(Note from MindaNews: This is the official transcript of President Rodrigo Duterte’s media interview, released by the Presidential News Desk of the Presidential Communications Office)
Presidential Communications Office
Presidential News Desk
MEDIA INTERVIEW WITH
PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
FOLLOWING HIS VISIT TO THE
WOUNDED-IN-ACTION OFFICERS
[Camp Evangelista Station Hospital, Cagayan de Oro City |
02 April 2017]
Q: Mr. President, good afternoon. Sir, nung nag-collapse ‘yung third round ng peace talks, you ordered the NDF consultants to be arrested. Ngayon na magbabalik po ‘yung fourth round of peace talks, ano po ‘yung mangyayari, sir?
PRESIDENT DUTERTE: Here are my conditions. Akin ‘yan, and that could be by barest, pinaka-bare conditions or conditionalities. One is that there will be a document reduced in writing establishing the parameters of the peace talks. Kailangan may ceasefire at signed in an official document with the participation of the Norway government who’s providing the good offices of the peace talks to be held there.
Second is there must be no extortion or revolutionary tax. Third is that they cannot claim any piece of territory or a real estate here in the Republic of the Philippines.
Alam mo ganito ‘yan, noon may ceasefire. Magpunta ‘yung mga sundalo ko doon sa mag-patrol tapos sabihin nila, ‘they entered into our territory.’ That’s crazy. Bakit ako? Sila ‘yung rebelde, akin itong Pilipinas, the Republic of the Philippines. Atin ito.
Wala kang makuhang teritoryo, you might be claiming it but you cannot hang on to it. All you have to do is to do some, you know… Hindi ka nga makahawak ng isang barangay for one day. At saka ‘yung fourth at palagi kong nakakalimutan, release all prisoners. Whether police, military or civilians or government employees. ‘Pag wala ‘yan, walang peace talks.
I’ve been telling everybody that this fight has been going on for the last 50 years. I hate it. I do not want it. As a matter of fact, ‘pag may namatay diyan ke NPA o sundalo o CAFGU, dumudugo ‘yung puso ko kasi puro tayo Pilipino.
Bigyan mo lang ako ng ibang kalaban, huwag lang sana ang aking kababayan. But I cannot do anything because I am occupying a position with a burden of getting this country back to peace. That is my mission but there is a condition attached to it. Iyong apat na naibigay ko. Otherwise, wala akong magawa and I would be… I would be telling the Filipino people, we will just have to fight. Until kingdom come, wala akong magawa.
Q: Mr. President, good afternoon, sir. Kamusta… Unsay update sa internal cleansing sa PNP regarding ito pong mga politicians na mga “drug protectors” kay last week kung di ko nasayop nga isa police superintendent nga nadakpan nga naggamit og alleged na drugs?
(Translation: What is the update regarding PNP’s internal cleansing regarding those officials who were allegedly accused as “drug protectors” since a police superintendent was caught for allegedly using illegal drugs last week?)
PRESIDENT DUTERTE: As what I have said, ‘yung mga taga-gobyerno, irrespective of what department you belong to, nagwa-warning ako sa inyo, I am telling you that there will be no let-up in this war against the drugs because if I cannot stop it, I would have doomed my country and the next generation.
It does not really matter about martial law, ‘yung sinasabi nila gusto ko mag-diktator. P***** i**. Pinapaguran na nga ako nito eh. Gusto ko ng… It has nothing to do with the suspension of habeas corpus, wala ‘yan.
Dito [raises his right hand] ko kukunin ‘yung inspirasyon ko at kung anong gawin ko. In a nutshell, the long provision of the Constitution says only one thing, na at the end of the day, I am solely responsible of keeping the Filipino nation protected and secured. I have to preserve the next generation. With the four million drug addicts, and with the gall of this EU and every stupid idiot out there, hindi nila alam ang problema gaano kalalim. You know, shabu use, I’ve been telling you, eight months to one year, shrinks the brain. That better off, you have the cocaine and heroine it’s coming from the poppy, organic, tanim. Shabu is a chemical, a deadly chemical. And papaano of the four million na sabi nila na pati ‘yung one million ni Bato, ‘yung akin na ngayon and yet I entered into the picture middle of the year. We have breached the one million eight hundred mark. What I am supposed to do with these people ‘yung mga na-buang na? Eh kung tawagin sa Bisaya may liki na. There’s a crack in the brain. How am I supposed now to deal with them? Tapos may stupid suggestion ang EU gusto kong sampalin ang mga p**** i** nila eh. Na magtayo ako ng mga clinics all over the country, ako ang mag-supply ng shabu, hindi ko na kailangan patayin, suplayan ko ng cocaine, suplayan ko ng… Pareho sa kanila. Look at Holland, they experimented with it, so what happened? It became the hotbed ang ISIS na sa Europe nandoon. Doon nag-congregrate.
Itong mga puti, do not impose your values and the way that we should deal with the problem. There is no consensus international which would say na tayong mga taga-UN members should adopt a policy like this. Walang agreement because there was an impasse. Hindi sila magkaintindihan ‘yung mga representatives.
So why the hell they would now suggest to us to make clinics and to distribute shabu sa gusto mo lahat. Papatayin mo ang bayan ko. Eh how about the next generation? Mahirap lang tayong lahat. Iyong mga Pilipino. Ako medyo ano ako — eh ngayon malaki ‘yung sweldo ko but at the end of the day, sweldo ko siguro palagay mo six months sa ospital, oxygen pati ‘yung… Sino ang magpakain sa akin ng lugaw ko? Iyong mga p**** i*** EU na ‘yan? Mga anak natin. Na kung gawain mong gunggong ang mga anak natin, sino ang mag-alaga sa atin? It’s self-preservation. You have to preserve the nation, the people. Kay kung wala ‘yan… Kung sabihin ninyo na hintuan ‘yang patay, patayan? B*****. It will continue to the last day of my term as President of this Republic if I reach there, if not sorry. And it will not end until the last pusher who is a user by the way always, ganon ang connection, user-pusher talaga ‘yan.
Tapos sabihin ng pari, sabihin ng mga ano pinagpatay ni Duterte ‘yung mga drug lord pati ‘yung mga mahirap. Lahat mahirap taga-ano… Look, it is an apparatus. Kung may shabu dito walang runner, wala ito, mabahaw ito. Pag may mga runner naman wala silang makuha but since there is a craving somebody would only be too willing to produce shabu. Now remember about the elections why I persuaded countries not to have an election? Well, I tell you, 40 percent of the total barangay captains in the Philippines are addicted and are also producers and users of drugs.
Tanungin mo ‘yung mga milyonaryo dito. How many years did it take them to earn their first million? Gokongwei says it’s about five years. Iyong mga ibang mga mayaman 10 years. Tinanong ko si Villar he said about five years. Itong mga shabu producers, they cooked shabu, in two months they are billionaires
Tapos maraming patay, maraming daldal. Iyong patay ilan? Sabi nila tres-mil, singko, lima, pito? How about the four million? Ito humihingi talaga ng kamatayan itong mga p***** i** ito. And some of the cockeyed, they grieved for those mayors who died along the way. Son of a b****. This one lousy God d*** municipal mayor destroying half of the Visayas with shabu and making them crazy by the thousands, by the hundreds.
And you want to joke with me about human rights? Never mind, at the end of the day, I take full responsibility legal akin ‘yan. Ako na ang pupusta ko para sa gobyerno. I will not… Maski na sabi ko sila ‘yung naka-demanda ngayon? Look, Department of Justice is under me, ‘yung mga pumatay sa Albuera, hinayaan ko ‘yung kaso. I could have used my influence as President. Hinayaan ko. Department of Justice filed murder cases against the policemen. But as I promise you, no policemen and military men will go to jail for doing his duty. Hayaan ko sila, sige i-file ninyo.
May remedy? Ah may remedy, lahat ‘yan may remedy. Why? I’m announcing you why? I-convict ninyo okay lang. And then I’ll pardon them. The Constitution says the President can pardon a convict criminal absolute or conditional or can grant amnesty by the concurrence of Congress. Amnesty is itong mga rebel kung maramihan na. Convict ninyo? Kinabukasan may pardon ‘yan with a promotion to [inaudible]. I will give them full. Sabi ng prosecutors talaga daw sinalvage. Sabi ko sa pulis, ‘ano ang nangyari?’ ‘Eh, sir, may baril eh.’ ‘Eh saan ‘yung baril?’ ‘Hindi talaga namin alam.’ But for his penchant for buying his way — binibili niya lahat ang mga pulis. Alam mo ba ‘yung p***** i** ‘yon, apat na pulis pinatay niya kasi ayaw ‘yung droga sa Leyte. Earlier on, hindi lang nasasabi. Ang nasasabi lang ang p***** i** ‘yung patay. Magtanong muna kayo sino ‘yung pinatay at sino ‘yung pumatay. Iyon… Magbalik ka sa Leyte, apat na pulis ang gi-ihaw ngad tong p**** i** na ‘to. Then you grieve as if — parang palabas itong mga namamatay hero.
Iyang Inquirer pati ABS-CBN. Parang hindi sila walang… O ngayon ilang araw, I will tell you, may isasabi ako sa inyo. Harap-harapan sa ABS-CBN. Itong media? Itong Prieto? May son-in-law ‘yan, isang agency sa gobyerno nung panahon… Tanungin ninyo kung anong ginawa sa pera? At count the times na ang son-in-law ni Prieto lumabas sa bayan using public money. Bakit hindi na-report ‘yan? Because he is the son-in-law. They are all hypocrites here.
Pati si Speaker, bakit matanong na ilang… Lahat kami dito wala ng ranggo pagka-ganoon. Sino bang walang kaligayahan? Itanong natin ilan ang lawmakers na may dalawa, tatlo, apat na babae? Tanungin mo sila. Tanungin mo ang lawmakers ilan ang lalaki sa buhay nila? Iyong mga bakla ha. O ilang lalaki… Eh lalaki man ang kanila.
Ang pari, itong isa pang u***. Ilang pari dito ang may asawa? Hay nako. Hypocrisy. Iyang son-in-law ni Prieto, kinakalkal ko. Almost every week, out of the country, naubos ang pera walang…
Kayong mga media ngayon try… Bakit ang gobyerno lang… Bakit hindi niyo kakalkalin ‘yang… Bakit hindi niyo kalkalin si Abad? Anong nagawa ni Abad? Si PNoy? Despite of a Constitutional ruling na bawal ‘yang DAP, they continue to do it as if it was nobody’s business. Hindi pa luma… Eh ngayon gusto ko nang ilabas lahat ‘yan. Lahat pati ‘yung sila Trillanes ‘yung DAP nila, lahat ilabas ko. Ilan ang natanggap nila? Paano nila nagastos?
Ako ‘yung 211 million? Maghanap sila. May naiwan pa sila diyan mga bata nila Central Bank. ‘Pag may kalahati ako niyan, p***** i** bababa ako pagka-Presidente. I assure you, you have that commitment. ‘Pag may anak ako na na-involve sa corruption, i-publish ninyo kaagad and tomorrow you will have my resignation.
Itong Pilipinas kunwari lang may mga kaso na, tapos ‘yung mga victories na sa insurgency war hindi nababalita. Government is winning the war, why? Noon… Noon, mag-surrender ‘yang mga NPA walang armas ‘yan karamihan. Ngayon, ang mga NPA nagbabaan. Ngayon ‘yung ceasefire, maraming report na humihingi, sabi ko, ‘hayaan ninyo’. Kasi may na-ano ako eh. Sabi ko ito mag-diretso na ito sila. Wala na kolektor ceasefire eh ‘di makababa na sila. Sabi ko nga pumunta kayo sa mga kampo ng Army doon kayo magkain. Sila na ang humihingi ngayon. Nalaman nila ngayon na malaki pala. O tingnan mo. Pagbigay, bakit ilan ba ang ibinibigay ninyo noon? Dito. Bakit umabot ba sa inyo? Wala. Doon lang ‘yan sa itaas. T**** i**.
Q: For our next question…
PRESIDENT DUTERTE: But itong… Teka muna, ikaw ma’am. Samahin kita sa eroplano ngayon doon sa ano. Eh ‘di doon na tayo mag-interview para matapos na.
Itong offer ko sa MI, you know ang MI naman nakikihalo sa itong away. I hope that you will be able to control your commanders because we are talking. And I assure you, I will deliver the federal setup sa panahon ko. Kung tatanggapin ng tao, ‘yon na ‘yon; kung hindi wala akong magawa. But I would like to continue the peace talks under — ‘yung wala masyadong away. Kasi pati sundalo ko… May usapan tayo na ‘wag munang barilan.
Nur Misuari has assured me that we will begin the talks by next month. So ‘yung mga terorista ayan, wala talaga akong pasensiya diyan. Fight ‘yan. Kung ubusan eh ‘di ubusan. Marami man akong sundalo, bakit man ako matakot na magbakbakan?
Marami na akong mga eroplano ngayon bago pa mga jet. Nakita ninyo ‘yung jet dumaan dito? O kita mo, dumaan sound na lang naiwan. [laughter] Oo, faster than sound ‘yon eh. ‘Pag padaan na sa bahay ko? Sige ako hintay, ang buang hindi nila ako sinabihan na talagang humihirit nang husto. So narinig ko na lang sige ako hintay ‘yung sound pagtingin ko tabanog ang nakita ko doon. [laughter] Ano bang tabanog sa Tagalog? Ah saranggola.
O ‘yan. Okay, your question, ma’am? Siya, siya ang…
Q: Sir, good evening po…
PRESIDENT DUTERTE: Taga dito ka, ma’am?
Q: Ah Bacoor po.
PRESIDENT DUTERTE: Bacolod?
Q: Bacoor po.
PRESIDENT DUTERTE: Ah Bacoor. Ah Manila team ka dumaan dito?
Q: Yeah, opo, from PTV po, sir. Sir, balikan lang po natin ‘yung sinasabi ninyo tungkol sa EU na wala namang agreement dahil nagka-impasse because EU Ambassador Franz Jessen said or explained that they are not imposing to you to implement 27 conventions kasama na rito ‘yung tungkol sa human rights at sa good governance dahil inaasahan naman na tatalima tayo dito sa mga convention dahil ni-ratify daw po natin ito.
PRESIDENT DUTERTE: Ano ma’am, I’ll explain. Kindly listen, ang EU parliament ‘yung mga politiko diyan, ito ‘yung mga inutil na dapat kapunin. Iyong EU parliament pero ‘yung EU commission, pareha ba diri na-ay Executive, may Congress. Iyong mga pulitiko kagaya namin mga inutil talaga ‘yan. Walang ginagawa ‘yan kung hindi magpabilib. But the EU commission wala silang sinasabi.
Q: Sir, last na lang…
PRESIDENT DUTERTE: Sige, ma’am.
Q: Follow up na lang po. Sir,
PRESIDENT DUTERTE: Hanggang alas-diyes ako dito, ma’am.
Q: Opo…
PRESIDENT DUTERTE: Basta ikaw lang ha.
Q: Yes. In a photo release by…
PRESIDENT DUTERTE: Maglapit ako sa’yo.
Q: Sir, in a photo released by OPAPP sa Facebook, Secretary Bello and Secretary Dureza were seen speaking on the phone and you are on the other line of the phone. May we know kung ano po ba ‘yung mga final directive ninyo sa GRP?
PRESIDENT DUTERTE: Iyon, nagsabi sila guidance, sabi nila, ‘pwede ba ito?’ Sabi ko, ‘ayaw ko ‘yan.’ Sabi, ‘ito, Mayor, pwede ba?’ Sabi ko, ‘that’s not acceptable to me.’ Sabi, ‘ito na…’ Sabi ko, ‘that’s not…’ And my objections are contained in the four conditionalities that I just said to you.
Q: Mayor, President…
PRESIDENT DUTERTE: Ay oo, ito kaibigan ko.
Q: Mayor, may malaking pagtitipon po sa Luneta, “Palit Bise”, meron din po sa ibang parte ng Pilipinas. Suportado po ba ninyo ‘yon?
PRESIDENT DUTERTE: No, I, I… Look, ganito ‘yan eh. I am not a politician anymore, I’m beyond that. In the first place, why should I waste my time about politics? I am no longer eligible for any public office after this. Second is that I do not hunger for popularity anymore. I do not need it. I do not really need it.
And ito namang mga haka-haka na ma-impeach ako o ma-coup d’état ako, you know everything is nasa destiny ko. Palibhasa naman ako nanalo walang pera, walang makina alam naman ninyo ‘yan, and yet I won. And with that is six million majority. Bakit ako nanalo? Hindi ako kilala ng tao, wala akong pera. Why do you think I won? Bakit dito ang crowd ko sa Zamboanga? Nandito man kayo. Why? Because I simply carried five messages. One is that I will stop corruption and in due time I’m going to dismiss another official. P***** i** ang titigas talaga ng ulo. Sabi ko nga the first whiff, hindi ko na kailangan matu… Maamoy ko lang talagang pati istrikto ako sa airport, sa lahat, sa pulis. Wala akong… Ayaw ko ng opresyon sa Pilipino. That has to stop. And sa airport ngayon wala ng bukasan ng…
Anyway, pag-deplane ng bagahe, pupunta ‘yan doon sa cargo tapos paakyat doon sa conveyor parang escalator. Kung meron mang contraband doon or prohibited item nakikita na ‘yon doon sa baba. Why do you have to mess up ‘yang magbukas-bukas ng bag? Bawal ‘yan, bawal ‘yan.
Ayaw ko ‘yung pulis maglapit-lapit — airport police maglapit-lapit sa mga pasahero. Ayaw kong pulis na makita magkarga-karga ng bag ng pasahero. Ayaw kong makita ‘yung mga tao na kagaya namin na may special treatment. I do not like it table-tabla tayong lahat.
Kung palusutin mo ‘yung mga congressman, mga governor, Presidente eh ‘di palusutin mo ‘yung iba. Lalo na ‘yung OFW workers, do not. Iyong mga mahirap, do not. Kung ayaw mo ng sakit ng ulo, do not. Kasi kung may isa diyan sa inyo na outwit na may kasalanan, lahat kayo relieved. Customs police, pag nagkasala ‘yang isa, lahat tanggal. Ganon rin Immigration, ‘pagka nagkasala, tanggal kayong lahat. Eh ganon ang… Eh gusto ninyo ng pakiusap na maganda ayaw naman ninyo, eh ‘di barasuhan tayo.
Then sabi ko droga. But I have said my piece about drugs. Criminality that has… Wala akong… Then economics. Sabi ko hindi ako economist. Ako po’y abugado lang. Simple lang na abugado. Tamang-tama lang na pumasa. Kaya sabi ko mag-assemble ako ng mga bright para matulungan ako at I will embark on a neutral economic agenda. Pumunta ako sa China, ‘yung banana restored na. Noon… Ang Davao halos na ma-kaput kasi ang puro export puro may deperensya, may deperensya, pineapple may deperensya.
Kaya ako pumunta. Ang sabi ko, nagpunta ako dito, wala akong hinihingi. Sabi ko lang, palusutin mo lang ang mga produkto ko kasi wala namang deperensya. Bakit doon sa amin wala? So usap-usap. Iyon pala they were thinking… It was really the… Nagdo-dovetail tayo ng policy ng America. Eh sabi ko maghiwalay tayo. Tutal ang ating alliance ng Amerika is during may atakihin tayo ‘yung RP-US Pact. We will honor it. And I have never entered into a military alliance with any country.
Bakit? To create a Third World War? Tapos ang planet earth. Nothing will grow and everybody will explode. Maski na hindi ka mamatay kaagad diyan walang ng tanim tutubo. Bitawan mo lahat ng mga bomba ngayon? See you in heaven.
Q: Mayor, ano po ang mensahe ninyo doon sa mga nasa Luneta ngayon, maraming pong tao doon?
PRESIDENT DUTERTE: Sa?
Q: Sa “Palit Bise” event po?
PRESIDENT DUTERTE: Ano ‘yan? Hindi ko kasi naintindihan kung ano ‘yan? Laban sa akin?
Q: Hindi po. Laban po sa Bise Presidente.
PRESIDENT DUTERTE: Ay ayaw kong mag-comment diyan. Mahirap ‘yan. Ayaw ko.
Q: Other matter po. Mayor, isang taon na po ‘yung Kidapawan massacre, ngayon pong isang taon na po ito ‘yung National Democratic Front dito po sa Southern Mindanao ay inindict po nila si President PNoy at saka po ‘yung ibang nasa pamahalaan niya na may sala daw sa war crimes. Ano pong masasabi ninyo rito?
PRESIDENT DUTERTE: Actually that is for the courts to decide. [Ano bang tawag nito?] There could be but it’s… I really do not know… But at the end of the day, kung ako man, kung nangyari sa akin, akin talaga ‘yan. Gaya ng sinabi ko itong mga sundalo magkakaso ito, itong mga — eh akin talaga ‘yan.
Ako naman handa naman magpakulong. Kung ihabol ninyo si Aquino eh ‘di okay na. [laughter] Different cells lang.
Sa umaga pwede magsabay-sabay — kay nagpunta man ako sa Crame noon. Nagkain kami sabay ni Jinggoy Estrada pati ni Revilla. Okay ang pagkain nila doon parang — para talagang fiesta. Pinapadalan siya ng nanay niya eh naawa man.
Ako kay mahirap man ako maki-ano na lang ako kay Noynoy. Payag man ako magkulong. Sa totoo lang, makulong dahil sa aking paninindigan? Oo, okay lang ako. Huwag ka lang… Huwag mo akong kalimutan, ma’am, magbisita ha. [laughter] O siya.
Q: That’s all thank you po. No more question from the media na po.
PRESIDENT DUTERTE: Ikaw magbisita ka sa akin. ‘Di ba ikaw ‘yung taga-Davao? Ay anak ng… May isa pa dito g*** na sige dito basta may sundalo gusto niya siya pirme. Nasa na ‘yung buang na ‘yon? Kasama mo, kasama mo. Ito biniro ko minsan nag-iyak kaya ayaw ko ng magharap diyan. Wala naman akong… Any other question? Yes, sir.
Q: Mr. President, unsay lakad nato karon atong duha na kaalyado na kongresista – si House Speaker Pantaleon Alvarez and Congressman Floirendo kay nag-away tungod sa usa ka babae?
(Translation: Mr. President, anong masasabi mo tungkol sa dalawang kongresista – si House Speaker Pantaleon Alvarez and Congressman Floirendo na nag-away dahil sa isang babae?)
PRESIDENT DUTERTE: No, ang asawa nila aggravated kay may bad ano eh, atmosphere. So pati ‘yung asawa nag-ano. Pero iba ang… Hindi babae ang pinagawayan nila. Lalaki. [laughter]
Aba’y ewan ko tanungin mo sila. Basta sabi lang ni Mayor na lalaki man daw ang sinugdanan. Ano ba ‘yung sinugdanan? Ang umpisa. Sige pa, ma’am.
Q: Okay, that’s all, that’s all. Thank you.
PRESIDENT DUTERTE: Sige kay… Ito ang classmate ko sa high school. Oo, classmate ko sa high school. Third year nagtanan ito. [laughter]
Q: Mr. President, maayong gabii. Unsa imong mensahe labi na nga out of 18 regions, ang PNP Region 10 ranked number 3 sa campaign against illegal drugs, og ni-a ugma, awardan tung mga Top 10 performing nga nagsanta jud sa illegal drugs?
(Translation: Mr. President, good evening, anong mensahe niyo po ngayong ang PNP Region 10 ranked number 3 out of 18 Regions sa [performance] sa campaign against illegal drugs and paparangalan bukas yung mga kabilang sa Top 10 na nag-perform sa campaign against illegal drugs?)
PRESIDENT DUTERTE: Yes and I have lost… Ang estimate ko lang, hardly, but I lost about already ‘yung mga drug raids na kasama ang PNP, ang sundalo ko mga — I lost about 42 drug related, sa pulis about 36. Sigurado ako itong araw na ito may patay na pulis drug connected din. Basta sigurado ako niyan.
I lose about two to three soldiers or policemen everyday. Tapos sabihin nila extrajudicial killing? T**** i**, eh bakit ko pa… May mga jet man ako, hulugan ko na lang. Ang problema ang sibilyan. But I am using… I am now…
Historically, hindi ginagamit ‘yung air assets. But may bago akong jets and they are capable of destroying everybody there in the camp. I will not hesitate to order to destroy.
Sa droga destroy the apparatus, it’s a war. Sa rebelde, I will not hesitate to order to blast them off out of the kingdom come. Hindi ako pipigil sa ano, gamitin ninyo lahat. Bakit ako lang ba ang mag-dusa mamatay? Eh tabla-tabla tayo. Okay?
Q: That’s all, Mr. President. Thank you.
—END—