Mike P. Alon
(Deliveredy by Mike P. Alon, organizer of the integrated Mindanaons Assistance for Natives (IMAN), during the graduation rites at the Ateneo de Davao University on March 28, 2015. Mr. Alon and his friend, Fr. Roberto Layson, OMI, conferred the honorary degrees of Doctor of Humanities).
Bismillahemaner Raheem…………..
Maraming salamat sa pagkakataong binigaynosa akin upang tumayo sa inyong harapan at makapag bigay ng minsahe sa ating magsisipag tapos na magsisilbing binhi upang makamit natin ang kapyapaan.
Kapayapaan na hanggang ngayon ay tila mailap na makimit sanhi ng mga nasirang relasyon dulot ng mga pangyayari sa nakaraan.
Bawat isa ay may masasakit na karanasan dulot ng karahasan na nagiging sanhi ng ibat-ibang biases. Ako mismo ay may sariling biases and prejudices dulot ng karahasan na naging sanhi ng pagkamatay ng aking ina noong taong 1974.
Sinunog ang aming bahay at mga kagamitan at inangkin ang aming lupain ng mga Kristyano. Isa sa mga sumunog ay ang aking kaklase na nooy tinuring kung kaibigan. Maraming Moro ang pinahirapan ng mga kristyanong military,
Kasama ng roon ang may sakit kong ina ng nagging dulot ng kanyang kasawian.
Bago ang pangyayaring yon, marami akong mga kaibigang kristyano at maganda at maganda ang aming samahan.
Subalit ang magandang relasyon ay napalitan ng pagkamuhi at pagnanais na makapaghiganti. Kaya napabilang ako sa rebeldeng grupo sa pagnanais na makapaghiganti at makamit ang katarungan para sa aking Ina at iba pang Moro na nakaranas ng pagpapahirap mula sa military.
Subalit dumating ang panahon na kailangan kong mamili kung ang kabutihan ng pamilya o ang paghahangad na makapaghiganti.
Taong 1982 ng mapag pasyahan kung tumiwalag sa grupo at pagtuunan ang aking pamilya.
Sa panahong ito, nahihirapan pa rin akong makihalubilo sa mga Kristyano sa mga dahil sa pangamba na mauulit muli ang mga nangyari sa nakaraan.
Lahat ng ito ay sinikap kung malampasan.sinubukan kung pag-aralan at intindihin ang rilihiyong Kristyano.
Pinili kung buksan ang aking pananaw. Malakingbahagi din ng aking pagbabago sa pananaw ang pagkilala at pagiging matalik naming magkaibigan ni Fr.Bert Lyson.
Maraming nga proseso akong pinag-daanan bago ako naging peace advocate. Subalit isa sa pinaka mahagang bagay na dapat matutunan ng bawat idsa ay ang panalig sa Diyos (Allah), respito at tiwala.
Kung may pananalig tayo sa Diyos at sumusonod sa kanyang utos, di tayo maliligaw ng landas.
Mahalaga din ang pagrespeto sa kapwa anuman ang pananggalingan nya,kultura, pananaw at relihiyon. Malaga dan na
Magkaroon tayo ng tiwala sa kapwa natin upang makamit natin ang kapayapaan.
Dahil dito, masasabi kung napagtagumpayan kong makamit ang kapayapaan sa aking sarili.sapagkat imposebling maging peace advocate kung wala tayong Kapayapaan sa ating sarili.
Dahil sa pagtutulungan namin ni Fr.Bert at kasamahang, ibang mga NGOs at line agencies, may mga komunidad na na deklarang Zone of peace kung saan mapayapa at mahusay na namumuhay ang mga Kristyano, Moro, IP.
Para saan itng paglalahad kong aking karanasan? Ito ay upang hikayatin ang bawat isa sa atin lalo na sa mga panahong ito na sana’y bawat isa ay maghangad ng kapayapaan. Bawat isa ay may sari-sariling mapapait na karanasan dulot ng karahasan, subalit wag nating hayaan na ito ang mag takda ng ating kinsabukasan.
Ang pagbabago at pagunlad ay hindi natin makakamit kung walang kapayapaan.
Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga kasalukuyang nagaganap na nagiging balakid sa matagal na nating hinahangad na kapayapaan.
Naway bawat isa magkaroon ng respeto, tiwala at mas lalong patatagin ang tiwala sa Diyos. Maging bukas sana ang ating pananaw at huwag tayong mang husga dahil lamang sa sa kanyang pinanggalingan, kultura o relihiyon.
Kaya sa mga magsisipagtapos at sa lahat ng mga nandirito ngayon, huwag tayong magpadala sa bugso ng ating emosyon na maaring maging dahilan ng pagsiklab ng karahasan sapagkat lahat tayo ay biktima at walang nananalo sa marahas na pamamaraan.
Batid kung lahat tayo ay gustong mamuhay ng mapayapa at tahimik at maunlad na pamayanan kung kaya alisin natin ang bagahing daladala natin, ang mga biases, prejudices at discrimination sa ibat ibang tribo.Tayoy magkaisa sa pagsulong at pagsuporta sa matagal ng kapayapaan sa Mindanao para sa ating lahat.
Maraming Salamat.