WebClick Tracer

LEADERBOARD AD

Connect with your audience through trusted journalism.

Support Journalism

JOURNALISM

LEADERBOARD AD

Nine Years Have Passed, Pero Bakit Parang Naiwan Pa Rin Kami?

|  May 23, 2026 - 4:39 pm

Commentary

by Sittie Norjannah M. Gambao

MARAWI CITY (MindaNews / 23 May 2026) – Nine years have passed since the Marawi Siege, yet for many of us who lived through it, the war never truly ended. People often talk about Marawi as history — as a tragedy that already happened in 2017. Pero para sa aming mga bakwit, lalo na sa mga kabataan, hindi natapos ang gyera noong tumahimik ang putukan. Hanggang ngayon dala-dala pa rin namin ang epekto nito araw-araw. Nine years na mula nang mawalan kami ng tahanan. Nine years mula nang matutunan naming mabuhay sa uncertainty. Nine years mula nang masanay kaming tawaging “temporary.” Pero hanggang kailan ba dapat maging temporary ang buhay ng tao?

Bente anyos ako noong nangyari ang siege. At ngayong papalapit na akong trenta, halos buong twenties ko naging bakwit ako. Habang ang ibang tao sa edad ko ay nagbu-build ng career, nag-iipon, nagpaplano ng future, o bumubuo ng sariling buhay — kami abala pa rin sa paghahanap ng kasiguraduhan. Imbes na stability, displacement ang naranasan namin. Imbes na peace of mind, uncertainty ang kinalakihan namin bilang young adults.

Akala ko noon, ilang buwan lang kaming mawawala sa bahay namin. Akala ko mabilis lang ang rehabilitation. Akala ko aalagaan kami ng gobyerno dahil biktima kami ng gera. Pero habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan na hindi pala ganun kasimple. Kasi habang ang iba naka-move on na sa Marawi Siege, kami naiwan pa rin sa consequences nito.

The siege stole many things from us. Homes, Schools, Stability, Childhood. Even years we can never take back. Lumaki ang ibang kabataan sa shelters. Nag-aral habang hindi sigurado kung saan pupunta kapag pinaalis ulit. Nangarap habang nakikitang hirap ang mga magulang nilang buhayin ang pamilya araw-araw. At bilang estudyante, ramdam na ramdam namin kung paano naging dagdag na laban ang pag-aaral habang displaced. Maraming school buildings ang naipatayo pagkatapos ng siege, pero hanggang ngayon hindi pa rin napapasukan ng mga estudyante.

Yung iba, unti-unti nang nasisira at napapabayaan habang walang laman. Samantalang ang mga kabataan, nagsasakripisyong maglakad nang pagkalayo-layo sa ilalim ng tirik na araw at malalakas na ulan para lang makapasok sa paaralan dahil hindi kayang sustentuhan ng mga magulang ang pamasahe araw-araw. Marami rin ang napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa takot para sa kanilang safety habang naglalakad papuntang eskwelahan. May mga araw na kailangan mong bumiyahe o maglakad nang malayo para lang makapasok. May mga estudyanteng walang pamasahe, walang maayos na internet, o walang tahimik na lugar para mag-aral. May ilan na tumigil muna dahil kailangang tumulong sa pamilya. Habang ang ibang kabataan ang iniisip ay exams at graduation, kami iniisip muna kung paano makakasurvive araw-araw.

Marami sa amin ang delayed sa pag-aaral. Marami ang nawalan ng opportunities. Marami ang napagod bago pa man makapagsimula mangarap nang buo. At ang pinakamasakit? Parang nasanay na ang mga tao sa sitwasyon namin. Parang normal nalang na may mga pamilyang halos isang dekada nang displaced. Parang normal nalang na may mga kabataang lumaki sa temporary shelters. Parang normal nalang na paulit-ulit kaming naghihintay.

Pero hindi ito normal. Hindi normal na siyam na taon ka nang walang permanenteng tahanan. Hindi normal na kailangan mo pang magsumigaw para lang marinig. Hindi normal na hanggang ngayon, may mga batang hindi pa rin alam ang pakiramdam ng totoong “home.” As a young IDP, one painful question remains in my mind: Hihintayin pa ba naming umabot ng isang dekada bago tuluyang marinig?

Will we have to wait ten years before our voices finally matter?

Kailangan pa ba naming ubusin ang kabataan namin sa shelters bago seryosohin ang sitwasyon namin?

Despite everything, the youth of Marawi are not silent. We organize. We volunteer. We conduct research. We speak in dialogues. We participate in community activities. We continue studying even when displacement makes education difficult. We amplify the stories of our people because we refuse to let Marawi become just another forgotten headline. Because the youth of Marawi are not just “future leaders.”

Kami ang mga kabataang natutong mag-organize habang displaced.


Kami ang mga kabataang patuloy na nagsasalita kahit paulit-ulit na hindi pinapakinggan.


Kami ang mga kabataang lumalaban hindi lang para sa sarili namin, kundi para sa buong komunidad.

Marami nang consultations. Marami nang meetings. Marami nang pangakong napag-usapan. Pero madalas, hanggang usapan lang. Madalas tinatanong kami kung ano ang kailangan ng kabataan — scholarship, educational support, livelihood, mental health services — pero hanggang ngayon marami pa rin sa mga pangangailangang ito ang hindi nabibigyan ng sapat na aksyon.

Paano namin mararamdamang kasama kami sa rehabilitation kung hindi naman talaga pinapakinggan ang mga sinasabi namin? Yet many decisions about our future are still made without us. We are invited to consultations but rarely included in actual decision-making. Development becomes incomplete when the voices of displaced young people are excluded. Kaya ngayong 9th commemoration ng Marawi Siege, hindi lang ito simpleng pag-alala para sa amin.

This is a call for accountability. Paniningil ito sa mga pangakong hanggang ngayon hindi pa rin natutupad. Paniningil ito sa mabagal na aksyon. Paniningil ito sa sistemang matagal nang pinaghihintay ang mga bakwit. Accountability for the delayed rehabilitation. Accountability for the families still displaced. Accountability for the youth forced to grow up in uncertainty.

We do not want pity. We want participation. We do not want temporary solutions. We want dignified return and permanent housing. Hindi kami statistics lang sa reports. Hindi kami projects na pwedeng kalimutan pagkatapos ng turnover. Hindi kami numbers sa rehabilitation updates. Mga tao kami. May pangarap. May boses. May karapatang mabuhay nang may dignidad.

Marawi is more than ruins and rehabilitation updates. Marawi is people. Marawi is memory. Marawi is struggle. And Marawi’s youth continue to stand at the forefront of that struggle.At habang may isang kabataang bakwit na hindi pa rin nakakauwi, habang may isang pamilyang walang permanenteng tahanan, habang may isang batang lumalaking walang kasiguraduhan—Hindi pa tapos ang laban ng Marawi.Nine years later, we are still here. Still waiting. Still hoping. Still fighting to be heard.And we refuse to be forgotten.

[Sittie Norjannah M. Gambao, 29, served as a volunteer under the Ranao Rescue Team during and after the siege, helping affected communities and displaced families. At present, she is part of KABNAR (Kabataan para sa Hustisya, Dignidad at Karapatan), a youth organization advocating for justice, dignity, human rights, and meaningful youth participation, especially for IDPs and marginalized communities.]