DAVAO CITY (MindaNews/21 August) – A 16-year old student from the University of the Philippines in Mindanao (UP-Min) is the winner of the “Dear P-Noy” letter writing contest organized by the Voice of Mindanao.
Julie Kristine De Guzman, a freshman student taking up BA English major in Creative Writing, hails from Tagum City.
As per contest rules, the main theme for the message must be “the letter-writer’s message for President Noy, or P-Noy, of his/her dreams for Mindanao. The message, coming from his/her heart, may contain his/her vision in line with P-Noy’s statement during his inaugural address as Philippine President of his action plan for Mindanao.”
De Guzman’s message to the President:
Dear P-Noy,
Sa pagkakaluklok mo sa pinakamataas na posisyon sa bansa, nasa ’yo ang aking tiwala. Hindi man ganoon kalakas ang tinig ko bilang ordinaryong estudyante, hayaan mong maisalaysay sa pamamagitan ng liham na ito ang mga pangarap ko bilang taga-Mindanao. Hindi ka man si Superman o Batman, sana’y magkaisa tayong suportahan ang pagbabago alang-alang sa bayan. Hindi man biglaan ang pagbabago, sana’y makapagsimula tayo.
‘Pag sinabing ‘Mindanao’, takot pa rin ang namamayani sa mga nakakarinig nito. Unti-unting natatabunan ang kagandahan nito dahil sa mga pangyayaring hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya. Sana’y maging matiwasay ang pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan – mapa-Lumad man, Bangsamoro o Kristiyano. Tulungan mong maiangat ang pangalang Mindanao mula sa kanyang pagkalugmok. Tutukan din sana ng iyong gobyerno ang pagsasaayos ng mga imprastruktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal dito sa Mindanao sapagkat lubusan na kaming naiiwan sa pag-unlad. Pangarap kong mapagmasdan ang bawat bata sa Mindanao na nakabihis-uniporme sa eskwela na bitbit ang lapis at libro. Walang mga tambay sa lansangan. Lahat nasa paaralan at may mga disenteng trabaho ang mga tao kahit hindi nakapag-aral sa kolehiyo. Mabigyan sana ng atensyon ang mga kababayan nating walang ligtas at maayos na komunidad na tirahan. Magkaroon sana sila ng pagkakataon upang may maituring na tahanan. Pangarap kong magkaroon ng kaayusan sa daloy kalsada. Walang naghahari-harian. Lahat pantay-pantay sa karapatan. Maging ganap na malinis sana ang bawat sulok ng kalsada. Sana’y maituring na lugar para sa kalinisan ang mga lugar sa Mindanao. Mapayabong pa sana ang mga produktong likas sa Mindanao upang magsilbing pang-akit sa mga turista maging sa mga negosyante na magsisilbing daan upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa. Sana’y magkaroon ng ngiti sa bawat labi ng taga-Mindanao ngayon at bukas.
Magsilbi sanang tulay ang liham na ito upang marinig mo ang pangarap naming mga taga-Mindanao.
Sumasainyo,
Julie Kristine De Guzman
Tagum City
University of the Philippines-Mindanao
The contest was open to residents of Mindanao, aged 11 to 18 years old, whether in-school or out-of-school youth.
The members of the Board of Judges are Christian Olasiman, head, Youth for NoyNoy Movement and Member of the People Power Volunteer Center-Zamboanga City; Frencie Carreon, Program Head, Voice of Mindanao and Editor-in-Chief of The PhilSouth Angle; Ryan Rosauro, Secretary-General, Peace and Conflict Journalism Network and correspondent of the Philippine Daily Inquirer-Mindanao Bureau; Carolyn O. Arguillas of MindaNews and Victoria Aquino-Dee of the People Power Volunteer Center-Philippines, as chair of the Board of Judges.
The winners were declared August 20 during the 3rd anniversary of Voice of Mindanao in Zamboanga City.
On August 21, 2010, the 27th Death Anniversary of Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Sr., the top five letters were presented to President Aquino. (MindaNews)