
TULA: Bagong Bahagharì
Magkikita-kita pa rin tayong mulî Magsásalu-salong dî nagmámadalî Sa pinagdaanan babangon, babawi. Ang dî nakadalaw at dî nakauwî Ang maglalakbáy pa sa malayong lahì Makararatíng din nang maluwalhatì. Ang dilím ng ulap ngayó’y nahahawì. Ang luhà sa matá at ngitî












































