila, central ha ang ginagawa niyan yung mga principal, meron silang tinatawag na LICS (list of cluster students). Ang LICS doon pinapasok sa computer so may direct sila doon sa sistema. Ngayon kami, ang ginagawa namin, pinababa sa amin, kukunin din namin for validation sa actual pag vina-validate mo maraming umamin sa akin na bino-bloat nila ito dahil una, sa MOOE, second dahil para hindi mabawasan yung item ng teachers o dapat lumaki pa, at pangatlo sa school building kasing parang IRA base yan eh. Halimbawa, kung merong kang ghost students na 70k every year at 45 per classroom at 45 per item, ibig sabihin noon multiply mo ang 70k to 45 ang equivalent ngayon, requirement mo ng classroom at requirement mo ng teacher
Q. How many ghost students are there?
A. May time 2013 ata or 14 may report sa akin ang DepEd 121. Itong lately, alam ko nasa 74 thousand. I-multiply mo idivide mo by 45. Pero ang maganda, lately umamin na rin ang iilan sa akin so ang gagawin namin ngayon kaya nag-ayos kami with DepEd central para hindi kami malugi pareho bago nila i-enrol ok lang i-submit pero ibalik sa amin i-validate sa amin kung ano yung i-recommend yun yung official kasi wala kaming hold sa system na yan diretso sa kanila from baba, diretso sa kanila
Q. So ngayon kayo na ang magva-validate
A. Hindi. Ginagawa naman namin, as internal responsibility namin yun sa ARMM kasi marami namang report sa amin na ganon mula pa noon pero mahirap i-control .. kasi ang system hindi kami nga ang may hawak pero ngayon klaro na ang arrangement alam ko asa ManCom …
Q. So the system and the leadership. On prospects and fears, ano yung fears mo? Sabi mo your hope is that sana within the term of President Duterte talagang maadress itong Bangsamoro Question no? Paano kung hindi?
A. Kung hindi ma-address sa time niya, mas hopeless ako sa mga coming (administrations). Bakit? Kasi karamihan baka hindi nila maintindihan ang sitwasyon eh, di ba? Halimbawa, ang isa sana si PNoy, talagang naintindihan niya dahil very close yung father nya sa Bangsamoro, kay Misuari, kela Rashid Lucman, na naintindihan yung Bangsamoro kasi lagi niyang binabanggit yan tapos syempre ang advantage niyan si Digong kasi mayor siya, marami siyang kaibigang Muslim, related siya sa Muslim, mga anak niya nakapag-asawa ng Muslim. Very close siya sa mga Maguindanaon pati taga Lanao, close siya kay Misuari so alam niya ang Bangsamoro aspiration di ba?
Q. Sema said something like pag hindi pa mangyari ito I mean pag hindi pa ma resolve ang Bangsamoro Question under the term of Dutere, Duterte will be the last they will talk to.
A. Siempre option nila yan as revolutionary organization pero … ako ipinagdasal ko na sana hindi humantong sa ganon kasi ang kawawa ang Bangsamoro kasi ano na ito, since 1960 huwag mo nang ikwenta panahon ng colonization.. pero mag-umpisa ka na lang sa Jabidah Massacre.
Di ba ang tagal na masaydo noong aspiration? Kaya ako, sa totoo lang, kaya minsa nagui-guilty rin kami may magawa kaming mali sa loob ng ARMM dahil alam naming pawis at dugo ito noong mga ninuno namin … kaya nandito rin kami kahit yun lang ang maliit na contribution ko diyan sa struggle na yan, okay na ako makagawa ng daanan, makarating ng tama ang serbisyo
Q. Basic services?
A. Ang tingin ko kasi, in the end kahit manalo ka, nandyan ang aspiration, mahalaga ang governance
Q. I remember Naguib Sinarimbo said that just before 2011 just before pumasok .. kayo as OIC, na ang tingin kasi ng karamihan ng mga tao sa ARMM .. is para siyang national government or even sometimes the ARMM government is a guberno a sarwang (literally foreign government; a government not of their own), hindi maka-relate ang residents ng ARMM doon mismo sa regional government. In your case… ang tingin mo na- address mo yung gap na yun? .. People can now really relate with the ARMM government?
A. Kumpara noon …. hindi ko sinasabi 100% naka-relate sila pero kumpara noon.. pero kung sabihin mo nararamdaman na ba ang ng tao ang ARMM ngayon, tingin ko mas nararamdaman ang ARMM ngayon kasi halimbawa pag umikot ka diyan sa buong probinsya, pag may nakikita ka nang sementadong daanan im sure ang sasabihin ng tao ginawa ng ARMM yan. Yun lang gawin kong halimbawa. Ginawa ng ARMM yan at sa totoo lang din naman hindi kami umabot … halos lahat ng daanan sa connectivity ano yan sa loob ng apat na taon lang namin ginawa.
Q. Yung circumferentiual road ng
A. Basilan
Q. Sulu at saka
A. Basilan, Tawi tawi. Ang Lanao actually, national yan pero may mga portion din diyan ARMM.
Q. Kasi sa panahon ni Dimaporo 37 times na ..
A. Yan ang hindi ko alam. Hindi pa yata ako pinanganak. Martial law baby ako
Q. Yung Moro Assembly, ano ang tingin mo sa sinasabing to get the Moro leaders kasi hindi nga sila united. Obvious naman they are criticizing each other especially within the MNLF-Sema and Nur and Nur refers to the Sema group as traitors, to the MILF as well. Paano yung ARMM governor kasi … kayo ang naa sa gobyerno. How can you get them
A. Si Misuari ,,, bumisita ako sa bahay nila bago pinirmahan ang FAB, nagpaalam ako kay PNoy, kausapin kung ano ang position niya. Wala magawa that time. Ang tingin niya sa MILF, kina Murad is traitor tapos ganon din kina Sema. Ang point ko, mahirap mo buuin kung mag-akusahan ka. Kaso lang, ako talaga nalito ako ha, bilang tingin ko sa leader ngayon, ako ang medyo bata sa kanila, parang lito ako ano ang dahilan na hindi kami pwedeng magkaisa o hindi sila pwedeng magkaisa na ang sinasabi na pareho lang ang aming aspiration para sa Bangsamoro. Ito yun ang tanong na malaki sa akin, hanggang ngayon di ko masagot-sagot
Q. Mahirap ba talagang siyang sagutin?
A. Mahirap sagutin kasi anong rason bakit hindi nila kayang magkaisa?
Q. And they were together in the past.
A. They were together in the past. Mahirap ba talaga yung mag-asawa biglang nagkahiwalay na hindi ano talagang hindi pwedeng mag ayos di ba? Parang yung point ko pero ako kung isa yung objective namin, isa ang goal namin para sa Bangasamoro kahit para sa Bangsamoro. In the first place matanda na sila. Maawa sila sa generation who will come next… kasi kung mawala sila, mawala na sa kasaysayan, sino pa … ang kinatatakutan ko ngayon kung mawala na sila lahat naman, kami mawawala talaga tapos madala ito next generation, yung division na ito, hindi ko alam anong mangyayari sa aspiration ng Bangsamoro. Kaya ako nasabi ko talaga, even ilang leaders sa administration ni Pangulong Duterte, kami …. tingin ko panahon na magkaisa kami kasi ang kinatatakutan ko na ngayon pag wala pa hindi magkaroon ng realization ng aspiration tapos lumakas ang iyong mga extremist, anong mangyayari sa amin? Parang Aleppo, parang sa Middle East ka na lang … magpapatayan ang gagawin mo. Ako, mas yun yung katatakutan ko.
Q. Kaya ba ng your generation, because the weight actually, the burden of the Bangsamoro, of the present situation, is in your next generation.
A. Tama yan.
Q. Basically in your generation…
A. Kaya nga mapansin mo sa generation namin, even sa gabinete ko generation ko eh lagi ko silang kinakausap, bumaba, mag serbisyo tayo kahit pumunta sa community papaliwanag natin ito. Hindi pwede na parang didiktahan kami ng iilan tapos ang future namin ang kawawa, ang future ng next ang kawawa. Ang pinag-uusapan dito hindi yung present generation, ang pinag-uusapan dito, ang next generation. Hindi lang next generations kundi ang coming talaga so ang point ko, pagdating dito, concerned din kami. Ako hindi ko alam kung paano yan approach, kausapin mo, okay naman sila pero pag sa media, nagbabanatan di ba? Okay lang yan, magbanatan sa organisasyon pero sa media magbabanatan ka, marinig ng lahat dahil kung ako ang gobyerno meron akong, mabuti nga si Digong walang reservations na talagang sincerely gusto niyang ma-address ang problema na ito kasi apektado rin, hindi lang, hindi pwedeng mawala ang Davao interest dito sa gulo na ito kasi Mindanao ito eh, as one
Q. Pero kung ako naman ang Congress and I see that you’re so divided
A. Yun nga actually. Yun yung effect o hindi nga kayo nagkakaisa tapos ang ibang idea na lang ang pino-float imbes unifying, ah sige hatiin na lang natin ganito, so parang institutionalized ang division. Meron na ngang problema na ganito, gagawa ka nang institution through law para idivide mo talaga ang Bangsamoro, anong mangyari sa next generation? Ako ang akin na lang, yung next tingin ko mahirap pero
Q. Kaya?
A. Magdasal ka. Pero kami, basta on our part, sinasabi ko na lang yon pero gagawa kami ng paraan.
Q. Ang napapansin ko kasi .. your generation nga ito din yung nag pu -push sa Moro Assembly or Moro whatever so that
A. Kami may proposal kami, nagkakausap halimbawa mga kasama nila Sema nag-usap din kami ni Cong Bai Sandra, kausap ko din ang mga Governor, pwede ano naman eh, posible pero ang question sa amin, halimbawa ang MILF ba, MNLF-Sema group, Misuari group, MILF at iba pa kasi ang dami na ngayon, pwede ba kami tanggalin namin muna iyong mga interest ng aming organisasyon and institution na pinanggalingan namin para kami muna as one Bangsamoro pag-usapan natin yung future ng Bangsamoro kahit yun lang.
Q. Pwede?
A. Ang point ko ang dapat yun ang proposal sa kanila… yung isipin naming lahat. Hindi yung current, For future generations at ako hihingi ako sa kanila mag-ceasefire muna sila sa mga allegation traydor si ganito. Siguro nagkakaiba kami ng paniniwala, prinsipyo pero ang tingin ko buo ang tiwala ko kahit sino diyan walang nagtraydor sa Bangsamoro. Nagkaroon lang siguro ng ibang paniniwala at ibang prinsipyo at hindi nag-agree so it doesn’t mean na nagtatraydoran. Kasi tingin ko, wala dito sa mga ito na traydurin niya ang kapwa niya at isa pa Muslim siya. Naniniwala siya sa Islam. Naniwala siya sa struggle.
[Peace Talk is a series of conversations on the Bangsamoro Peace Process with leaders from civil society, government and revolutionary fronts. Interviews with residents in conflict-affected areas in the Bangsamoro are in multimedia format]