WebClick Tracer

OUR MARAWI: Pabalikin na mga tao at ipasa na ang Marawi Compensation Act

MARAWI CITY (MindaNews / 20 October) — Mr. President, BE TRUTHFUL AND HONEST ABOUT MARAWI ISSUES AND CONCERNS KAMI PO ANG HIGIT NA NASASAKTAN.

Do not pass the blame to the displaced and helpless reisdents of Marawi MAA (Main Affected Areas). You of all people should know that we have nothing to do with the delays and kapalpakan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM)  in the rehabilitation of Marawi.

In fact, if you can still remember during our March 4, 2020 dialogue in Malacanang it was found out that part of the delay is mismo sa Office of the President. The real issue is yung pag-aagawan ng mga agencies kung sino ang makakakuha sa mga infrastructure projects. Nasayang ang 2019 dahil hindi nagastos ang pera dahil sa probisyon sa 2019 General Appropriations Act na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mag-implement sa mga infra projects sa loob ng MAA.

04marawipalaceCDO 11
Drieza Lininding of the Moro Consensus Group in Marawi City airs the sentiments of internally displaced persons in a meeting with President Rodrigo Roa Duterte in Malacañang on March 4, 2020. ROBINSON NIÑAL JR./ PRESIDENTIAL PHOTO

Pero iba ang plano ng TFBM at ibang mga ahensiya ang gusto nilang mag-implement kaya natapos ang 2019 na walang nasimulan, katulad nung 2018 na nasayang din dahil sa planong “Swiss Challenge” na hindi sinang-ayonan ng ibang ahensiya dahil eto ay labag sa batas. Dalawang taon ang nasayang na sana ngayon ay nakapagsimula na rin kami kung tama ang naging plano ng TFBM noong una pa.

Kaya po ‘di maiwasa magduda na ginawang gatasan ang Most Affected Area (MAA)  dahil may TFBM na nga pero pagdating sa Implementasyon ibang ahensiya ang me hawak sa MAA at iba rin ang nasa labas ng MAA.

In fairness sa DPWH National, yung mga nahawakan nilang Proyekto ay kundi tapos ay patapos na rin, buti hindi dumaan sa TFBM ang mga proyekto sa labas ng MAA.

Problema sa Lupa? Ano po Mr. President ang basehan nyo sa overlapping claims eh hindi pa po nilalabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang ginawang profiling sa mga Lupa sa loob ng MAA. At kung merun man ilang porsyento ang sinasabi nyong overlapping para sa ganun ay maayos na natin hanggat maaga.

Pag-meme ari ng Military ang Lupa sa Marawi? Mr. President, ilang beses na po natin napag-usapan eto na hindi po kasali ang 24 barangays ng MAA sa sinasabing Military Reservation, kaya nga yung planong itatayong kampo sa loob ng MAA ay kinailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  pumunta sa korte para sa expropriation dahil wala pong pag-meme ari ang AFP doon, heavily titled po ang mga Lupa jan, kaya nga po mahalaga uulitin namin na ilabas ng DENR-National Mapping and Resource Infrmation Authority ang mga datos sa loob ng MAA.

Pero, me katotohanan po Mr. President, ang sinabi nyong maaring nasa amin din ang ibang problema, tulad po ng Return ng mga Residents sa MAA na ang mga Elected Leaders po namin ay tutol na makabalik ang mga tao, para sa kanila ay kailangan tapusin muna ang mga Basic Facilities bago pabalikin mga tao. Ikaw lang po ang may kapangyarihan para pakiusapan ang mga Local Leaders namin na pumayag nang makabalik o makapasok sa MAA ang problema po Mr. President dahil sa hindi kami pinapayagang makabalik o masilip, pati po mga scrap metal ng mga kabahayan na nasira ay nabenta na na walang pahintulot ang mga nag-meme ari.

Due process po ang aming panawagan kaya po gusto namin makabalik na dahil sa pangamba na baka patayuan ng mga Government Infrastructures ang ilang Lupa jan na ayon mismo sa TFBM ay 50% ng kabahayan sa loob ng MAA ay tatamaan ng Right of way. Hindi naman tau tutol basta legal at me due process kung talagang para sa amin ang ginagawang rehabilitasyon bakit hindi po kami payagang makabalik o makapasok para po mabantayan namin ang aming mga lupain o kabahayan kung anumam ang natira neto?

Naiintindihan po namin ang iyong saloobin sa mga namatay mong sundalo, pero nais po namin ipaalala sayo Mr. President na marami din ang sibilyan ang namatay sa loob ng ground zero na hanggang ngayon ay walang pagka-kilanlan. Nakatanggap po yung ilan naulilang pamilya ng teg-Sampung libo dun sa naka comply ng sangkatutak na requirements.

Pero ang mga sundalo pong namatay ay maliban sa Isang Milyon at Pabahay na natanggap ng kanilang pamilya ay merun ding galing sa mga Pribadong Sektor. Pero sang-ayon po kami sa iyo na walang me gusto sa nangyare kaya po ang aming apela tulad ng iyong pinangako sa amin na pabalikin na mga tao at ipasa na ang Marawi Compensation Act dahil sa usaping Bilyones na budget sa Marawi yang dalawa lang direktang mapapakinabangan ng mga kababayan mong taga Marawi.

Hindi po masama ang umamin sa pagkukulang, hindi rin masama tumanggap ng pintas at kritisismo dahil ikaw po ang Pangulo ng Pilipinas hindi lang ng mga Kasundaluhan at Kapulisan kundi pati po kami na mahigit tatlong taon na bakwet.  (MindaViews is the opinion section of MindaNews. Drieza Abato Lininding is chair of the Moro Consensus Group. This piece was first published on his Facebook page on 20 October 2020)

Search MindaNews

Share this MindaNews story
Send us Feedback