WebClick Tracer

TAUSUG IN DOHA: Kwento; Ulan; Alitaptap

tausug in doha column gamson quijano mindaviews

Kwento

Sa gitna ng pagod na pagod ko ng 
Diwa, puso’t isipan
Bawat segundo, minuto, oras, at araw
Walang ginawa kundi nagsumikap 
Upang patuloy na makalikha 
Ng mga kwentong mapaglawaran at kaibig-ibig
Na maghahatid ng ngiti’t halakhak 
at napakaligayang sandali
sa bawat sinisintang mambabasa. 
Ngunit, bakit sa kabila ng hatid kong
Kaligayahan, pagmamahal at kahabagan
Malulupit at malulungkot na
Salaysay
Ang sukli sa aking ibinigay.

Ulan 

Kung minsa’y
Nais ko na lamang makinig
Sa mga kwento ng Ulan
Bawat patak nya sa bubungan
Ng aming tahanan
Sa mga dahon ng puno’t lupa, kapaligiran 
Ay tila baga isang tula’t salaysay
Napakasarap pakinggan
Hatid ay kaligayahan, kapayapaan 
at pamamahinga 
Sa napapagod kong
Puso’t isipan.

Alitaptap 

Sa gabing kay payapa
Nakatitig sa tala
Umaagos ang luha
Kailan pa ba huhupa?
Wika ng Alitaptap 
Mangarap ka’t magsikap
Harapin mo ang hirap! 
Pangarapin mo’y ulap
Kabundoka’y akyatin 
Ilog iyong tawirin
karagata’y sisirin
Hangarin mo’y tamuhin
Ako’y iyong pagmasdan 
Yakap ang kadiliman 
Parola’y sinindihan 
Patuloy lumalaban. 

Search MindaNews

Share this MindaNews story
Send us Feedback